I.The Night

75 3 1
                                    

I.The Night

"Hoy Baek!Bilisan mo!"

"Qngina neto oh!Wag kang papepe!"

Yuck.Ang babaho talaga ng mga bibig ng mga 'to.Pwe.Pasalamat sila maganda ako at hinahayaan ko lang sila ganyanin ako.Hanapan niyo na lang ng konek.

"Oo eto na!Malapit ng matapos!"
Naglalagay kasi ako ng eyeliner.Syempre para MAS lalong lumutang yung pagiging dyosa ko.

"Oh tara na?"sabi ko habang pababa na ng hagdan.

"Huwaw may balak ka pa palang bumaba!Akala ko asdfg-"tinakpan ko na agad bibig ni usa.Kapag tumalak pa naman 'to tuloy-tuloy na.Mukhang usa,pero kung makatalak akala mo manok!

"Ah Baek kasama natin sila Jongin."sabi naman ni Dyo.

"Ah si tusta."

"Anong sabi mo?!"

"Ah wala!Sabi ko kyut ng pwet mo.Aray!"hinimas-himas ko naman yung batok ko na binatukan niya.Eto naman!Hindi na nasanay sa tawag ko sa syota niya.

Tsaka lagi na namin kasama yung syota nilang dalawa kapag pupunta ng club.Kaya di na niya kailangan sabihin noh!Ano kailangan ipamukha na puribir alone ako?Oh edi sila na may syota!Ako na maganda!

Pagdating namin sa club sinalubong agad kami nila Kai at Sehun.

"Yo babe!"sabay na sabi nilang dalawa kila Dyo at Luhan.

"Yo Baek!"Ano ba 'to kambal?Sabay lagi magsalita eh.
Tapos akala mo tumutula.'Yo babe' 'Yo Baek' .Nginitian ko na lang sila at pumasok na lang kami sa club.

Dumiretso na kami sa lagi namin pwesto.Nasa may dulo yun at onti lang ang mga taong napapadpad banda don.
Syempre halos lahat nasa gitna.Nakikipaglampungan sa dance floor.

"Baek ano gusto mo?"napatingin naman ako kay Dyo na nakatabi si Kai.

"Ah kung ano na lang yung iyo."sabi ko at nginitian siya.

"Papepe ka talaga."nilingon ko naman si Luhan na nasa kaliwa ko.

"Tse!Kanina ka pa banggit ng banggit ng word na yan ah!Palibhasa kasi wala ka non!"binelatan ko naman siya.
Hahampasin na niya dapat ako kaso bigla siyang hinatak ni baba paupo sa lap nito.Okay.Start na ng landian nila.Hmp.

Dumating na yung mga order namin at nagsimula na rin kami ng magkwentuhan sa mga bagay-bagay.Actually,tuwing sunday night lang kami nagsasama.At sunday night lang din kami pumupunta dito sa club.Tuwing sunday kasi day-off nila.Rare lang na magkakasama kaming lahat dahil busy kami.Sila Luhan at Sehun busy sila sa pagma-manage ng shop nila.Bubble Tea Shop.Tapos sila Kyungsoo naman Resto.Si Kyung yung chef syempre.At ako?Syempre maganda.Chos.Nag-aaral pa lang ako.4th Year College.Nahinto kasi ako kaya sila nauna na ng gumraduate.Lahat kami magkakaibigan na dati pa.

Kada maubos ko yung laman ng baso ko lalagyan ko uli at tutungga.Syempre hindi ko pinapakita kila Luhan kasi patitigilin ako nun.Busy rin sila sa mga syota nila eh.Psh.
"Oy bakla lakas loob natin ah!Baka nakakalimutan mo mabilis ka lang malasing!"sigaw sakin ni Luhan.Naku naman!

Nahihilo na rin ako kaya di ko na nasagot si Luhan.
"U-uhh guys uuwi na ako."
Hindi ko na kaya.Nahihilo-hilo na ako.
"Okay ka lang Baek?Tara uwi na tayo."nag-aalalang sabi ni Kyungsoo sakin.

"Ay wag!Kaya ko pa naman sarili ko.Dito lang kayo.Halos kakarating lang natin tapos aalis agad kayo.Sige una na ko."tumayo na ako at kinuha mga gamit ko.

"Sigurado ka Baek?"tanong sakin ni Tusta.Tumango na lang ako at umalis na.

*

*Hik*

"Ooops.Hahaha."napatawa na lang ako ng bigla akong nasinok dahil sa kalasingan.

Minadali ko na lang ang paglalakad kahit pagewang-gewang at nahihilo na ako para makauwi na ako bago pa ko magsuka sa daan.

Letse.Hindi man lang ako hinatid ng mga baklang yon!Busy makipaglampungan sa mga shota nilang may abnormalities!Pero bagay naman sila sa mga syota nila mga abnormal din sila eh.Ako lang normal.Maganda kasi ako!Wag ka ng umangal!Tusukin kita ng eyeliner ko!Tsaka ako rin nagsabi na wag na ko samahan.Masira ko pa moment nila.

Napanguso naman ako.Bakit kasi wala pa kong boylet ang ganda ko kaya!

Patuloy kong tinahak ang daan sa gilid ng club.Madilim itong eskinita at isang light post lang ang meron para magbigay kahit papaano ng liwanag sa daan.At nasa dulo pa ng eskinita yung light post nakalagay.

"Si Luhan,gwapo nga syota may deadly weapon naman na palaging dala!Si Soo naman yung shota hot naman kaso nasobrahan.Ayun nasunog!AHAHAHA!"
tawa lang ako ng tawa habang naglalakad dahil sa mga pinagsasabi ko.Hindi nga kasi ako bitter at abnormal.Amp.

Napatigil ako sa katatawa ng makarinig ako ng kaluskos di kalayuan sa akin.Tinignan ko yung likuran ko,wala naman akong nakita.Walang katao-tao.Haharap na sana ako ng may naramdaman akong malakas na hangin.Bruh ang lamig.Hindi naman siya ganun kalakas kaso ang creepy parang may biglang dumaan.Pero hangin lang naman.

Bigla tuloy nawala yung kalasingan ko!Ilang beses na ko dumadaan dito pero ngayon lang ako dumaan dito na mag-isa.Kasama ko palagi sila Soo.Tungunu bes natatakot na ko!Ang dilim pa naman ng pwesto ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at mas binilisan ko kaysa kanina.Nakalimutan ko na ngang lasing ako eh.Gising na gising na talaga diwa ko.Hanggang sa di na lakad ang ginawa ko tumakbo na ko.

Feeling ko may nakatingin sa kagandahan ko!Waaah!Malapit na ko sa may light post.At kapag malapit na ko dun,labasan na yun ng eskinita.Maliwanag na doon.

Eto na...

Ilang hakbang na lang...

Pota eto na talag--

"TINGINI!!!"

Napahawak ako sa puso ko.Feeling ko anytime hihiwalay yung precious heart ko sa ribcage ko eh!

Nakayuko ako habang hawak ko pa rin yung maumbok kong dibdib.Eh sa may dede ako eh!Pakiniyo ba!

Napalunok ako ng makita kong may paa sa harapan ko.Tapos yung tingining light post patay-sindi pa!Lalo tuloy akong natakot.Unti-unti kong tiningala yung ulo ko para makita kung sino yung nasa harapan ko.

Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ko.At kagimbal-gimbal talaga yung mga sinabi niya.

"You're mine.You're my property."

Bigla namang lumakas yung hangin.Awkward.Hindi ko rin makita yung mukha niya dahil madilim at nakatalikod siya sa may light post.

"Ah...Okay?"di ko siguradong sabi .Dahan-dahan kong hinakbang paa ko ng nakatingin parin sa kanya.Sabay takbo!

"Waaaah!"

Tangina may saltik ata yun!Asdfghjkl.Sino ba namang matino magsasabi ng ganun?Sa di mo naman kilala?Anong property?Kelan pa ko naging lote?!

"HAHAHAHAHAHA."

Napahinto naman ako sa pagtakbo ko.Pota buti nandito na ko sa light post.Hinanap ko naman kung san nanggaling yung tawa.Ang laki ng boses.Hinayaan ko na lang at umalis na ko.

"Tingini again!"

Napahawak na naman ako sa dibdib ko.Correction maumbok na dibdib.Walang aangal!Ilang beses na ba kong nagulat ngayong gabi?!Isa pa talaga,matutuluyan na ko nito!

"Hahaha you're cute but an idiot at the same time."

Idiot?!Tsaka anong cute?!Maganda ako!Sisigawan ko na sana siya kaso nagulat ako pagtingin ko sa kaniya tangina ang hawt ni koya!

Bigla siyang ngumiti sakin na labas ngipin.Ay may mali!Ano yan?!Pota may pangil!Napasinghap naman ako sa nakita ko.Magsasalita sana uli ako ng bigla namang namula yung mga mata niya.

Diba ang sabi ko sa inyo pagnagulat uli ako matutuluyan na ko.Hindi ko na kinaya yung mga nakita ko at bigla na lang nandilim paningin ko.









Vampired [ChanBaek FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon