Chapter 1

77 6 0
                                    

Kringggg!!!!!

Kringggg!!!!!

Kringggg!!!!!

Boogssshh!!!!

Haist... ang ingay! Nagtakip ako ng unan sa mukha at sinimulan ulit matulog. Maya-maya pa'y naramdaman ko 'na ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

''PHOEBY!!!!!'' Isang napakalakas na sigaw ang gumising sa diwa ko. Kaya napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko na naging dahilan ng pagkahulog ko sa kama ko.

''Aray.'' Daing ko.

Lintek naman oh. Natutulog yung tao ee... Sino ba 'yung walang hiyang sumigaw na 'yun?!

And as if, on cue. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kuya ko, Si kuya Brent. He's 19 yrs. Old. Isang taon lamang ang tanda nya sa akin.

Nilibot nya ang mata nya sa kwarto ko, at naglanding ito sa akin. Biglang lumaki ang mga ngiti sa mukha nya, na kulang nalang ay mapunit ito.

Walang anu-anoy, tumakbo sya sa akin at dinamba ako ng yakap. Muntik pa akong ma-out of balance dahil dito.

''Ahh!'' Daing nya. At napabitaw sa yakap at hinawakan ang namumulang tainga nya.

''ANG AGA-AGA NAMBUBULABOG KA?!! HINDI MO 'BA ALAM NA INAANTOK PA 'KO! HUH?!!'' asik ko.

''Grabe. Namiss din kita.'' Sarkastikong sabi nya. Hay... na 'ko.

''Bakit ka nandito?'' Tanong ko.

''Oh, go downstairs may sasabihin kami.'' Nakangiting sabi nya. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Ano naman yun?

''And, what is it?'' Tanong ko naman.

''Basta, bumaba kana. Intayin ka namin.'' Sabi nya. May sasabihin pa sana ako ng tumalikod na sya at bumaba na. Anu naman kaya yun?

Pumasok na ako sa banyo ko at ginawa ang morning ritual ko. Pagkatapos bumaba na ako at nagtungo sa Dinning Room para mag-breakfast.

Pagdating doon, nakita ko sina kuya at si Anpa na naka-upo na at masayang nag-uusap. Napatingin si kuya Trex sa gawi ko at ngumiti. Nakuha namang ng pansin nya si kuya Brent at si Anpa kaya't napatingin din sila sa akin.

''Oh, apo. Nandyan kana pala.'' Sabi ni Anpa ng nakangiti. Si Anpa na ang kumupkop sa amin, simula nung namatay sina mama.

''Good Morning Anpa.'' Bati ko sa kanya ng nakangiti.

''Good Morning Princess.'' Nakangiting bati ni kuya Trex sa akin.

''Hi kuya. Good Morning.'' Bati ko pabalik. Si kuya Trex ang panganay sa amin 4 yrs. Ang tanda nya sa akin.

Bihira ko silang makasama dahil nasa Pilipinas sila. Siya at si kuya Brent ang Kasalukuyang Nag-ma-manage ng mga eskwelahang, pag-mamay-ari namin duon. At minsan, bumibisita sila sa 'amin dito sa Korea.

''Ahm, ano nga pala yung sasabihin nyo?'' Tanong ka agad. Curious kasi ako. Anu kaya yun.

Tumikhim si Anpa, bago magsalita. ''Apo, You're going to the Philippines.'' Sabi ni Anpa. Na Ikinagulat ko.

Me?! Paano yung mga maiiwan ko dito?! Yung mga Gangmates ko?! Ang mga gang na maiiwan ko?! Mapapabayaan ko sila. Mga sira ulo pa naman ang mga yun kung minsan.






Her Gangster IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon