CHAPTER 4

40 8 0
                                    

Tyler's POV

Hi! I'm Tyler Ryan Scott. 17 year's old. Leader ng Black Vipers, pangalawa sa rank ng UG. Gwapo. Habulin ng chicks. Tinitilian. Ho---

''Tol, pinupuri mo na naman ang sarili mo.'' Biglang sabi ni Jake habang naglalakad kami. Tiningnan ko lang sya ng matalim. Tss... naputol tuloy ang pagpapakilala ko sa inyo. Basag trip talaga to.

''Wag mo nga 'kong pakelaman.'' Singhal ko. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa classroom namin. Habang naglalakad sa hallway, kumuha ako ng chocolate bar sa bulsa ko at kinain ito. Palagi akong may dala nito, at kinakain ko lang ito, kapag nababadtrip ako. Pampakalma ba.

Naiinis ako sa babaeng yun. Yung kapatid ni Brent. First time na maw magpahiya sa 'min ng ganun ha. At babae pa. Kahit pa, kapatid sya ni Brent, hindi nya parin dapat kami pinahiya. Hindi nya siguro alam kung sino kami.

Nakakainis. Nakakainis talaga. Ugh! Para na 'kong bakla sa inaasta ko ngayon. Pero, nakakabadtrip lang eh. Kailangan kong gumanti. Hindi. Gaganti ako. Kahit pa sabihing kapatid sya ng isa sa kagang ko.

Napatigil ako, nung may kama na humawak sa braso ko. Pagtingin ko, si Jake pala.

''Dude, sa punta? Dito, classroom natin oh.'' Naiiling nyang sabi. ''Tsk. Tsk. Tsk. Nililipad na naman ang utak mo.'' Dugtong pa nya. Sinamaan ko 'lang sya ng tingin, at nauna nang pumasok.

Naabutan kong nagkaklase na ang prof. pagdating namin. Bigla namang nabaling ang atensyon nila sa amin, at may ibang babae pang nagtilian nung nakita kami. Psh... Flirts.

''Scott, Kim, Montgomery! Why are you late again?!'' Hindi namin sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa mga upuan namin. Haist, sesermonan lang kami ng sesermonan nyan.

Ramdam ko ang tingin nyang matatalim sa amin. Umupo na 'lang ako, sa katabing upuan ng babaeng naka-ubob sa kanyang upuan sa may tabi ng bintana.

Hmm... this girl seems familiar. Ah, tama. Yung, kapatid ni Brent tss... Pa-ubob ubob na lang sya dahil lang sa, sya ang may-ari ng school. Tss..

''You know, staring is rude.'' Bigla nyang sabi, kaya't napapitlag ako at mabilis na napaayos ng upo, at napa-iwas ng tingin.

Paano nya nalamang tinititigan ko sya? Baka naman, hindi ako ang kinakausap nya. Baka, nag s-sleep talk? Finocus ko na lang ang atensyon ko sa prof. kahit ang totoo, wala akong maintindihan.

~~

KRRIIINNNNGGGGG!!!!!!!

Nagsitayuan na lahat ng mga kaklase ko at nagpaalam nadin ang prof. pagtunog ng bell. Gayun din ang ginawa ko at ng mga kaibigan ko, maliban sa babaeng natutulog pa. Yung kapatid ni Brent.

Poke!-Poke!-Poke!

Kalbit ko sa kanya. Ano bang sumapi sakin?! Pwede ko naman syang iwan nalang dito, bakit ba, ginigising ko'pa sya?!

Sigaw ko sa utak ko. Gustohin ko mang umalis at itigil ang katangahan kong ito, pero mukhang may sariling utak ang kamay at paa ko at hindi sinusunod ang gusto ko.

***

Brianna's POV

Poke!-Poke!-Poke!

Her Gangster IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon