CHAPTER 10

26 6 0
                                    

Tyler's POV




Nandito ako ngayon sa HQ ng Black Vipers. Iniisip ko ang gang na nakatalo sa amin kahapon. ARC ANGEL GANG. Isa sa pinakamalakas na gang. Oh, no. Scratch that. Ang pinakamalakas na gang.

Bakit ganon? Bakit, pakiramdam ko nakita ko na sila? Nakita, I mean pamilyar sila sa'kin. Yung parang nakasalubong ko na sila sa labas ng underground world? Lalo na yung leader nila. Yung mga mata nya. That same cold pair of eyes. It's so familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita. O, kung kanino.



*FLASHBACK



Nagsimula ng tumunog ang bell, pero ni isa sa amin walang gumagalaw. Lumipas na lamang ang ilang minuto ng puro titigan. Naririnig ko na din ang mga bulungan. Ano pa bang hinihintay ng mga babaeng ito? Snow? Bakit hindi pa sila sumusugod?


Tinitigan ko lamang ang babaeng kaharap ko. Mata sa mata. Her eyes. That cold and bored pair eyes. Parang pamilyar. Parang nakita ko na, hindi ko lang maalala.



''Leader, hindi pa ba tayo gagalaw?'' Biglang tanong ni Yuuki sa likod ko. Mukhang wala namang balak na sumugod ang mga ito. Sinenyasan ko lang ang mga kasama ko na mauna ng sumugod. Lima sa lima kami ngayon. Pero, ako at ang leader nila ay nakatayo pa 'rin at nagsusukatan ng tingin.

Hindi man lang ba sya natitinag?


Naririnig ko ang bawat pagtama ng mga armas ng mga naglalaban sa may likod ko, pero hindi ko ito pinapansin. Nakatingin lamang ako sa mata ng babaeng kaharap ko at sinusubukang basahin ang mga iniisip nito.


Pero walang pinagbago. Ang hirap basahin ng iniisip nya. Ano bang iniisip nya, bakit ang hirap nyang basahin? Nakaramdam ako ng kung anong papatama sa likod ko, kaya't mabilis ko itong iniwasan.




''Sorry Leader!'' Sigaw ni Brent. Binigyan ko lamang siya ng isang masamang tingin at binaling na ulit ang tingin sa babaeng-- teka? Nasan na yun?! Sa pagharap ko, wala na ang babaeng kanina'y katitigan ko. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang babae pero wala. Nandito lang siya kanina ah?






''Looking for me?'' Napapitlag ako sa gulat ng may biglang magsalita sa may likuran ko. Hinarap ko ito upang malaman kung sino, at---

''P-paanong?''


Paano siya nakalapit ng hindi ko nalalaman?! Naglakad siya paikot sa akin. ''Well, reflexes Scott. Reflexes and Speed.'' Sabi nito habang nagpapaikot ikot pa din sa akin. Sino ba talaga sila? May pakiramdam akong hindi ko dapat sila minaliit, dahil malakas sila. Malakas pa sa inaakala ko.


''Sino ka ba?'' Tanong ko. Alam kong hindi lang sila basta kung sino lang. Alam kong kaya niya akong patayin in just a snap. Nararamdaman ko iyon sa kanya. At maling mali na naghamon pa kami dahil siguradong kami ang talo.


''Aaaahh!!'' Daing ko ng pilipitin nya ang kamay ko. Mas lalo nya pa itong pinilipit kaya't mas lalo din akong napadaing. Fuck!

''It's for you to find out.'' Bulong nya sa tenga ko. Nangilabpt ako sa way ng pag sasalita nya. Ang lamig. Sobrang lamig ng boses nya na maghahatid talaga ng kaba sa katawan mo.





Marahas nya akong itinulak at saka malakas na tinadyakan, dahilan ng pagtalsik ko. Namimilipit ako sa sahig sa lakas ng tadyak nya. Sa peripheral view ko naman, kita ko ang mga gangmates kong walang malay at sinasakay sa stretcher. Shit! Who are they?! Lumapit siya at lumuhod para lumebel sa akin. Bahagya pa syang tumungo at hinagip ang buhok ko para tingnan siya.



''Game. Over.'' May diin ang bawat bigkas niya.


May diniinan siyang kung ano sa katawan ko. And then, everything went black. Pero bago ko pa man tuluyang ipikit ang mga mata ko, nakita ko pa ang pagtalikod nya at bahagyang paghawi ng buhok nya, dahilan ng paglabas ng tattoo nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Gangster IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon