SN 1

58 2 0
                                    

JENNY'S POV

"So, are you Jenny Dela Vega?" mataray na tanong ng babae sa'kin.

Andito kami ngayon sa isang five star restaurant. After kong ma-receive ang text galing sa isang unknown number, alam ko na agad kung sino ito.

From: 09*********

Meet me at *toot*. We'll have lunch, bitch.

So sino pa ba ang magtetext n'yan kundi ang asawa ni Rafael.

Oo, makapal talaga ang mukha ko. Makapal ang mukha ko para humarap sa asawa ng lalaking kasintahan ko.

Pero di dahil gan'to ang sitwasyon ay matatakot na lang ako sa kanya.

Alam kong sa mata ng tao at ng D'yos ay mali ako. Pero sa mata ko tama ako dahil nagmamahal lang naman ako.

"Yes. The one and only." I said while grinning.

"Paano ka ba pinalaki ng nanay mo at ganyan kakapal ang mukha mo?" matapang na tanong n'ya sa'kin pero di n'ya inaalis ang ngiti sa labi n'ya. Plastic.

"She taught me that I should fight what I owned." I said then sweetly smiled.

"Oh! Really? Bakit? Pagmamay ari mo ba ang asawa ko?" mapanghamon na tanong n'ya. Inemphasize pa n'ya.

"I owned his heart." simpleng sagot ko.

Pansin ko naman ang pagkainis sa mukha niya dahil sa sinagot ko. I smirked at her.

"I am the legal wife." mahinahon n'yang sabi. "Stop ruining our lives." she added.

"Bakit ba kinukulong mo pa si Rafael sa marriage na wala namang pagmamahal?" tanong ko sa kanya.

"We all know na hindi ka n'ya mahal. At hinding-hindi ka n'ya mamahalin!" dagdag ko pa.

Pain registered on her eyes. Nagpupunyagi naman ang utak ko dahil sa nakikita ko. She's hurt, you deserved it bitch.

"Pinakasalan ka n'ya dahil nauubusan na s'ya ng oras para magkaanak. Kaya binuntis ka n'ya at pinakasalan. Kailangan n'yang magka anak. Yun lang, Ellaine. Yun lang." sabi ko.

I'm being heartless here but I don't care. Mahal ko si Rafael and I'll do everything.

Namumuo na ang luha sa mga mata n'ya. May kumurot naman sa puso ko pero binalewala ko iyon dahil kung magpapatalo ako, uuwi akong luhaan.

"You know all of those?" tanong n'ya.

"Of course. Mahal nga n'ya ako diba syempre sasabihin n'ya sa'kin lahat ng namamagitan sa inyo." sagot ko.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha n'ya. Nakaka awa s'ya. Pero mas kaawa-awa ako pag nagpadala ako sa pag iinarte n'ya.

"I have my twins. I want us to be complete. Alam kong babae ka din. Please don't do this." she begged to me.

Sandali akong natigilan. Alam ko ang pakiramdam ng batang ingawan ng ama. Pero di na ako makapapayag na mawala sa akin ang mahal ko.Bakit pa n'ya kailangang idamay ang mga bata?

"Akala ko ba matapang ka, ba't nagmamaka awa ka na ngayon?" sabi ko sa kanya.

Self-defense. Baka pag di ako nagtaray sa kanya ngayon ay baka ibigay ko na lamang sa kanya si Rafael.

"Di ko k-kayang mawalan ng ama ang mga anak namin." sagot n'ya.

I know, Ellaine. I know. Pero hindi mo pa alam ang pakiramdam ng babaeng inagawan ng minamahal. Pero ngayon, malalaman mo na.

Stolen NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon