SN 2

48 3 2
                                    

Flashback ng buhay ni Jenny ang chapter na ito. :)

---

3rd year college ako sa FEU ng makilala ko ang prince charming ko. Haayy. Kinikilig ako pag naaalala ko ang cute n'yang mukha. Hihihi.

1 year na kami ngayon ng bebe ko. Sweet nu? Parang Laida at Miggy lang.

I'm taking up my BS MedTech course while bebe ko is a tourism student.

Kaya ko namang pagsabayin ang pag aaral at lumandi charot ang magka-love life.

Kaya nga eto ako ngayon at nagri-ready para isurprise si bebe ko.

"Chary, okay na ba?" tanong ko sa kaibigan ko.

Tinaas ko ang banner na kulay pink at may nakalagay na 'Happy 1st anniversary bebe ko' at nilagayan ko ng kung anu-anong design. Flowers, glitters, at iba't ibang scrapbook designs.

Nag thumbs up naman s'ya at ngumiti sa'kin.

Balak ko s'yang isurprise sa condo n'ya mamaya. May spare key naman ako kaya magagawa ko 'yun.

"Chary, favor please?" at nag puppy eyes pa ako sa kaibigan ko.

"Ano?" tanong n'ya.

"Pwede bang pakuha nung pina-customize kong cake sa *toot* bakeshop?" sabi ko. "Kasi kukunin ko pa yung couple shirt namin ng bebe ko eh." I added.

"Sure. Basta libre mo 'ko sa starbucks." and she giggled. Adik talaga sa kape 'tong babaeng 'to.

"Yun lang pala eh, sige. Tomorrow." masayang sagot ko sa kanya.

"Sige. I'll go ahead na." at umalis na s'ya.

Pumunta na ako sa shop na pinagpaggawan ko ng couple shirt namin.

"Manong, okay na ba?" masayang tanong ko kay manong.

"Ito na, iha. Excited ka ata ah?" natatawang inabot sa'kin ni manong ang paper bag na naglalaman ng shirt namin.

"Syempre naman manong. 1st anniversary namin ng bebe ko eh." sagot ko sa kanya at inabot ang full payment ko.

"Naku, mga kabataan talaga. Wag isusuko ang bataan ha?" pagpapaalala ni manong.

"Ay! Di naman manong. Kahit yummy si bebe ko —no no muna." nakangiting sagot ko sa kanya.

Natawa naman si manong sa sinabi ko. Nagpaalam na ako sa kanya at umalis na.

Ganito talaga ako. Bungisngis. Hihihi.

Bet na bet ko talaga ang makipagkaibigan. Ganito ako pinalaki ng mama ko. Masayahin at palaging positive sa buhay.

Nagdrive na ako papunta sa condo ng bebe ko. Omg! Excited na talaga ako. Bago ako bumaba ay lumipat ako sa back seat at nagpalit ng damit. Tinted naman ang sasakyan ko kaya kiber lang.

Sinuot ko ang couple shirt na pinagawa ko. Ang cute talaga nito. Picture ni bebe ko ang nakalagay sa shirt ko tas yung katawan n'ya ay si Mickey Mouse. Fave ko kasi yun eh. Hihihi.

Stolen NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon