SN 3

29 1 0
                                    

Continuation pa din ito ng flashback sa past ni Jenny. :)

---

"Charyyyy!" sigaw ko sa kaibigan ko.

"Ayusin mo nga mukha mo." pang babasag n'ya sa'kin.

Kainis 'tong babaeng 'to eh.

"Ba't ka ba umiiyak?" tanong n'ya sa'kin. Di pa kasi n'ya alam ang katarantaduhan ng kumag kong ex at ng punyetang malanding higad na yun. Imbyerna.

"Coffee?" patanong kong sagot sa kanya. Nagningning naman ang mata n'ya. Gets na n'ya na magkikwento ako sa kanya with coffee. Bonding na namin yun.

"Let's go!" masayang sabi n'ya.

*at the coffee shop*

"Anong gusto mo?" tanong ni Chary sa'kin.

"The usual." matamlay kong sagot. "Upo na ako ah. Here's the money." at inabot sa kanya ang pera.

"My treat." at nginitian n'ya ako. Bestfriend ko talaga 'to. Alam n'ya kung paano n'ya papagaanin ang loob ko. Tumango na lang ako.

Habang nag iintay kay Chary ay di ko maiwasang hindi maisip ang nangyari kahapon.

What am I going to do? My wounded heart is still bleeding. Malamang, kahapon lang yun eh.

Pakshet kasi eh. Minahal ko yung gagong yun. Akala ko road to forever na, pinasakay lang pala ako eh.

"Stop crying, will you?" narinig kong sabi ni Chary dala ang inorder n'ya.

"It's about your asshole boyfriend, am I right?" dagdag na tanong pa n'ya.

I nodded at her at pinahid ang mga luha ko. Pero bagsak pa din ito ng bagsak. Unlimited lang? Haayy.

"Spill it." umupo s'ya sa harap ko at binigay ang kape ko.

"K-kasi c-ch-chary—" pero pinutol n'ya ang sinasabi ko.

"Don't stammer. It irritates me." inis na singhal n'ya.

Oh great. Napakagaling n'ya talaga mag comfort.

Pinatahan ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim bago magsalita muli.

"Kung hindi lang ako broken hearted ngayon, yari ka sa'kin." pagtataray ko sa kanya. Nginisihan lang naman n'ya ako.

"May iba si Ash. Yun." simpleng sagot ko.

Inirapan naman n'ya ako at, "Pwede bang paki-elaborate naman?"

Umandar na ang pagka-chismosa ng babaitang ito.

"Nung kinakabit ko na yung ginawa kong banner sa pad n'ya. May narinig akong ungol. Akala ko nung una multo lang. Kaya dalian ko ng inayos yung ginagawa ko. Pero kakaibang ungol eh. Malanding ungol." pagsisimula ko.

"Inosente lang ako pero di ako tanga. Kinakabahan na ako at natatakot at the same time. Binuksan ko yung pinto ng kwarto ni Ash. Nakita kong may malanding higad na nangangabayo sa ibabaw n'ya." at pinahid ko ang luhang pumatak sa'kin.

Stolen NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon