Benefits

493 4 0
                                    

Yen's POV

Haaayy, sa wakas happy ending na din ang LoveStory nila Jace at Samantha, isang couple na lang at sina Scarlette at James na lang..

"Girl, pano naman natin maseset-up yang sina Scarlette at James, tignan mo may anak na yang dalawang yan aso't pusa pa din hanggang ngayon" Kiray. Oo nga pala

"At tignan mo naman sa pagkuha lang ng pagkain nag-aaway pa. Di ba pwedeng magkasundo tong dalawang to?" EJ

"E kung magbakasyon kaya tayo ng barkada, iwan ang mga bata tapos syempre by couples ang room edi minsan magkakasundo yung dalawa"Neilmyloves..

"E pano kung mas lalong mag ala aso't pusa yung dalawa?" sabi ko naman, simula't sapul, ganyan na yang dalawang yan ee.. hirap kaya nila ipagkasundo..

"Di ba nagkasundo lang sila nung nagkaroon sila ng Deal?"EJ

"Alin yung pagiging 'friends with benefits' nila?" Oo nga pala nagkaroon sila ng ganung deal..

Tinignan naman nila akong tatlo ng makahulugang tingin. Para di ko gusto yung tingin nila ahh..

"Hi guys! o bat ganyan mga tingin niyo parang mangangain kayo? may binabalak kayo no?" Sam. Alam na alam ni Sam na may plano kami.. haha!

"Nasan si Mia? oo nag-iisip kami ng pwedeng gawin para matigil na yung dalawa kakaaway!" Kiray sabay nguso dun sa dalawang nag-aaway sa harap ng anak nila..

"Ayyyy! game ako diyan! ako naman ang magiging bridge ng dalawang yan! hanep walang patawad yung dalawa sa harap pa talaga ni Amethyst nag-away! About kay Mia? she went home, she wants to rest na daw." Sam. hahahhaha! oo nga ee.. Aww, sana makasama saamin si Mia.

"Why don't we bring back again the deal?" Jace

"Yung deal nila dati? aba game ako diyan! matutuwa pa si James pagnagkataon! ang kaso guys, diba sabi ni Scarlette, hindi na daw niya gagawin 'yun' kung hindi pa siya kasal?" hala oo nga pano kaya namin malulusutan yun?

"Hello?? guys? may nangyari na kaya sa kanila ulet. The day that James came back from states, nagkakitaan sila sa bar that night, then something happened between the two of them." again?!

Jace POV

Nandito kami ngayon sa bahay namin ni Sam, dito kami dumeretso ng barkada after reception para pagusapan ang plano namin kina Scarlette at James..

"So guys? nakaisip na ba kayo ng paraan?" EJ.. aha!

"Ako meron!" sabi ko. brilliant idea to!

"Hon, make sure that your plan will work." Hon

"Oo naman! eto ang plano!" sabay bulong ko sa kanila ng plano..

"Seryoso ka diyan? baka magalit si Scarlette niyan" Neil. Kahit mas matanda samin yan ng 2 taon takot yan kay Scarlette! Hahahaha!!

"Sure ako diyan! akong bahala! Kay James wala kayong problema dun papayag yun. Si Scarlette lang naman ang problema ee kaya don't cha worry!" hahaha! ang bading!

"Ewww hon bading like lang?" Sam sabay yakap sakin..

"O pano sabihan na natin si James?" Neil

"Sige! tawagan ko na lang.. Hinatid niya yung mag-ina niya sa condo ni Scar ee."

"Sige na uwi na kaming lahat, nakakaistorbo na kami sa inyo ee.. ay teka kelan bakasyon natin?"

"Sabay na lang ng honeymoon namin ni Jace ok lang ba hon?" I nodded " pero guys next week nga pala wag niyong kalimutan fashion week namin ni Scarlette!"

Looking for LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon