Kara's POV
Pagpasok ko sa school bumungad ang text sakin ni angelo na may practice kami mamaya sa sayaw....
From: Angelo Versosa
Kara sa may gym practice. Later 2PMEveryday ganyan ang bungad nya sakin. Kaya minsan di ko maiwasan na mainis.
Another text.
From: Angelo Versosa
Aasahan ka nang group, don't be lateIsa pang text nako.
Besty Janelle calling....
["Bestyyy!"] halos mabingi na ako sa sigaw ni janelle kaya nilayo ko nang konti yung cellphone ko sa tenga ko.
"Ano ba yan bes. Mabibingi ako sayo eh tss. BTW, ano ba yon at kailangan mo pa akong sigawan?"
["Puntahan mo naman ako dito sa canteen."]
"Bes, male-late tayo nyan eh"
["Sige na besty."] Ramdam ko kung gaano sya kakulit sa boses nya. Halatang masaya sya. Ano kayang nangyari dun sa babaeng yon?
"Fine"
Di ko na inantay pa yung sagot nya binaba ko na agad. Hahaba nanaman kase yung usapan namin eh. Pagdating ko sa canteen hinanap ko si janelle buti nalang duon sya sa tambayan namin naka pwesto
Nang makalapit ako sakanya. Tinanong ko na sya kung bakit.
"Janelle. Late na tayo. Halika na!" Sabi ko
"Bes nakita ko si cyrene kanina kausap yung tatlong babae at narinig ko ang pangalan mo!" Bulong nya sakin. Pangalan ko. Bakit ako?
"Anong sabi bes?" Tanong ko
"Ito pakinggan mo!" Sambit nya saka binigay sakin yung earphones at cellphone nya
"Ang gusto, makipag kaibigan kayo kay kara yung plastikan lang ha?"
"Sure, masusunod ang gusto mo!"
"Good!"
Pagtapos nang klase namin dumiretso na ako sa gym. Good thing ako palang tao sa bagay ang aga ko nang 30 minutes.
Pagkapalit ko nang damit ko lumabas na ako sa may restroom duon sa gym nagulat ako kase may lalake na nakatayo sa pintuan nang gym nakatingin lang sya sakin pero di ko na sya pinansin pa. Dumating na sila angelo kaya nag practice na kami.
"Kara, who's the guy standing at the door? Kanina kase sumilip din sya sa window nang gym and nakatingin lang sya sayo. Lahat kame napapansin yon!" Bulong sakin ni ice ang pinsan ko
"I don't know ice! Kanina din nung wala kayo nanduon sya sa pinto nang gym pagka labas ko nang restroom" sagot ko
"Kara!" Sigaw ni karl sa labas.
"Bye ice!" Paalam ko tapos kinindatan ko sya.
"Who's the guy standing there earlier?" Tanong ni karl sakin at tinuro pa yung pwesto nang lalaki kanina.
"Karl, di ko kilala" depensa ko. I sound to defensive.
"So, i've watched your dance practice, bakit poker face ka? Kara kayo ni ice, angelo, at janelle ay sikat na dancer and model. So ipakita mo sakanila na happy ka okay?" Sabi nya sabay gulo nang buhok ko.
"Yes twin, bibili lang ako nang maiinom sa cafeteria go ahead susunod ako sayo sa parking" sagot ko.
Nang makabili ako nang maiinom ko umupo ako saglit. Biglang may lumapit sakin na babae at kung hindi ako magkakamali sya ang isa sa tauhan ni cyrene.
"Hi, what's your name?" Sweet nyang sabi. Pero wala syang maloloko
"Di ko na kailangan sabihin sikat ang dance group namin, kaya imposibleng di mo ako kilala" sagot ko. At eto si girl napanganga.
"I'm just asking your name!" Sagot nya
"Kara Mendoza, kambal ni Karl Mendoza pinsan ni Ice Mendoza happy now?" Mataray kong sabi saka ko sya tinaasan nang kilay
"Fine. I'm Tiffania Cr---" pinutol ko yung sinasabi nya.
"Wala akong pake. Makikipag plastikan ka. Lumayas kana sa eskwelahan nang mama ko!" Mataray kong sabi.
"Gosh Mendoza, gusto ko lang naman makipag-kaibigan sayo eh" sambit nya. Buti nalang na-blue tooth sakin ni janelle ang pictures pati yung records! nya i owe janelle alot.
"Oo nga eh noh!" Sambit ko saka ko plinay yung record.
"Ang gusto ko makipag kaibigan kayo kay kara yung plastikan lang ha?"
"Sure, masusunod ang gusto mo!"
"Good"
"Mendoza di totoo yan!" Depensa nya pa.
"Ah so yung pictures di totoo?" Mataray kong sabi
"Kara let's go" sigaw ni karl
Inirapan ko muna yung tiffania plastik bago ako lumabas
-----------------
Kara's Hugot 101
Wag basta basta magpa-api tandaan mo di ka dinala nang nanay mo nang 9 months sa tiyan nya para magpa-api ka
BINABASA MO ANG
My Alien Love <3
RomanceActually hindi alien ang mahal nya kundi tao na naguugali nang alien kaya my alien love.