Simula
Busy'ng busy kaming magkaklase sa pagaasikaso ng booth namin. December na kasi Foundation Week na ng School naming, at sinabay naman ng dean naming ang College Week naming sa Foundation week para madami daw bumili sa mga booth namin pag nagtinda kami.
"Dapat yung Pagtitinda ng iba diyan may bayad e," Parinig ng kaibigan kong si Ash."Naiisip mo rin yon ash? Suggest kaya natin kay President?" Sawsaw naman ng isa ko pang kaibigang si Cess.
Nakikigulo din kasi ako sakanila. Nagdadala ako ng sarili kong paninda at doon ko tinitinda sa booth ng Section namin. Sayang din kasi, total madami naman akong customer na taga school namin. Why not try ko rin sa mismong school right? Hindi yung puro online lang.
"Siraulo kayo! Hahaha. May discount na nga kapag kayo bumili eh." Sabi ko ng natatawa din, habang inaayos ang mga cupcakes na paninda ko.
"Magkano cheese sticks niyo?" tanong ng isang lalaking mukhang Engineering, Yung ID Lace kasi niya. Hehehe.
"Dos lang isa, pero sige dahil schoolmate ka namin, piso nalang" Sabi naman ni Dianne, kaibigan ko din. Kaming magkakaibigan kasi ang bantay ngayong araw sa booth. Bukas iba naman bantay pero dahil nagtitinda ako ng cupcakes ko. Bantay din ako, bukas. Hanggang sa matapos ang foundation week.
"Eh etong cupcakes?" tanong naman ng kasama niya. Ako na ang sumagot. "Uhh 40 lang isa"
"Ahh." Sabi naman ng kasama niya. "Paano pag lahat?" tanning pa niya.
"160 pag lahat"
"Ahh. Sige bilin ko na yang apat na nakalabas" sabi niya at inayos ko na ang binili niya, habang ang iba kong kaibigan ko ay busy sa pagtitinda ng paninda nila.
"Miss." Tawag nung lalaki saakin. "Hmm?" sabi ko nalang dahil busy ako sa pagaayos ng order niya.
"Ikaw ba yung cupcake ko?" tanong niyang bigla.
"huh?" sabi ko ng gulat. Napaka weird naman ni kuya kung ano-ano sinasabi.
"Baka kasi ako na yung icing e. Tas ikaw yung cupcake, ako na ata si Mr. Right mo" sabi niya pagkabigay na pagkabigay ko ng order niya. Napanga-nga ako pati na rin mga kaibigan ko. "Thank you miss! Eto bayad oh, keep the change! See you around!" SAbi niya at umalis na.
"Tngina non breezy." Sabi ni joy, isa din sa kaibigan ko.
Napalunok nalang ako pagkatapos ng nangyari na yon. Ang random ni kuya, kaloka! Trip pa ata ako.
Nang mag-ala singko na, nagligpit na kami ng mga paninda,. Yung ibang gamit iuuwi sa bahay nila Dianne, malapit lang kasi bahay nila ditto, kaya sakanila nalang ilalagay, ako naman thank god! Nakaubos ng paninda ko. Yay so definitely magtitinda pa talaga ako!
Naglalakad na ako, Pakapitolyo don kasi si papa. Sabay kami umuwi kapag alasingko uwian ko.
"Hi Cupcake!" Biglang may sumulpot sa gilid ko. Sa sobrang gulat ko nalaglag ung mga Tupperware na dala ko.
" Da ef?" pinulot ko nalang aagd yung mga tupperware
"Sorry! Hahatid lang sana kita e, taga san kaba?" tanong na naman niya. Tinignan ko ang mukha at siya pala yung random guy kanina! Kakaiba tlaga trip ng mga engineering tss.
"Ok lang. Kaya ko sarili ko. Kaya pwede ba?" sabi ko ng umiirap at naglakad na ulit pakapitolyo.
"Pwede bang ano?" sabi niya ng nakangisi. Inirapan ko ulit siya. "Wag mokong sundan! Leche!" Sabi ko at umalis na talaga sa harapan niya.
"Ganda sana, sungit naman." Narinig kong sabi niya. At sinundan pa din ako. Leche creepy! Mamaya rape'in ako neto e. Buti nalang kasabay ko si papa!
"Uy bat pakapitolyo ka? Sumakit ba tiyan mo?" tanong niya. Napansin siguro na sa kapitolyo an punta ko. Tss. Di ko siya pinapansin hanggang makarating akong kapitolyo.
Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin si papa.
"Uy jade, papa mo ba?" tanong sakin ng isang lalaki. Nakalimutan ko pangalan niya! Pero minsan na siiyang pumunta sa min e.
"Uhh opo e," sabi ko at naupo sa isang upuan don. Tumabi naman sakin yung lalaking di ko kakilala.
"Akala ko naman sumakit na tiyan mo e. Kasi may kaibigan akong malapit lang ditto bahay." Sabi niya sakin. "Jade pala pangalan mo. Kaya pala J's Sweet!"
"Ok na ko. Diba sabi mo hatid lang? Oks na ko. Pwede ka nang umalis." Sabi ko sa kanya.
"Talaga ba sure ka?" sabi niya. Tinignan ko ng masama! Makuha ka satingin leche ka. "Sabi ko nga aalis nako e, Taga meycauayan pa kasi ako e. Hehe. Bye ingat pauwi!" Taga meyc siya? Siguro kung namamasahe lang ako magkakasabay kami. Kaso lagi akong kasabay ni papa e, papasok at pauwi.
Nang dumating na si papa. Naga-aya din siya agad umuwi. Kaya pumunta na kami sa sasakyan niya.
"Kamusta paninda mo?" tanong niya sakin. "Naubos!" sabi ko ng nakangiti.
"Mabuti. Magtitinda ka din ba ulit bukas?" tanong niya sakin. "Baka po"
Nagvibrate cellphone ko. May nagtext pala.
From Dedek
Psst. Miss you!
Problema ng lalaking to? Bored na naman? Tss.
To Dedek
Pwet mo.
SAbi ko nalang. At natulog sa sasakyan namin. Inaantok ako e, tska baka gabihin din ako mamaya sa pagbebake. Ok na yung kahit papaano nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
His Sweet Lies
RomanceNakakatuwang isipin na pagkatapos ng Madaming taon, atlast! May nakapansin na rin sa taglay kong kagandahan. Lol. Pero sabi ng mga Kaptibahay namin, maganda naman ako. Perfect package na nga daw e, Maganda, Mabait, Matalino (Thank you friends sa pag...