Chapter 1
"Ay teh! Amoy na amoy naman yung binebake mo! Patikim naman niyan mamaya!" Sigaw ng bakla sa labas ng bahay namin.
Grabe naman tong kapitbahay namin. Di na nahiya! Hindi ko pa nga natatapos ang binebake ko nanghihingi agad? Tss.
"Baklita ka! Di pa tapos! Tska sakto lang to samin!" Sigaw ko naman pabalik. Ganyan talaga kami ditto. Sigawan lang ng sigawan. Parang amin mundo ganoon. Palibhasa mga kamag-anak lang din naman ang mga nakatira ditto.
"Sayang naman! Sa susunod damihan mo naman na!"
"Sige pag may budget!" sabi ko nalang at tinignan ulit ang binebake kong Blueberry Cheesecake. Wow. Amoy palang talaga natutuwa na ako.
Kapag talaga nagbebake ako. Nawawala yung stress ko. Tipong pag nakakita ako ng mga ingredients for baking. Lumulundag talaga ang puso ko at..... kating kati ako bilin to. Lalo na kung mga pang icing ganoon. Okaya panggarnish! (lol kala mo naman talaga professional!)
Nang tumunog na ang alarm ko. Tinanggal ko na ang cake sa oven at pinalamig na to. Hmm. Blueberry Cheesecake for this weekend. Ano naman kaya next week? Hihi. Looking forward!
Nag-ayos nalang ako ng sarili ko. Para pagdating nila mama, kakain nalang kami. Umalis kasi sila naggrocery. Kasama yung dalawa kong kapatid tsaka si papa. Sana binili nila ko ng extra Vanilla Extract ubos na kasi e huhuhu.
SAktong pagbaba ko, ay ang pagpasok naman nila mama sa bahay.
"Hmm. Bango ah! Ano binake mo ate?" Tanong sakin ng nakababata kong kapatid na si Franz
"Blueberry Cheesecake" sabi ko ng nakangisi at naghain na para makakain kami.
"Eh bat yon ate? Ang asim kaya non!" sagot naman ng bunso kong kapatid na si Sasai.
"Masarap yon! Gawa ko eh!" sabi ko na lang ng umiiiling. Ayaw talaga nila pag yon ang ginagawa ko. Maasim daw kasi. Sus di kaya! Sarap sarap nga e, palibhasa bata pa kasi kaya siguro ganoon. Si franz ay grade 3 ngayon, 9yrs old na siya. Si Sasai naman ay grade 1, magseseven this coming December. Ako naman 1st yr college na, sa isang State University Malapit saamin. Di kasi keri kung sa Manila pa magaaral. Haaay.
"Pwede ka nang mag-asawa nak!" sabi sakin ni papa habang tinitikman ang niluto kong adobo.
"Weh pa! Boyfriend nga bawal ako eh!" sabii ko ng natatawa at umupo na sa hapag para kumain.
"Hoy pwede kaya! Wala lang talagang nagkamali sayo! Hahahaha" sabi niya ng natatawa. Napasimangot na lang ako. Yan kasi ang lagi niyang sinsabi e. Walang nagkamali. If i know kapag nagkaboypren ako magseselos yan! Hahaha. Syempre din a siya pinakagwapo sa buhay ko no!
"Lam mo anak, Magtinda ka na kaya ulit ng mga cupcakes? Sayang naman yung income na makukuha mo." Sabi saakin ni mama nang matapos na kaming kumain ng hapunan at kumakain na lamang ng dessert.
"Eh busy nako ma."
"Sus usong uso na kaya ngayon yung nilalagay nalang sa fb? Tas don sila oorder. Ganoon nalang gawin mo. Sayo rin naman mapupunta yung pera d naman samin ee."
Naisip ko na rin yan dati e, kaso mahirap kasi talaga tipong pproblemahin mo pa customer mo ganon ba.pero Masaya. Nakakapaglibang kana! Kumikita kappa. Oha oha.
"Eh paano kapag may exam ako ganoon?" tanong k okay mama. Pano kasi kapag meron diba? Eh kailangan sa ganoon meet-up.
"Edi wag kang tumanggap ng order pag ganon" pwede pwede.
"Pwede. Sige try kong gumawa mamaya ng page hehe" sabi ko ng natatawa. May bibili naman kaya? Eh kung sa mga kaklase ko kaya muna ako magsimula?
"Wow ate! Libre mo ko pag may nabenta kana ah!" sabi saaakin ni franz.
"Hoy! Grabe ka haha di pa nga nagsisimula eh!"
Pagkatapos namin maghapunan umakyat na agad ako sa kwarto naming magkakapatid, binuksan agad ang laptop, buti nalang may load ako ngayon sa pocket wifi. hehe. Sana mabilis net huhu. para Tulo tuloy paggawa ko ng account. Nang makagawa ako. binuksan ko ang Facebook ko sa tunay kong account, Nilike yon shinare sa mga friends ko. Ntuwa pa nga yung mga kaibigan ko nung High school eh, namiss daw nila yung tinitinda ko dati. Dati kasi nagtitinda din ako. Tumigil lang ako nung mga nasa kalagitnaan na ng 4th year. busy na kasi. Kaya ayon ang mga loka. Order agad.
Nagpost ako ng picture ng mga binake ko dati. Buti nalang mahilig ako sa picture! Instagramable kasi e lol. Kaya ayon din ang pinost kong mga pic. Mabuti nalang talaga supportive mga Friends ko! Todo share sila at todo sabing Masarap daw talaga d magsisi. Kahit na medyo mahal. Ganoon naman kasi talaga tinda ko dati no!
Nang may nagpm sakin sa bagong gawa kong account na, nagtatanong kung mmagkano, natuwa ako! Kasi naman haler? Totoo ba to? Kakapost ko lang kani kanina tapos. Eto na? Unbelievable! As in napapawow talaga ako.
Nakipagusap pa ako ng kaonti sa bago kong customer, at napagalaman kong taga bsu siya. Kaya napagkasunduan namin na doon nalang din magkita para iibigay ko yung cupcakes tsaka magbabayad naman siya.
Nagchat din sakin iba kong kaklase na kapag daw ba sakanila may discount. Sabi ko nalang oo, kung 250 tinda ko sa apat na piraso. Ginawa ko ng 50 each nalang sa kanila. Ok na din yon may tubo naman na ako doon kahit paaano.
Sa darating na Monday may 20 cupcakes na order agad ako. Wow talaga diba? Yung 12 don, pangreregalo ata nila kaya may special box na kailangan yon yung 250. Yung walo naman mga kaklase ko. So bukas bake na agad ako ng bake! Buti nalang halos iisa lang order nilang flavor. Kung hindi red velvet, Oreo Cheesecake. Buti nalang talaga!
Naglista na din ako ng gabing yon ng mga bibilin ko kinabukasan. May alam kaming bilihan ni mama na mga ingredients na mura lang. Tapos kapag madae pang binili may discount pa!
From Dedek
Nagtitinda kana ulit?
Text sakin ng kababata ko, Rereplyan ko sana kaso wala akong load kaya hinayaan ko nalang yung text niya. Kita naman niyang may shinare ako sa fb tatanong pa siya. Tss.
Nakatulog ako ng gabing yon may ngiti sa labi. Saya-saya ko talaga! Sana hindi lang sa simula to...
[[6

BINABASA MO ANG
His Sweet Lies
RomanceNakakatuwang isipin na pagkatapos ng Madaming taon, atlast! May nakapansin na rin sa taglay kong kagandahan. Lol. Pero sabi ng mga Kaptibahay namin, maganda naman ako. Perfect package na nga daw e, Maganda, Mabait, Matalino (Thank you friends sa pag...