Forced Love

2.7K 61 2
                                    


Jho's POV


"ANO!!?!?!" Sabay naming sigaw netong katabi ko. Helloo sinong hindi mapapasigaw sa mga sinabi ng mga magulang namin! Hell no!

"NOT. GONNA. HAPPEN." Madiin na sabi ko. Ayoko noh! As if naman magpapakasal ako sa magandang pogi na toh! I mean, magandang pogi nga siya pero yung ugali niya? NO.

"Bakit ba kailangan namin gawin yun?" Tanong niya.

"Anak, this is for the sake of the company. Parehas kayong sikat kaya if may relationship kayo, edi susuportahan kayo ng fans niyo, then dun sila sa company natin." Sabi ni Mr. De Leon. Tsk! Ginamit pa talaga kami oh!

"Oh tapos? Bakit hindi nalang si Kuya?" Poker face na tanong ni Bea. Yup, Bea De Leon po yung katabi ko ngayon. Yung magandang gwapo na babaero. Ughh!

"Alam mo naman na mag aasawa na ang kuya mo." Sagot ng papa ni Bea.

"Eh ako? I have relationships too." Psssh relationships daw. Eh kada araw may ibang babae tong Bea na toh eh!

"Relationships?" Natatawang sagot ko. "Eh kada araw nga bago na babae mo eh!" Dagdag ko habang tumatawa. What? Totoo naman eh!

Nakita ko naman na tinaasan niya ko ng kilay. "Oh tapos? Selos ka?"

"Kapal talaga ng mukha mo noh?" Sabi ko sabay cross arms

"Hoy ah! Hindi makapal mukha ko! Tong mukha kong toh? Daming babae na naiinlove dyan kaya swerte ka dahil papakasalan mo ko!" Sabi niya may turo turo pa sa mukha niya.

Yup, magpapakasal kami netong Bea De Leon na toh. Tsk! Hell no! May ipaglalaban pa ko.

"Paano na ko dad? Eh nililigawan ako ni Marci." I mean, di ko naman sasagutin si Marci pero malay niyo, hindi maituloy tong kasal na binabalak nila.

"So? Hindi mo naman siya sasagutin eh. Alam kong di mo siya type" TSK! Hindi gumana oh!

"Ano? Wala na kayong paglalaban? Oks na?" Tanong samin ng mommy ni Bea. Wala nalang kumibo saamin ni Bea. As if naman we still have a choice?

"Okay! The deal is closed. Both of you will live in the same house na pinagawa namin 3 months ago." Sabi ni mommy.

TSK! Sabi nila kasal lang pero bakit pati titira sa iisang bubong?

Wala na Jho. Wala ka nang magagawa.

Tumayo nalang si Bea sabay walk out. Tiningnan ko naman si Tita.

"Sundan mo na Jho. Baka kung ano pang gawin nun. Nga pala, sorry kung ganun ugali ni Bea. Tyaka, alagaan mo siya ha?" Sabi ni Tito.

Tumango nalang ako at sinundan si Bea. Pumunta muna ako sa isang park malapit sa Ateneo. Alam ko kasi na pumupunta dito si Bea kung gusto niyang magisip or something. Stalker ko ba?

Crush ko kasi si Bea dati. DATI. Magbestfriends pa nga kami eh. Kaso nakipagbreak sakanya yung girlfriend niya tapos ayun. Nagbago siya.

"Bei?" Sabi ko sabay upo sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Cold niyang tanong saakin.

"Uhm hinahanap kita. Gusto mo sabay na tayong maglipat?" Tanong ko sakanya.

"Jho please. Just leave me alone. Mauna ka na kung gusto mo. I'll go there nalang"

Everlasting Love (Jhobea One Shots) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon