Unexpected Love

4.6K 80 9
                                    

Forced Love part 2

Jho's POV

"Hi po manang!" Masayang bati ko kay Manang. Isa siya sa mga naglilinis at nagluluto dito sa mansion. Yup, bumalik ako sa mansion kasi miss ko na si Bea. I'll try to get her back. Jokes! I am soooo getting her back. Yun ay kung hindi pa ko inunahan nung malanding babaeng yun! Tsk! Think positive na nga lang Jho.


"Oh Ija? Kamusta na? Ang tagal mo nang hindi umuuwi dito ah? Saan ka galing?" Sunod-sunod na tanong ni manang saakin.


"Ahh okay lang po alo. May inasikaso lang sa trabaho hehe. Si Bea po?" Tanong ko.


"Yiee! Hinahanap! Ano? Magkakabalikan na ba kayo?" Napangiti naman ako sa sinabi ni Manang.


"Sana po... Yun ay kung mahal pa ko ni Bea." Bigla naman akong nalungkot sa sinabi ko. Paano na nga kung hindi na pala ako mahal ni Bea?

"Sus! Mahal ka nun! Sige ija, magluluto pa ko. Nasa sala nga pala si Bea. May kasama." Pagkatapos sabihin ni manang yun, agad siyang umalis at pumunta sa kusina. Napaisip naman ako bigla. Kasama? Sino naman kasama nun?


Agad naman akong pumunta sa sala. Nagtago ako sa likod ng wall. Agent Maraguinot 15 on a mission! Charot! Naririnig ko na naguusap sila kaya naman ay nakinig ako. Shhh wag niyo kong kayahin ah? Bad yun! Char!


"Gaano kamahal Bei?" Tanong ng kasama niya. Sumilip ako ng konti. Nalita ko nanaman yung babae na kasama ni Bea nung nasa bar kami.


"Mahal na mahal" rinig kong sabi ni Bea. A-ano? Mahal? Ano yung mahal? Or....s-sino yung mahal?

"Edi okay." Don't tell me na sinagot na siya ni girl? Ano daw? Joke lang! Erase erase! Think positive Jho! Think positive!


"T-talaga?! YES! THANK YOU SO MUCH!" Sumilip ako ulit sakanila. Nakita ko naman na yakap yakap ni Bea si girl. Confirmed! Sinagot na siya ni girl. Tsk! You're too late Jho. Too late.


Agad agad naman akong bumalik sa garage at pinaandar ang kotse ko. Fuck! I could feel my tears! Wag kang iiyak Jho! Wag!


Agad agad akong nagdrive sa bahay ni Ate Den. She's the best adviser. Baka mabigyan niya kong ng advise kung paano makamove on ganun. Oh kaya advise kung paano patayin yung bago ni Bea. Charot! Pero tangina! Ang sakit!


"Hi po Ate Den! He he" Bati ko sakanya sabay fake smile.


"Anong nangyari Jho? Okay ka lang?" Nagaalalang tanong niya saakin.


"Huh? I'm perfectly fine ate!"


"Talaga lang ha? Eh bakit namamaga mata mo?"


"Napuwing kasi ako ate eh."


Nakita ko naman na tinaasan ako ni Ate Den ng kilay nung sinabi ko yun. Oh well, lokohin niyo na lahat pero wag lang si Ate Den.

I sighed. "I went to the mansion. Tried to get Bea back." I said.


"REALLY?! Anyare?" Gulat na sabi ni Ate Den. Bigla ko namang naalala yung nangyari kanina.


Everlasting Love (Jhobea One Shots) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon