Kabanata 2

13 0 0
                                    

"Elly." Naalimpungatan ako sigaw ni mommy mula sa kusina.

"Ano yon mom ?" tugon ko habang bahagyang minumulat ang aking mata.

6pm na pala hindi ko namalayang dalawang oras na pala akong nakatulog dito sa sala mula sa panonood ng Tv.

Marahil ay napuyat ako kagabi sa kaiiyak. It is because of Louie again.

Walang araw na hindi ko sya naiisip at walang gabi na hindi ako umiiyak simula ng umalis sya.

"Ipagbili mo nga ako, ng mga sangkap na kakailanganin ko ngayon dahil dito maghahapunan mamaya sina tito Julian mo at ang pamilya nya." Sigaw ni mommy mula sa kusina

Napaupo ako nang diritso mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi ni mommy, kasabay noon ang pagkawala ng antok ko.

"Ano! I mean bakit sila nandito, diba sa probinsya sila nakatira?"tanong ko kay mom, na halos mag freak out na ako sa kinauupuan ko.

Tito Julian Cortez and Tita Meranda, his wife, and their family ay isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ng aming pamilya lalo na nung sa probinsya pa kami nakatira.

They have two sons named Jefferson Cortez and Evan Cortez and one daughter named Yvette Cortez. Kasundo ko naman ang pamiya nila lalong lalo na sila Yvette and Jeff but not with that Evan. I really hate all of him.

"May pinagplanuhan kasi silang business ng dad mo dito ,kaya napaluwas sila ng Manila. May problema ba Elly?" tugon ni mommy na kasalukuyan ng nakatingin sa akin habang may hawak na sandok.

Nasa side lang kasi ng sala ang kusina namin, hindi naman ganun kalaki ang bahay sakto lang para saaming apat.

"Ah..wala naman mom." sabi ko habang kinukuha ang jacket na nasa kabilang side ng sala, para makaalis na.

"Nandyan na sa lamesa yung listahan ng bibilhin mo kasama na dyan yong pera. Mag ingat ka."

"Ok mom."

"Ate aalis ka?, sama ako pls. amboring naman kasi dito sa bahay eh."

Natigilan ako ako sa pagsusuot ng sandal ko ng marinig ko ang boses ng kapatid ko.

Her name is Aaliyah "leah" she is my younger sister,two years lang naman ang gap namin.

I'm 17 and she is 15. Pero hindi halata mas matanda kasi yan mag isip kompara sa akin.

" Naku leah, subukan mo lang sumama at malilintikan ka talaga sa akin." sabi ko habang pinapagpagan ng kamay yung damit ko.

The last time kasi na sumama yan si leah sa palenke eh gumawa pa ng skandalo dahil lang sa natalsikan sya nung mama ng kung ano man yun habang naghihiwa ng karne. Nakakahiya kaya ako nalang tuloy yung humingi ng dispensa kay manong.

May pagka maarte rin kasi yang so Leah lalo na't kung mga gamit na nya ang pinag-uusapan.

" Ate naman eh sasama lang naman ako, hindi naman masamang sumama." Leah said while pouting her dark red lips.

"Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo leah, baka maputol ko lang nguso mo" i replied to her.

"Ate naman ,, nakakainis! "

Hindi ko na narinig ang mga pinagsasabi pa ng kapatid ko dahil tuluyan na akong umalis.

-------------------------------------------------------------

"Kung alam ko lang talaga na ganito karami yong pinapabili ni mommy si leah nalang sana ang pinabili ko, Nakakinis talaga."

Nanggagalaiti ako sa inis habang hawak hawak ng kamay ko ang dalawang mabibigat na plastic bags.

"Kung bakit ba kasi dito pa maghahapunan yang pamilya nila ayan tuloy magkakaroon pa yata ng fiesta sa bahay!"

Napasigaw ako sa inis. Buti na lang talaga mukhang walang tao rito kung hindi baka mapagkamalan pa akong baliw dahil kinakausap ko ang sarili ko.

"Aray!" napaupo ako sa sakit ng paa ko dahil sa kung anong bagay doon na humarang sa aking dinadaanan. Isang bw*s*t na can lang pala ng inumin.

Nabitawan ko ang mga dala ko.

"Hindi ka parin talaga nagbabago tatanga-tanga ka parin hangang ngayon."

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa bandang likuran ko.

I knew that familiar voice. Yong boses na yun na ayaw na ayaw ko talagang marinig kahit kailan.

"Ikaw!?" I said to him while biting my lips dahil sa inis at galit.

Yes, it was Evan Cortez the freak man, I know sya naman yong may pakana kung bakit ako nadapa ngayon.

Ang hindi ko lang alam kung bakit nandito sya ngayon! Ang sabi ni mommy kanina 8pm pa sila darating eh 6:45 palang naman. Hindi rin naman siya exited no?

"Anong ginagawa mo rito!" pahabol ko nang napansin kong hindi niya pa sinasagot ang una kong tanong.

"Just visiting my dearest friend" he said while plastiring his playful smile, and just watching me over there.

Napaka gentleman nya talaga hindi man lang ako tinulungang makatayo.

"What a warm welcome here from you Mister, Kung plano mo lang naman sana akong pagtripan doon naman sana sa masasaktan ako ng kunti." sabi ko habang sinusubukang tumayo.

Ayokong makita nyang nahihirapan ako no! baka isipin nyang nagtagumpay sya sa pang aasar saakin.

" You gave me a brilliant idea Liling." He said while his right hand on his chin.

" At pwede ba, Stop calling me that ! I have my own name. " tinapunan ko sya nang masamang tingin habang pinupulot ko ang ang mga nabitawan kong dala.

"Oh, Liling seems so irritated now."
He said while slightly pouting his lips.

'May isang tao pa yata akong mapuputulan ng nguso ngayon'
i whisphered,

"Alam mo nakakainis talaga yang pagmumukha mo para kang unggoy na napag iwanan ng panahon." sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Teka lang muna, bakit ka ba talaga nandito, sa pagkaka alam ko 8pm pa yung dinner mamaya pero bakit ang aga aga mo naman yata. Let me think...Uhmm" sabi ko nang nakaharap uli sa kanya.

"Alam ko na....Siguro sinisundan mo'ko no?. Sabi ko na nga ba eh may lihim ka ring PAGTINGIN sa akin" i mischievously said

"What the---"

"Nagiging stalker kana pala ngayon Mr. Cortez" ani ko habang nagsisimula nang maglakad pauwi

I heard him whisphered something pero di ko maintindihan. Ang alam ko lang ngayon ay masaya ako dahil mukhang naiinis na sya.

Patalon talon akong naglalakad sa sobrang saya. Halos hindi ko na maramdaman ang sakit ng paa ko at bigat ng mga dala dala ko. I'm just happy seing his epic face.

The last time I felt this feeli'n is yung sa probinsya pa kami nakatira.

I was second year high school when we migrated here in Manila, for some business matters.

At first nahirapan ako mag adjust sa new environment buti nalang nakilala ko si Layla. Sya ang kauna-unahang naging kaibigan ko sa klasi.

Sa gitna ng pagsasaya ko ay biglang...

"Aray ko naman! " napahinto ako sa paglalakad dahil sa bolang naglanding dito sa ulo ko.

" Hoy! Ikaw bata ka, shunga ka ba? Ba't ka nag babasketball dito sa daan eh wala namang net dito." sambit ko habang iniinda ang sakit ng natamaan ng bola.

"Sorry talaga ate, di ko po sinasadya."
tugon nung bata habang pinupulot yong bola at patakbong umalis

"Tatanga tanga talaga."

"Argghh. Evan!!"
--------------------------------------------------------------------------------------

If I Fall (Evan and Ellaine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon