"Shet yung papers ko!" Reklamo ko habang patakbo sa pinakamalapit na waiting shed. "Ito nanaman tayo ulan, kailan ka ba titigil?" Reklamo ko nang makasilong ako. Tumingala ako sa langit na tila ba nang-aasar dahil alam n'yang hindi ko ugaling magdala ng payong. Pinasok ko nang maayos yung papers na kinakabisado ko para sana sa stage play namin para bukas, kaso sa kasamaang palad nabasa ng lintik na ulan.
Napahuntong hininga ako nang mapansing lumalakas yung buhos. "Nananadya ka talaga 'no? Kung kailan naman mag si 6p.m. na ats'yaka ka pa umulan" reklamo ko habang nakatingala pa rin sa langit. I'm on my way home from our rehearsals for the stage play tomorrow, ako kasi 'yung gaganap na babaeng baliw 'di raw kasi makaka attend 'yung dapat nagaganap. Rush hour pa naman walang jeep tapos uulan pa jusko sis! good luck sa'kin!
"Dapat kasi, may dala kang payong.." napaigtad ako nang may lalaking nagsalita sa likod ko, sinubukan kong magnakaw ng sulyap ngunit 'di ko lubusang makita 'yung muka n'ya dahil nasa madilim na parte s'ya ng shed. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ngunit tanging punong basurahan lamang ang aking natanaw. Mariin akong napapikit nang mapagtantong dalawa lamang kaming naroon. Buti na lang natrain ako makipagsabunutan no'ng high school
Umirap na lamang ako at isinukbit 'yung bag kong jansport sa likod at tumingala sa kalangitan "Lord, ilayo niyo po ako sa masasamang loob, wala pa akong pera huhu" patay malisya kong bulong ngunit sapat para marinig noong nasa likuran ko. Jusme sa true lang, wala talaga akong pera, 'di 'ko pa nakukuha sweldo ko bilang working student eh. Muli kong pinagmasdan 'yung langit na sobrang kulimlim. Bakit ngayon pa kasi wrong timing naman eh napakarami ko pang gagawin. Ka stress ka josmari! Tinignan ko 'yung Baclaran Watch ko sabay paulit ulit na dumungaw kung may dadaan bang jeep sa gawi namin.
Nagpalipas pa ako ng ilang minuto, parang hindi naman mangho holdup si kuya e'di sana kanina niya pa ginawa eh mag quarter to 7 na bwisit!
"Here.." napapikit ako ng mariin at napakagat sa labi, bakit ba ako kinakausap nito wala nga ako pera!? Dahan dahan kong nilingon yung tabi ko and to my surprise halos isang metro na lang lapit niya sa'kin pero iba yung pumukaw ng pansin ko. Santisima.. Ang puti n'ya... yung itim n'yang mata na bumagay sa pahaba at mapipilantik n'yang pilik mata... pointed nose..gawd.. and.. his perfectly shaped lips na ani mo'y nag-lip balm... shet— "Pa-kiss?" wala sa sariling tanong ko.
"You, what?" Kunot noo tanong n'ya at gulat na gulat na tumingin sa akin. Nanlaki mata ko sa sinabi ko. 'Oi sinasabi ko?? Lord medyo na carried away lang po ang pogi talaga huhu. I feel my cheeks burning, kung saan saan na napapadpad mata ko para makaiwas.
Umangat ang gilid ng labi niya't pinasadahan ako ng tingin. Shit naman na-conscious naman ako sa itsura ko, naka ponytail na magulo, gusot mula sa pagmamadali yung polong puti na naka- tuck in sa itim na pencil skirt kong hanggang taas ng tuhod. Inilagay ko sa likod ng tenga ko yung unting buhok na tumatakas sa muka ko ats'yaka umayos ng tayo. Huli na nang dumapo 'yung mata ko sa hawak n'yang payong.
"B-bibigay mo sa'kin?" nauutal kong tanong bakas parin ang pagkahiya. Nagulat ako nang bigla s'yang tumawa. Sis ano nakakatawa sabi niya kanina 'here' huhuhuhu
"Isasabay kita kasi walang dumadaan na jeep dito. Doon sa kabila may dumadaan na FX, mas'yadong iba 'yung iniisip mo. Pero pwede namang—" pinutol niya yung sinasabi niya sabay baba ng tingin sa labi ko. WHAT THE HECK SIS?
"Ha-ha? Abaygag—e xcuse me! Pak-dis talaga yung sinabi ko kanina" Sapilitan kong pagbabago ng sinasabi habang naghuhumintaryo yung tibok ng puso ko. "Kaya ko m-mag hintay dito!" I diverted my gaze and crossed my arms. Bakit ko ba kasi sinabi yun mamaya isipin nito manyak ako; medyo lang huhu. Ako pa nagsabing ilayo ako sa masasamang loob pakshet talaga
Ngumiti s'ya dahilan para ngumiti rin 'yung mata n'yang may kasingkitan. "Opo sabi mo eh" saad n'ya. Dahan dahan n'yang binuksan 'yung payong bago umabante palabas ng waiting shed "Okay ayaw mo ba talaga? kung ayaw mo sumabay okay lang " Ha, talaga lang 'no! haler? Pride na nga lang maiiwan sakin t'yaka kahit medyo pogi siya 'di ko s'ya kilala! mamaya niyan kusang sumuko ang bataan tapos— 'no ba yang iniisip ko josmari!
Marahan s'yang sumugod sa malakas na ulan. Lumingon si'ya sa waiting shed saglit. Bye pogi...Sinundan ko tingin ang matipuno n'yang likod hanggang sa paunti- unti ay mawala s'ya sa paningin ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Hindi man lang ako pinilit hmp. May unting panghihinayang sa loob ko, sayang may payong na eh. Masnaging tahimik 'yung shed, tanging tunog na lamang ng ulan na bumabagsak ang naghahari at sa 'di inaasahan ay biglang kumulog "Letche nananad'ya ka talagang ulan ka eh no?" reklamo ko. Mukang matagal tagal pa 'to bago tumila.
"Haysst Aeiou, sana nagpakiss ka na lang talaga haha..." matawa tawa kong saad habang inaalala yung kanina. Good luck naman sakin pauwi.
—
A/N: short? short. HHAAHHAHA
Aeiou (Eyu pronunciation)
BINABASA MO ANG
My Vow (revising)
General FictionIt turns out that rainy days are my sunny days. -Aeiou Anais Ventura. Warning! Typos are visible Date Published: June 21, 2017 Date End:HIATUS(madaming ginagawa legit) ©2020Kolengs_017 ©nmmsdxx (illustration)