Things end but memories last forever
-lisanna
************************************
Chapter 45 (Human Experiment)
Rovin's pov
Andito kami ngayon sa kwarto nya at ginagamot ang sugat sa kamay ko
Nakakunot ang noo nya habang ginagamot nya ito at madilim ang aura nya
Tsk anong problema nya? -______-
Napangiwi ako ng nilagyan nya ng madami as in madaming alcohol ang kamay ko
The fuck
"ARAY! " reklamo ko
"Sa alcohol nasasaktan ka pero sa mga patalim tuwang tuwa ka pa na nasusugatan ka" sagot nya sakin
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya "MAY GALIT KA BA SAKIN?" sa sinabi kong yun ay tumigil sya sa pag gagamot at nakataas ang kilay na tumingin na sa akin
"Masyado bang halata?" sabi nya at bumalik na sya sa ginagawa nya at ako naman ay naiwang nakanganga habang nakatingin sa kanya
"What! Anong ginawa ko sayo aber?" kunot noong tanong ko sa kanya at hinatak ang kamay ko na ginagamot nya kaya naman tumingin sya sa akin na magkasalubong ang kilay
Problema ng lalake na toh?
"Tinatanong mo ko kung anong ginawa mo?" sabi nya sabay ngisi oh ngiwi? " iisa isahin ko sayo kung anong ginawa mo para naman malaman mo. Una yung nangyari kagabi na hindi namin maipaliwanag kung ano ang nangyari sayo at kung bakit ka nag kaganon, pangalawa sinasaktan mo ang sarili mo at hindi iniisip ang sariling kalagayan, pangatlo ipinapahamak mo ang sarili mo para sa ibang tao, sinaktan mo pa ang mga kaibigan ko at ang pang apat, hindi mo iniisip kung ano ba ang magiging resulta ng ginagawa mong kalokohan, hindi mo alam na nag aalala kami sayo" sabi nya at ako naman ay nakatingin lang sa kanya
Tsk
" i told you i don't need your con--" hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko ng bigla syang tumayo sa kinauupuan nya
"You always say that fucking words, you always say that you don't need my nor our concern but.... But.... Ah fuck" sabi nya sabay gulo ng buhok nyang magulo na talaga sabay talikod pero humarap din agad "kung hindi mo kaylangan ng concern namin sana naman wag kang gumagawa ng ikapag aalala namin o ipag aalala ko dahil hindi mo alam kung anong pakiramdam ng mag aalala sa taong mahalaga sa kanila" at sa huling sinabi nyang yun ay napahinto ako at blankong tinignan sya
" wala kang alam sa pagkatao ko kaya wala kang karapatan na husgahan ako" sa mga salita ko na yun ay nakita ko ang gulat sa mukha nya pero panandalian lang yun
"Handa akong makinig para lang malaman kung sino ka ba talaga, andito lang ako para makinig sa mga sasabihin mo" sabi nya at saka umupo tabi ko
"Hindi mo na kaylangan malaman kung ano ba ang story ng buhay ko" sabi ko sa kanya
"Paano kita maiinindintihan kung ayaw mong ipaintindi ang sarili mo" sa puntong ito mahinahon na syang mag salita pero ayoko ang nakikita ko sa mga mata nya
Pakiramdam ko nanikip ang dibdib ko ng makita syang ganon
Ang lungkot sa mga mata nya ang nagpapahina ng loob ko
Kyler's pov
Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay syang mag salita
Huminga ito ng malalim at tumingin sa akin
Nagulat ako ng tignan ko ang mga mata nya
Sa unang pagkakataon nakakita ako ng ibang emosyon sa mata nya maliban sa galit at muhi
At yun ay lungkot
fuck
"Naranasan mo na bang pag laruan?" panimula nya habang nakatingin sa mga mata ko "naranasan mo na bang mawalan ng pinaka mahalagang tao sa buhay mo? Naranasan mo na bang gawing isang hayop para lang sa pangsarili nilang mithiin? Naranasan mo na bang kunin sayo ang pagkabata mo? Naranasan mo na bang kunin ang pagkatao mo?"habang sinasabi nya yun ay walang makikitang emosyon sa mukha nya at nakakunot ang noo ko syang tinitigan hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya, hindi ko sya maintindihan kaya nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya pero sa bawat salitang lumalabas sa bibig nya parang ang bigat bigat para sa kanya na sabihin ang mga yon
"Kung hindi mo pa nararanasan ang mga sinabi ko maswerte ka kung ganon" sabi nito
"Anong ibig mong sabihin?" hindi ko na napigilang magtanong sa kanya pero imbis na sagutin nya ang tanong ko ay nagulat ako sa ginawa nya
Naging pula nanaman ang kanyang mata na waring nagliliyab sa galit
"Ito ang ibig kong sabihin" sabi nito " ng dahil sa mga matang ito nawala ang lahat ng saakin, nawala ang pagkabata ko, nawala ang pagkatao ko nawala ang ngiti sa labi ko, nawala ang tunay na ako, nawala ang lahat ng saya sa buhay ko at higit sa lahat nawala ang pinaka importanteng tao sa buhay ko" nakikita ko ang galit at sakit sa mga pulang mata nya, mas lalo itong tuminkad at mas lalong nakakatakot ang mga mata nito
"Ang mga matang ito ay isang malaking sumpa sa pagkatao ko" sa puntong ito ay nanginginig na sya sa galit "dahil sa kanila kung bakit ako naging ganito dahil sa kanila kung bakit namatay ang mommy ko at higit sa lahat ng dahil sa mga walang kwentang taong yun naging isang halimaw ako"
" sinong tinutukoy mo?"
"Ang mga taong gumawa at nag lagay sa akin nito" sa huling sinabi nyang yun ay napanganga ako
Gumawa?
Nag lagay?
Ibig sabihin
"Oo tama ang nasa isip mo" hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko
At mas lalong hindi ako makagalaw sa huling sinabi nya
"Isa ako eksperimento ng mga walang kwentang mga sayantipikong gustong gumawa ng isang deminyo"
************************************
Sorry very short lang po ah UD ko
*prettychocopop*
BINABASA MO ANG
The Demon-eyed princess (in process of editing)
Fanficonce you enter my WORLD no one can leave ALIVE