Chapter 43
Kyler's pov
15 mins nalang ang natitira sa oras namin at wala pa rin hanggang ngayon si Rovin
Hindi kami makakaalis ng maze hanggat hindi kompleto ang hawak naming puzzle key
Tinignan ko sina Ryler hindi ko alam kung anung nangyari sa loob ng maze at kung bakit ganoon nalang kaseryoso ang mukha nilang lahat
Katulad ko din kaya sila na ganon din ang nangyari sa loob ng maze
Mababakas sa mukha nila ang malalim na pag iisip
"Ang tagal nya" sabi ni Scott na parang inip na inip na at naiinis minsan lang syang maging ganyan
"Wala ng oras" sabi naman ni Ryder
"Hindi ko inaasahan na sya pa mismo sa ating lima ang mahuhuli tsk" Ryler
Tama si Ryler hindi ko din inaasahan na sya pa ang mahuhuli sa amin at kunting oras nalang ang natitira sa amin
"Hahanapin ko sya " sabi ni Ryder
" wag na baka mag kasalisi lang kayong dalawa mag hintay nalang tayo dito at mag tiwala" sabi ko sa kanila
Konting oras nalang ang natitira sa larong ito pero nakakapag taka dahil ni isang grupo ay wala pa kaming nakikita, pati ba sila ay nahirapan sa kwartong yun? Oh kaya may iba pang dahilan
Nakatingin kami sa madilim na bahagi kung sana ay hinihintay namin si Rovin na dumating at ang iba pang kalahok
"Ang tagal naman" pag mamaktol ni Scott
Tok
Tok
Isang tunog ang aking narinig kung saan kaya naman tinitigan kong maigi ang madilim na bahagi ng maze
"Nagugutom na ko" reklamo naman ni Ryler
"Teka lang" sabi ko sakanila dahil may iba kong nararamdaman
"Ano ba yun?" Iritang sabi ni Scott kaya naman tinignan ko sya at sinenyasang wag maingat
Tok
Tok
Narinig ko nanaman ang tunog ng isang heels
"Ano--"
"Ssshhhhh!!! Makinig kayo" sabi ko sa kanila
Tok
Tok
Tok
Tok
Mukha may papalapit sa amin na hindi namin kilala
Tunog ng isang heels ang naririnig namin
Siguradong babae sya tsk sino kaya sya?
Hindi ito ang aura ni Rovin o ng Empress dahil mas nakakatakot at mas nakakakilabot ang aura nya dumagdag pa ang tunog ng heels nya
Tok
Tok
Palakas ng palakas ang tunog nito
Sssssshhhhhiiiinnnggggg
Tok
Sssssshhhhhiiiinnnggggg
Tok
BINABASA MO ANG
The Demon-eyed princess (in process of editing)
Hayran Kurguonce you enter my WORLD no one can leave ALIVE