Day Seven: Last Day

37 1 0
                                    

"Eight, okay ka na ba? Bilisan mo. Mag-uumpisa na. Baka ma-late pa tayo."

"Oo. Wait lang. Ayan na. Okay na."

"Oh, halika na."

--8:00 Mass--

--One hour later--

"Tapos na po ang ating misa. Humayo kayo't taglay ang kapangyarihan ng Diyos sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo, Amen."

"Eleigh, dito muna tayo. Medyo masama katawan ko eh. Napagod ata kagabi."

"Sorry. Hayaan mo, dito muna tayo. Tulog ka muna."

Nahiga ako sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung bakit pero bumibigat yung mata ko. Natatakot akong tuluyang pumikit dahil baka di na ako magising.

"Eleigh?"

"Po?"

"I love you."

"I love you, too."
-------------------------

Eleighxzier's POV

'Lord, please, wag Niyo po muna siya kunin. Parang-awa Niyo na po. Mahal na mahal ko po siya.'

Hinawakan ko ang kamay niya. Kahit ayoko, pinatulog ko muna siya. Alam ko kasing napagod siya kahapon. Pero parang gusto ko siyang gisingin at sabihing wag na siyang matulog. Pero, kailangan niya ng pahinga. Kahit ayoko, kailangan. Ayoko dahil baka di na siya gumising. Natatakot akong mawala siya sa akin. Limang taon akong naghintay para sa kanya. Ayokong isang linggo ko lang siya makasama. Selfish na kung selfish pero ayoko talaga.

"Eight, mahal na m-mahal kita. Please, tatagan mo ha? Gagawa pa tayo ng b-babies. Di pa tayo kasal. Hayaan mo, pag gising mo, kasal agad tayo. Okay? I love you, Eight. I really, really, really love you. With all my heart."

Habang hawak ko ang kamay niya, nagkukwento ako. Pero parang biglang bumigat katawan niya. Unti-unti siyang bumitaw sa kamay ko. Natatakot ako sa naiisip ko.

"Eight, gising na. Ikakasal pa tayo. Gagawa pa tayo ng babies. Eight?"

Pinipigilan kong umiyak. Pero ayaw magpatigil ng mga luha ko.

Patuloy ko siyang kinakausap. Dahil natatakot akong tanggapin ang katotohanan.

"Eight. Gising na dyan. Please. Sa unit ka na matulog para tabi tayo. Diba iki-kiss mo pa yung pinkish lips ko? Huy. Eight."

Ginalaw-galaw ko ang balikat ko kung saan nakapatong ang ulo niya. Nagbabakasakaling gumising siya.

Pero, ni isang galaw, wala. Ayoko. Ayokong tanggapin. Hindi ko kaya na wala siya sakin.

"Eight! Huy... Diba, sabi mo, mahal mo ko? Wag mo kong iwan..... Huy! August Eight Xryszhine! Hindi magandang biro yan, tandaan mo. Bahala ka, di na kita tuturuan mag-bake. August! Eight! Xryszhine! Please. Gumising ka. Please........"

Gusto ko nang sumuko sa kanya. Pero ayoko. Kailangan kong magpakatatag. Nagjo-joke lang naman siya diba?

"Eight, please, wag ka nang mag-joke........ H-h-hindi magandang b-biro e-eh. P-Please? G-gising ka na....."

Ginawa ko ang lahat para magising siya. Yet, wala. I give up.

Tapos na. Wala na. Iniwan na niya ako. Ang hirap tanggapin. Sobra. Dahil napakasaya lang namin nitong buong week pero ngayon wala na. Napakabilis ng panahon. Sana pala, di ako tumigil na hanapin siya. Eh di sana, nakita ko siya nang mas maaga. At mas matagal ko pang nakasama.

Pinatawag ko na yung ambulansya. Alam na rin ng pamilya't kaibigan niya. Nung malaman kong nasa punerarya na, umuwi ako sa unit ko. Pumunta ako sa kitchen. Nakita ko siya, kumakain ng Chocolate Mousse. Nung lalapit na ako, biglang nawala.

Kinuha ko yung mga pinagkainan niya na tinago ko. Kaya ayokong siya ang maghugas dahil huhugasan niya ang pinggan niya. Ang mga ginamit niya ang siyang matitirang alaala niya dito sa unit na ito. Lalo na sa kitchen.

Sa kwarto ako dumiretso. Fvck. Lahat ng memories namin. They are hunting me. At the same time, it's killing me. Everything. Bakit niya ko iniwan?! Bakit kailangan niya akong iwan?!

I went to the balcony. This is the place kung saan sinabi niya saking mahal niya pa rin ako. Sinabi niya rin sakin na may taning na ang buhay niya.

"WHY?!!! PLEASE TAKE ME WITH YOU, EIGHT. YOUR MEMORIES ARE KILLING ME. WHY DON'T YOU JUST KILL ME SO I CAN BE WITH YOU!! I love you..... Eight, I really really love you...."

After I say that words, everything went black.

Dumating na ang kinatatakutan ko. Ang mawala siya sa piling ko. Sana lang sinama niya na lang ako.

--To be continued--

My Last 168 Hours with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon