Hey! Eto po pronunciation ng names ng character..
Eleighxzier - /e-li-zer/
Xryszhine - /kri-shin/Geshiii. Yun lang. Tenkyu.
--------------------------------------Kryszhine's POV
Pinalabas na ako sa ospital. Buti naman. Mamamatay pa ata ako ng mas maaga dun. Eto na. Umpisa na ng 7 days ko. Pinahanap ko siya kay Papa para magkasama ulit kami. Sana lang wala pa siyang iba dahil pag nalaman kong meron, di pa tapos ang 7 days ko, patay na ko. Mahal na mahal ko si Eleighxzier kahit mahirap i-spell ng pangalan niya.
Papunta na ako kung saan kami magkikita. Alam na din niya kung saan.
--Eat it Restaurant--
Nakita ko na siya. Sa labas pa lang ng resto. Ang gwapo niya pa rin. Yung pinkish lips niya na pinapangarap kong mahalikan noon ay nandon pa rin. Yung kulay blue niyang mata, pinkish lips, pinkish cheeks and his dark brown hair. Nakakamiss. Nakatitig lang ako sa kanya habang papasok ng restaurant. Sa sobrang titig ko...
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
......"ARAY KOOO!"
... Yep. Nabangga ako sa pinto. Nakita ko siyang tumayo papunta sakin.
"Xryszhine! Okay ka lang? Masyado bang masakit? Huy?!"
Yung mukha niyang napakalapit sakin. Paki-explain kung paano ako magsasalita sa harapan niya kung ganyan siya kagwapo?
"H-Huh? A-a-ah okay lang ako. Tungeks lang nung pinto. Binangga ako. Haha. Uhmm. Pasok na tayo?"
"C'mon."
Pumasok na kami sa restaurant. Then, pinaghila niya ako ng upuan. Ang sweet. Hanggang ngayon, di pa rin nawawala yung ka'sweet'an niya. Nakakakilig.
"So, Xryszhine, bakit ba tayo nag-meet ulit? I mean, may sasabihin ka ba?"
"Wala. Ano. Uhmm. Na-miss lang kita. Ang tagal na kasi nating di nagkita."
"Well, ako rin. Na-miss ko din ang Eight ko. Kamusta ka na nga pala?"
Ang sarap sabihin na 'Eto, may taning na ako. Isang linggo na lang. Kaya nga pinahanap kita eh.' pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya.
"Ahhh. Okay lang. Eh ikaw? Baka may girlfriend ka na? Haha."
Di ko alam kung paano ko pa natanong yun. Sana di halata. Masyadong masakit kapag sinabi niyang meron. Hindi ko kakayanin kung meron talaga. Kaya sana wala.
"Nung maghiwalay tayo, nag-focus ako sa studies. So, naging architect na ko. And, tulad ng sinabi ko, nag-focus ako sa studies so hindi ako naghanap ng girlfriend. Well, Eight, it's nice seeing you again after five years."
"Yeah. It's very nice to see you again. And, you're here, infront of me. I just wonder, bakit di ka naghanap ng bago mong girlfriend when we broke up?"
"Well, the truth is, I can't find all the missing pieces of me. It's in you."
"......." *speechless*
Di ko alam kung anong ire-react ko. Masyadong nakakagulat yung sinabi nya.
"Waiter. Can I order Sweet and Sour Fish and Iced Tea. Ikaw, Eight?"
"Huh? Uhmm. Sveinchicken Gravy. Yung drinks, tubig lang."
"Thank you."
Umalis na yung waiter. Another awkward moment with him. Na-miss ko talaga si Eleighxzier. Five years din kaming di nagkita.
BINABASA MO ANG
My Last 168 Hours with Him
Storie breviThere are 60 seconds in one minute. A 60 minutes in one hour. A 24 hours in one day. And a 168 hours in one week. What can we do in just a 168 hours? Time goes so fast. Do you think 168 hours is enough to be with your love?