Posible...

223 13 15
                                    

Minsan ka lang mabuhay sa mundo,

hindi ka pa ba magpapakapositibo?

Kahit alam mong sa huli talo ka na,

sapat bang dahilan 'yun para sumuko ka?

Isa lang ang buhay mo,

sasayangin mo pa ba ito?

Isa lang ang literal na mundo,

pero malawak ang kabuuan ng buhay sa likod nito.

Napupuno ang buhay ng mga misteryo,

at kung minsan ang pag-unawa ay malabo,

Sa kadahilanang ika'y tao,

At ang isip mo limitado.

Pero hindi ibig sabihin na limitado ka ay wala ka ng magagawa,

May magagawa ka pa,

ang kailangan lang ay idilat ang mga mata.

Hindi ka lang nabubuhay para sa isa,

ang totoo marami sila,

Sila na nagmamahal sa'yo,

ang kailangan mo lang ay idilat ang mga mata mo at alisin ang nagpapalabo.

Hindi ka man nila naiintindihan sa kung ano ka,

Sila ang intindihin mo sa kung ano sila.

Sa tao maraming imposible,

Ngunit sa Diyos lahat ay posible. 

 ---------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: I just want to share this ADAGE below na sinabe sakin ng isang kaibigan noong mga time na hindi ko maintindihan ang sarili ko. I know I have a purpose in life pero naging matigas ang ULO at naging MAKITID ang pang-unawa ko. Naging INSPIRATION ko siya sa pag-gawa ng poem na nasa taas. At gusto kong i-share din sa iba kung ano ang sinabe sakin ng taong minsan sinubukan kong hamunin ng hindi sinasadya. Pero wala din akong nagawa sa huli kundi ang umiyak. Hindi niya pa ko nakikita pero alam niyang umiyak ako. Weird ano? XD

IF THEY THINK YOU'RE NOT WORTHY,

THEN PROVE IT SOMEDAY, YOU'LL EARN THEIR RESPECT.

IF YOU THINK YOU'RE HOPELESS,

THINK ABOUT THE REASONS OF YOUR DREAMS,

THE REASON WHY YOU'RE DREAMING.

IF YOU THINK YOU'RE GONNA LOSE,

THINK AGAIN WHY YOU'RE STILL FIGHTING.

- by Ate Jacky ^.^

Sabi Mo... (Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon