Tama..

136 4 0
                                    

Minsan pinili ko ang tama,

Nagdesisyon na maging masaya,

Hinanap ang sarili palayo sa madla,

Sa piling ng Diyos nagpahinga.

Pumasok sa makipot na daan,

Pagkat alam kong liwanag ang hangganan.

Tama, tuwid na daan ang aking nilalakaran,

Ngunit bakit tila may mabigat na nakadagan?

Sa harap ko'y puno ng liwanag,

Nawawala ang takot at bagabag.

Ngunit pagtalikod ko nakabuntot ang kadiliman,

Tila ako'y inaakit ng dilim sa maluwang na daan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sabi Mo... (Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon