Bangon...

279 6 0
                                    

Lahat ng lumalabas sa iyong bibig,

pati laman ng isip,

taliwas lahat sa isinisigaw ng puso mong naninikip.

Gusto mong lumaya,

Gusto mong kumawala,

Pero maaaring hindi pa ngayon,

Darating din yaong panahon.

Talunan ka man sa paningin ng lahat,

kahit sa sarili ay hindi tapat,

Tandaan mong imposible na ang sarili mong katawan ay iyong mabuhat.

Lugmok ka man ngayon,

Ang tinik sa lalamunan mo'y nakabaon,

Bukas makalawa, makikita at magugulat ang lahat kung paano ka bumangon.

Hindi naman habangbuhay nasa kumunoy ka lang,

Maaaring hindi mo lang alam,

Pero isang magandang bukas ang sayo'y nag-aabang.

Huwag kang matakot na magkamali,

Ang buhay mo ay hindi tuluyang nabali,

Bumangon ka at magsimulang muli,

Ang ulan ay pantay na binibigay ng Diyos sa masasama at mga sawi.

Sabi Mo... (Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon