My Boyfriend's The Devil?! Ψ (KathNiel Fan Fiction)

220 3 1
                                    

Carter's POV

"Bes, ano ba? Dali na!" sabi sakin ng bestfriend kong si Queenie.

"Ehhhh... Pano kung di niya tanggapin?" tanong ko sa kanya. Nandito kasi kami sa Gym, nanunuod ng practice game ng ULTIMATE crush kong si Darius :""">. Nga pala, I'm Carter Angela Mason 4th year high school sa Bayside High ^_^. At yung kasama ko naman, bestfriend ko, si Queenie Garcia.

"Eh pano mo malalaman kung di mo susubukan? -_-." balik na tanong niya sakin. Eh pano naman kasi, I'm planning to give him a love letter I know it's a bit unusual kasi nga masyado na tayong modern diba? Wala lang natripan ko lang na love letter, mas sincere kasi pag ganun eh ^_^.

"Ehhhh! Bes, ayoko mapahiya!" sabi ko pero tinulak na niya ko papalapit sa players. Sakto naman na break nila.

"Bes, ayoko na! Uwaaa ayoko na!" sabi ko habang tinutulak parin niya ko. Ng medyo malapit na kami sa mga players, ngumiti siya sakin at nagthumbs up tapos tumalikod nagsimula ng maglakad. Tatawagin ko pa sana siya kaso tumakbo na siya.

Wooooo! Carter kaya mo yan! Kaya mo yan! Woooo! Hingang malalim

Inhale... Exhale... Inhale... Exhale... Inhale... Ahhhh! Di ko kaya!!! >_<.

Tatalikod na sana ako ng mapaisip ako, sayang naman yung chance diba? Nandito narin ako diba?

Okay sige! I'll do it na! Uwaaa wish me luck >_<. Okay ang bipolar ko -_-.

Papunta na ko sa bleachers ng mga players at nakita kong medyo malayo siya sa iba. Perfect opportunity to!

Medyo malapit na ko sa kanya at nakatalikod siya sakin.

Woooo! Kaya mo yan Carter! Kaya mo yan!

Kinalabit ko siya kaya siguro napaharap siya sakin, pero I didn't bother to look at him. Baka mahimatay lang ako!

"Darius, I wanna tell you something. I like you so much! Sana tanggapin mo to kasi nakasulat dyan lahat ng gusto kong sabihin pati ang nararamdaman ko." mabilis kong sabi sa kanya ng nakayuko. Ayaw ko kasing makita yung itsura niya habang sinasabi ko yun.

"Darius huh?"

I froze when I heard his answer kaya napatingala ako.

Guess who's infront of me!

"L-Lyle?"

"One and only, Lyle!"

Uwaaaaa!!! Kay Lyle ko nasabi yun?!! huhuhu :'(.

Sa Sobrang kahihiyan ko nabitawan ko yung letter at napatakbo palabas ng Gymnasium namin.

Huwaaaaa!!! Bakit sa kanya pa?! Bakit kay Lyle Damon Casimiro pa?! Bakit sa Devil pa ng school?! huhuhu ano ng mangyayari sakin?  >_<.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What do you guys think? Yay or Nay? Should I Continue or Not?

I would really appreciate your answers guys . Thanks!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend's The Devil?! (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon