PAASA SIYA, UMASA AKO!

523 25 14
                                    

"PAASA SIYA, UMASA AKO"
@SirAugust18

Sabi nila sa mundong ito, may taong nakalaan sayo.

'Yung makilala mo sa hindi inaasahang panahon.

'Yung mamahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa kanya.

Naranasan mo na bang ma-inlove?


'Yung tipong sa bawat ngiti nya, kinikilig ka.


Kahit sa simpleng "Hi" niya lang, AYOS ka na.

'Yung makita mo palang sya, ang araw mo kompleto na.

'Yung pa-simpleng patingin-tingin ka sa kanya at napapa-ngiti ka na lang mag-isa.

'Yung para bang wala ng ibang magpapasaya sayo, kundi ang makita at masilayan mo lang siya.

"PAG - IBIG NA NGA ITO!"

---------*--------*--------*---------*--------*--------

Nag simula 'yun nang araw na una ko s'yang nakita.

'Di ko alam pero parang may iba akong naramdaman, yung tipong bigla akong kinabahan.


Simula noon 'di na ko makatulog sa gabi hangga't di ko manlang masilayan ang mga pictures niya sa ilalim ng unan ko na hinanap ko la sa mga profiles niya FB.


Gumagawa ako nang kung ano-ano para malibang sa ibang bagay pero 'pag sumagi na siya sa isip ko .

I felt my heart skip a beat at parang naririnig ko na ang bawat tibok nito.

Tapos isang araw naisipan kong i-text siya, hinanap ko pa ang number niya sa mga kakilala niya.

Nagpakatanga at nagpaka-stalker ako para sa kanya.

 

Nag text ako, sabi ko

"Hi!"

Mga halos kalahating araw rin ako naghintay at saka s'ya nag reply.



"Hello :)" reply niya na may smiling face pa.

'Di ko ma explain pero ang saya-saya ko noong araw na 'yun.


Excited akong mag reply agad.

Hanggang sa hindi naglaon ay nagpakilala kami sa isat-isa. Although, ang totoo kilalang-kilala ko na s'ya.

Simula noon ay naging mag textmate na kaming dalawa. Hanggang sa naging magkaibigan at hanggang sa magkayayaan na magkita.

Paulit- ulit kong binabasa lahat ng text messages niya kahit na sa ibang tao ay wala namang kabuluhan iyon pero sakin I found it special and care it like treassure.


'Yung mga panahong pasimpleng tinitingnan ko kung pano s'ya magsalita, gumalaw at pati kung pano s'ya maglakad.

My only thought that day, "she is cute that way."

PAASA SIYA, UMASA AKO (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon