Julie's side:

"Mommy gusto ko nung doll."

"baby, next time na lang hah." Amo ng ina sa anak nito.

Naagaw nito ang atensyon ni Julie na ngayon ay nasa comfort room. Hinawakan niya ang tiyan niya saka naglandas ang kanyang luha.

"Hope..." bigkas na lamang niya.

"Ms. Julie??" Tawag sa kanya ng kanyang make up artist.

Agad siyang nagpunas ng luha.

"Ms. Julie? Ayos ka lang?"

"Yes Francine, I'm perfectly fine." Tsaka ito ngumiti.

"Bakit mo nga pala ako tinatawag?"

"Ayusin ko lang sana ulit yung make up mo. ano tara?"

"Ah sige. Susunod na ako."

Nag-ayos lang siya ng gamit bago lumabas sa cr. Nagdiretso na sya sa may event center ng mall, magpeperform siya para sa album signing niya. Sinilip niya ang venue at nakita niya ang napakadaming tao na naghihintay sa kanya upang sumuporta. May meet and greet din sya mamaya kaya napangiti siya.

Matapos na magpa makeup ay naghanda na siya para mag perform.

"We love you Julie!!!" Rinig nyang sigaw ng mga tao. Di magkamayaw ang mga tao ng lumabas si Julie.

"Hello guys, thank you for being here today. I love you all."

At tumugtog ang pamilyar na kanta sa venue. Ang pinakapaborito niyang kanta.

"I'm singing this song for the two important person in my life."

Nagsigawan ang mga tao, ang akala ng mga ito ay yung kalove team ni Julie ang isa sa mga ito.

"RickLie! RickLie!!"

🎶 Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid

To fall

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

One step closer

I have died everyday

waiting for you

Darlin' don't be afraid

I have loved you for a

Thousand years

I'll love you for a

Thousand more 🎶

Pagkatapos niyang kumanta ay nagpalakpakan ang mga tao, at ng kapain niya ang may pisngi nya ay puro luha ito. Umiiyak na pala sya habang kumakanta.

"Salamat sa inyong lahat."

Kaitlyn's side

"yaya, ang daming tao ata ngayon. Ang ingay pa."

"May event kasi ngayon Kaitlyn, may album launch yung isang singer."

"Talaga yaya? Pwede tayong manuod yaya? Please. "

"Kala ko ba album ng favorite band mo ang bibilhin mo??"

"Tsaka na yun yaya. Please...."

"Sige na nga. Basta wag kang bibitaw saken ha. Baka sumama ang pakiramdam mo."

"Okay yaya, I will be a good girl. Promise."

At nagtungo sila sa event center. Gumawa ng paraan ang yaya ni Kaitlyn para sa medyo una sila mapapunta.

"Yaya look, is that the singer??"
Tsaka itinuro ni Kaitlyn ang babaeng nasa taas ng entablado.

"Oo Kaitlyn, sya nga yun." Sabi ng yaya niya.

"She's so beautiful yaya, i wish i'd be beautiful as her."

"Kaitlyn, maganda ka okay? Kita mo, kamukha mo yung singer na yun... si..." nilinga ng yaya niya ang mga banner na hawak ng mga fans upang tingnan ang pangalan.

"Si... Julie Anne San Jose" nakangiting sambit nito.

"Yaya naman eh, " tsaka ito humagikhik.

"Kaitlyn, itanong natin kung may meet and greet, para makilala mo okay?"

Nagtanong ang yaya sa mga katabi nito na fan ng singer. At may galak naman nilang sinagot ang yaya.

Julie's side

Habang kumakanta ng ibang kanta ay naagaw ng atensyon niya ang isang bata na nasa unahan. Alam niya may sakit ito dahil sobrang payat nito, sobrang putla at medyo nawawalan na ng buhok.

Nagpasya siya na lalapitan niya ito mamaya.

"Guys, album signing na okay??"
Nagsigawan naman ang mga taga hanga niya, napangiti naman siya.

Bago siya umupo upang mag sign ng mga album ay pumunta sya sa bata.
Tila nagulat naman ang bata. Pumantay siya dito.

"Hello. " ngiti niya dito. Tila nahihiya naman ang bata kaya tumungo ito.

"Kaitlyn, kinakausap ka niya oh. Say Hi." Sabi ng yaya nito.

"Kaitlyn is your name pala? Ang ganda naman, kasing ganda mo."

Nag-angat ng tingin si Kaitlyn at ngumiti.

"Thank you po. Kayo din po ang ganda niyo."

"Thank you. Can I hug you??"

Tumango naman ang bata. May kung anong naramdaman si Julie ng niyakap niya ito, kaya naman napaiyak ulit siya.

"Why are you crying??? Are you sad?? Because my dad is crying everytime he is sad."

"No. I'm just happy. You're so witty."

Tumayo siya at nakita na nakangiti ang yaya nito, pati ang mga fans niya.

"Maraming salamat po Maam Julie."

"Naku, wala po iyon. Ano pong sakit niya?"

"May leukemia po siya, stage 2 na po."
Tila piniga naman ang puso ni Julie ng malaman niya ito.

"Ilang taon na po siya?"

"8 years old na po. 3 taon na po syang nakikipaglaban sa sakit niya."
Malungkot ng ngumiti ang yaya ni Julie, napatingin naman ulit si Julie sa bata at niyakap ito.

Pagkatapos nun ay pumunta na sya upang mag sign ng album. Makalipas ang ilang minuto ay nagkagulo sa may event center, at nakita niya na nawalan ng malay si Kaitlyn. Agad siyang tumayo at nag paalam sa mga fans niya upang sundan ito.

"Kaitlyn...."

HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon