Julie's side

Inasikaso muna ni yaya Judy si Hope sa pagkain. Ramdam ni Julie ang bahagyang pagkagulat ni Kaitlyn ng sabihin niyang mahal na mahal niya ito. Lumabas muna siya saglit sa kwarto ni Hope. Sa paglalakad niya sa lobby ng hospital ay nakasalubong niya si Maxene.Ang nakatatandang kapatid ni Elmo. Napatingin ito sa kanya, kaya napababa ang kanyang tingin. Malamang, galit sa kanya si Maxene.

"Julie..."

Nagulat si Julie dahil hindi siya sinigawan nito. Mas nagulat siya ng yakapin sya nito.

"Oh god! Julie!!! Ikaw nga.."

Yumakap naman siya pabalik.

"Ate Max...Sorry..."

Tila naman naguguluhan si Maxene. Kaya humarap siya kay Julie.

"Sorry??? For what???"

"Sorry kung bumalik pa ako. Sorry kung nakagulo ako. Ate Max.. gusto ko lang naman po makasama ang mag-ama ko. Gusto kong makabawi sa kanila."

Tila hindi pa rin maintindihan ni Maxene ang nangyayari. Kaya naman hinila niya si Julie sa cafeteria na malapit sa hospital. Nang makaupo sila...

"Julie.. ano bang sinasabi mo?? Hindi mo sila iniwan diba? Diba nagpunta ka sa ibang bansa for them?"

Mas nagulat naman si Julie.

"Ate Max... si Elmo. Hindi niya po ba sinabi sa inyo ang totoo?"

"Anong totoo Julie??"

"Hindi ako nag ibang bansa ate. Iniwan ko sila pagkapanganak ko kay Kaitlyn. Yung ginawa kong yun ang pinagsisisihan ko ng sobra." Napaiyak na si Julie. Natahimik naman si Max na tila ina absorb ang mga sinabi ni Julie.

"My brother knows me well. Hindi niya sinabi ang totoo sa akin dahil alam niyang magagalit ako sayo." Nakatingin sa malayo si Maxene.

"Sa nalaman ko... gusto kong magalit sayo. Gusto kitang saktan dahil sa ginawa mo. Iniwan mo ang kapatid ko Julie, ang malala pa, pati ang anak mo. Gusto kitang sumbatan Julie."

"Ate sorry... alam ko namang di niyo ako mapapatawad. Pero please ate... hayaan niyo akong maging ina sa anak ko." Tuloy pa rin ang pag agos ng luha ni Julie.

Tumingin sa kanya si Max at bahagyang ngumiti.

"Hindi ako galit sayo Julie. Galit ako sa ginawa mo. Sana lang, itong pangalawang pagkakataon na ito, maitama mo na ang lahat. Wag mong sayangin ang pagkakataon na ito Julie."

Niyakap niya si Julie kaya naman mas napahagulhol ito sa iyak.

"Salamat ate Max. Pangako, itatama ko lahat ngayon."

"Wag kang mangako Julie, gawin mo sana."

Humiwalay si Maxene sa pagkakayakap.

"Tara na sa kwarto ni Kaitlyn, Julie. Gusto ko na din makita ang pamangkin ko. Tama na ang iyak."

Pinunasan ni Julie ang luha niya tsaka tumayo upang pumunta sa kwarto ng anak niya. Para siyang nabunutan ng isang tinik sa dibdib. Isa lang ang sigurado niya, gagawin na niya ang lahat para sa anak niya, at para kay Elmo, na mahal na mahal niya.

* * * * *

Pumunta sila ni Max sa kwarto ni Kaitlyn, at nadatnan nila itong nanunuod ng Spongebob. Ang yaya naman nito ay nagpaalam saglit upang lumabas. May bibilhin daw ito sa may cafeteria.

"Hello to my Pachichi!!"

Napatingin naman si Kaitlyn at tuwang tuwa ito.

"Tita Max!!!!!" Agad na niyakap ni Max ang pamangkin niya.

HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon