Namagitan ang katahimikan sa kanila. Si yaya Judy naman ay pabalik balik lamang ang tingin sa dalawa.

"Magkakilala po kayo sir? Maam??" Takang tanong ni Judy.

Wala pa ring sumasagot sa kanila. Tila gulat pa rin ang mga ito sa nangyari. Kaya naman minabuti ni Judy na umalis muna upang tingnan si Kaitlyn.

"Maiwan ko po muna kayo."

At umalis na si Judy. Titig na titig si Julie kay Elmo pero blangko ang ekspresyon nito. Bago pa makasalita si Julie ay naglakad na palayo si Elmo.

"Elmo... sandali lang.." habol niya dito.

Humarap si Elmo dito.

"Bakit Julie? Bakit ka pa bumalik?"

Tila nadurog naman ang puso ni Julie sa sinabi ni Elmo.

"Sorry Elmo. Alam kong di sapat ang sorry ko sa pag-iwan ko sa inyo. Si Kaitlyn?? Siya na ba ang anak natin?"

Ngumiti ng mapait si Elmo.

"Anak natin? Anak ko Julie. Simula ng iniwan mo siya, tinanggalan mo na rin ang sarili mo ng karapatan bilang ina niya."

Tsaka umalis si Elmo. Naiwan si Julie na durog na durog ang puso. Napaiyak na lamang siya. Baka nga tama si Elmo, wala na syang karapatan sa anak niya. Dali dali siyang pumunta sa room ni Kaitlyn, at nakita niya si Judy doon.

Ngumiti siya kay Judy at saka binaling ang tingin kay Kaitlyn. Wala na siyang pakialam kung marinig man ni Judy lahat ng sasabihin niya. Lumapit siya kay Kaitlyn at hinawakan ang kamay nito.

"Hope.....anak..." tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ni Julie.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Judy, kaya naman minabuti nito na lumabas muna. Naramdaman ni Julie ang pagbukas ng pinto at pag-alis ni Judy.

"Anak, sana mapatawad mo ang mommy. Mahal na mahal kita anak. Magpagaling ka anak, pupunan ko lahat ng pagkukulang ko sa iyo anak. Sana mapatawad ako ng daddy mo." Iyak pa rin siya ng iyak, at di na niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Elmo's side

Nagdiretso ito sa chapel ng ospital. Halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Masaya siya dahil nakita na niya ulit si Julie. Pero ang galit niya sa ginawa nito ay hindi pa din nawawala. Nagring ang kanyang cellphone.

Mommy calling....

"Hello ma?"

"Son, where are you? How's Kaitlyn?"

"We're in the hospital ma, she collapsed a while ago."

"Is she okay now honey?"

"She's under observation ma, her body is getting weaker."

"Okay honey. Just text me up if you transferred her to St. Lukes."

"Okay ma."

"I love you nak. I'll hang up.."

"Ma..."

"Yes honey?? Is there anything you want to say?"

Elmo heaved a sigh.

"She's here ma."

"Who's she???"

"Julie."

The line went silent.

"Text me up Mosey kung nasang hospital kayo. I'll go there."

"Okay ma."

Pinatay na niya ang tawag, at pumunta siya sa room ni Kaitlyn. Nakita niya si Judy sa labas ng kwarto.

"Yaya, bakit nandito ka sa labas?"

"Ahmm... sir...si Maam Julie po, nasa loob."

Agad na pumasok si Elmo sa kwarto, at nakita niya si Julie na nakatulog sa tabi ni Kaitlyn, at hawak ang kamay nito. Lumapit siya kay Julie at nahalata niya na galing ito sa iyak. Hinaplos niya ang mukha nito at bahagya itong gumalaw.

"Sir??" Napatingin si Elmo kay Judy.

"Hindi ko po sinasadyang marinig yung sinabi ni Maam Julie kanina, tinawag niya po kasing anak si Kaitlyn."

Tumango si Elmo kay Judy.

"Siya nga ang mommy ni Kaitlyn." Gulat pa din si Judy. At bahagyang napangiti.

"Kaya po pala magkamukha sila nung nakita namin sa event center."

"Event center?" Nakakunot noong tanong ni Elmo.

"Ay. Sir, pasensya na po kayo. Nagyaya po kasi si Kaitlyn, gusto daw po niya na makita yung singer sa event center. Eh si maam julie po iyon. Ang bait nga po ni maam Julie, talagang napansin niya si Kaitlyn. At nung nawalan po ng malay si Kaitlyn, kahit on going pa ang album signing niya, iniwan niya para lang masamahan kami."

Paliwanag ni Judy. Tumango tango naman si Elmo. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Kaitlyn.

"Ma.."

Tumayo si Elmo at humalik sa pisngi ng ina. Bahagyang gumalaw si Julie at nagising ito. Napatingin siya sa bagong dating at napayuko ito.

"You really have the guts to come here? Ang kapal din naman talaga ng mukha mo!"

Nagulat si Julie sa pagsigaw ni Mrs. Magalona. She used to be Mrs. Magalona's favorite, pero dahil sa ginawa niya, nagbago itong lahat.

"Ma, stop it." Awat ni Elmo sa ina niya.

"Sorry po Mrs. Magalona. Magpapa alam na po ako, aalis na po ako."
Nakatungo pa rin si Julie. Pero bago siya makaalis ang iniangat ni Mrs. Magalona ang mukha niya at sinampal ito.

"You're unbelievable Julie Anne! Napakaselfish mo! Sana di ka na bumalik ulit."

At tuluyan ng lumaglag ang mga luha ni Julie. Lalo ng makita niya ang blangkong ekspresyon ni Elmo.

"Ma, hayaan mo na siyang umalis. Dyan naman sya magaling eh." Sabi ni Elmo. Humarap siya kay Julie.

"Mas magaling siguro na mawala ka na lang sa buhay namin."

Hindi na kinaya ni Julie ang mga susunod na sasabihin ni Elmo kay lumabas na siya. Iyak siya ng iyak habang palabas ng hospital. Hindi na niya pinapansin ang mga taong nadadaanan niya. Nang makarating sya sa kotse niya ay pumasok sya sa may driver's seat at doon umiyak ng umiyak.

"Ito na siguro ang karma ko. Ang maging hangin sa paningin ng taong mahal na mahal ko.... mahal na mahal kita Elmo... hinding hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo. Yung pagmamahal mo siguro saken ang nawala na." At saka siya umiyak ulit. Tinawagan niya ang bestfriend niya. Matapos ang ilang ring ay sumagot ito.

"Maq...." humihikbi pa rin siya.

"Julie?? Oh my g! Umiiyak ka ba??? nasan ka na? umalis ka daw ng di pa tapos ang album signing mo?"

"Maq....si Elmo... si Hope...."

"Elmo? Hope? Bakit sila nasali dito???"

"Nakita ko sila. Nayakap ko ang anak ko Maq.., ang saya saya ko....pero Maq,, may leukemia si Hope, bumibigay na ang katawan niya......at si Elmo, hinihiling niya na mawala na ako sa buhay nila..... pero Maq... hindi ko kaya... hindi Maq..." at saka ito muling umiyak.

"Shh...calm down Julie. Text mo ko kung nasaan ka, wag kang magda drive papunta sa condo ko okay. Wait for me."

"Okay Maq... thank you."

A/N

Nakakapiga pala ng utak gumawa ng story. Hahaha. Nways, thank you sa nagbabasa. lovelots 😘

HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon