Chapter 1 ♤ The Witch, Rain

6 1 0
                                    

Rain's POV




"Hoy! Luka-luka. Wag kang mag-assume na magugustuhan ka niyang Prince Charming mo." Sigaw ng bestfriend kong si Shy habang tinitingnan ko ang tarpaulin na nakasabit sa gate ng school. Ang tarpaulin ng Prince Charming ko.




KYAAAA!




Bakit ba? Wala naman akong sinabing magkakagusto sa'kin si Prince Charming ko. Ang sabi ko lang naman sa kanya. Gusto kong i-spend ang buong buhay ko para sa kanya. Ano bang masama dun 'diba?




^___^




"Wala namang masama kung mangangarap ako. Di'ba?" Paliwanag ko sa kanya. "Sabi nga nila, libre ang mangarap. Pano ba yan? Pangarap ko si Prince Charming ko, edi libre nga." Tatawa tawa kong sambit sa kanya. Haha!




"Lukreng! Wala namang magkakagusto sa'yo. Kasi nga WITCH KA! WITCH!" Aray. Talagang pinagdiinan niya talaga na witch ako. Oo, aaminin ko witch nga talaga ako. Hindi yung literal na witch. Witch means walang nagkakagusto sayo kase di ka kagandahan. Natutulog siguro ako nung oras na nagpaulan ng kagandahan si Papa God. Hayyts. Okay lang. Masaya naman ako kung ano ako ngayon.




"Kahit masakit yung mga sinabi mo sa'kin. Tatanggapin ko. Sabi nga nila. The truth hurts. Huhu." Nakapagdrama tuloy ako ng di oras. Sanay nako diyan. Harsh na kung harsh. Haha! Atleast may kaibigan ako.




"Oo na lang." Sambit niya. "Tara na nga. Pumasok na tayo sa room natin. Baka malagot pa tayo sa mga teachers natin." Yaya niya. Oo, nag-aaral kami. I'm full scholar. Politician kase ang kinikilala kong tatay. Kaya sobrang talino ko, dito sa school na 'to niya ako pinag-aral. Marami ngang nagsasabi na talagang witch daw ako. Kaasar. Ni wala nga akong magics eh. Kapag walang ganda sa mukha witch na agad? Si Shy, ang kababata ko, ang bestfriend ko. Sabay kaming lumaki. Ang laging kasama ko. Magkapatid na nga ang turingan namin sa isa't isa. Nung una naming pagkikita akala ko iiwasan niya ako pero hindi. At masaya ako don. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala.




I'm Rain Na. Joke lang. Haha. I'm Rain 'RengReng' Ocampo. Ang mabait na witch sa balat ng St. Charles Academy. Di kagandahan, matalino, mabait. Freshmen. Business Administration, course. 17. Adopted child. Mabait ulit.




Oo, adopted ako. Ni hindi ko nga alam kung sino ang mga magulang ko. Sabi lang nung mga nag-ampon sa'kin. Nakita lang daw ako sa harapan ng gate nila lulan ng isang plastic bag.




</3




Masakit man isipin. Pero tinanggap ko. Tinanggap din naman ako ng mga kinikilala kong mga magulang bilang isang tunay nilang anak. Kahit na may malaki akong ilong at may malaking nunal sa baba.




Pero maraming nagsasabi. Hindi ko daw sila kamukha. Malamang eh, hindi ko naman sila totoong mga magulang. Gagawa gawa sila ng milagro. Tapos ano? hindi naman nila pinaninindigan. Hmp!




Oops!





^_^ V!




May kapatid din ako. Si Lalaine. Ang wicked step sister ko. Hindi ko alam kung bakit inis na inis sa'kin yan. Kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Sasabihin 'maglinis ka nga ang tamad tamad mo!' kahit na malinis naman. Jusko! Nagagawa niya lang yan kapag wala ang mga magulang niya. Kung ano ang ikinaganda ng ugali ng mga magulang niya ganun ang kabaligtaran ng ugali niya. Tsh. Nevermind.




Hila-hila pa rin ako ni Shy habang naglalakad kami papunta sa kung nasaan ang room namin. Buti nga alam na niya kung saan kami pupunta. Naiinis ako sa mga students dito. Kung titingnan ka nila akala mo may laser beam sa mga mata nila. Yung feeling na konting titig mo lang lusaw ka na. Aray.




My Life'll Always Be A FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon