Chapter 2 ♤ The Bully Prince, Chandler

1 0 0
                                    

Rain's POV






*BOOGGGGSSS!






Isang malakas na pagbunggo ang nakuha ko sa paglalakad.






Napaupo ako bigla sa kinatatayuan ko dahilan para mabitawan ko ang mga hawak kong libro.






Aray!






Yung balakang ko ang sakit. Sino ba kasi yun? Di man lang marunong magdahan-dahan. Nakakainis ha. Pero syempre di'ko papalampasin 'to.






"HOY! IKAW NA BASTARDO KA!" Pinilit kong tumayo para mahabol siya ang kaso mabilis siyang tumakbo. Pero kailangan kong magmadali. Iniwan ko ang bag at pati na rin yung mga librong hiniram ko sa kung saan man ako napaupo. Yari ka sa'kin.






"HUMINTO KA!" Pilit na sigaw ko. Binilisan ko ulit tumakbo. Ang bilis pa rin niya. Anong paa meron yang lalaking yan. Pero parang di ako naririnig. Agh!






Hinubad ko ang isa sa mga suot kong flat shoes at ibinato sa kanya.






"BULL'S EYE!"






Sigaw ko. Huminto siya at minasahe ang likod ng ulo niya. Akala mo. Nakaganti na'ko. Kailangan ko ng umalis.






"Ouch!"






"SINONG NAGBATO SA'KIN NITONG SAPATOS NA 'TO?!!" Sigaw niya habang palihim akong naglalakad patalikod sa kanya. Parang nahabag ang buntot ko sa lakas ng sigaw niya. What-to-do?






Diretso akong naglalakad at iniwasang lumingon sa kung saan man siya naroon.






"YOU!"





Napahinto ako ng di-inaasahan dahil sa narinig kong boses. Yung boses ng lalaking binatuhan ko ng flat shoes ko. Dahan-dahan akong umikot at humarap sa kanya.






"B.. Ba.. Bakit?" Nanginginig kong tanong.






"Are you the owner this FVCKING FLAT SHOES?!" Padabog na tanong niya. Napansin niya siguro na walang suot na sapatos yung isa kong paa. Jusko!






"Y-y-yes.." Nauutal kong sagot.






"YOU!" Dinuro-duro niyang sambit. "You will be receiving a punishment for what you did!" Pahiwatig niya. Aba't! Kanina natatakot ako pero ngayon. Hmp!






"Anong punishment, punishment na sinasabi mo diyan? Ang kapal ng mukha mo! Eh, samantalang ikaw unang nanakit sa'ting dalawa. Tingnan mo yung balakang ko hindi na pantay sa pagbungo mo sakin!" Pabalik na sigaw na ko sa kanya.






"Wala akong pakealam sa kung ano man ang nangyari sa balakang mo!" Sigaw ulit niya.






"Pwes! Wala rin akong pakealam sa kung man ang nangyari sa walang laman na utak mo!"






"Walang laman? Huh! For your information. Ako lang naman ang isa sa mga genius student sa balat ng ST. CHARLES ACADEMY." Pinagdiinan niya pa talaga yung school.






"Wala akong pakealam kung genius ka man o walang alam. Ang sa'kin lang. Hindi tama yang ginawa mo. Mambubunggo ka ng babae tapos ano hindi mo man lang tutulungan makatayo?!"






"Tsk. Ewan ko sa'yo. Ang PANGIT mona mareklamo mo pa. At isa pa ang pangit di pinagsisilbihan. Makaalis na nga." Namumuro na sa'kin tong damuho na 'to ah. Hinablot ko ang kamay niya at iniharap ulit sa'kin.






My Life'll Always Be A FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon