A/N: Viane (Biyeyn)
---
Rain's POV
Buti nakauwi nako. First day of school. Beastmode agad kuha ko. Tapos nasermon pako ng bonggang bongga ni Shy. Lokong damuho yun. Kung hindi lang gwapo yun hindi ako magsisinungaling ganito. Gwapo? Tss. Nasuka ata ako bigla sa sinabi ko. Tricycle lang naman gamit namin kapag pumapasok ako. La pera eh. Sa loob ng isang linggo 150 allowance ko. Hindi naman ako maarte katulad ng step sister ko. Pshh. Kapag naging choosy pa'ko baka patalsikin pa ako sa bahay na 'to. Huhu.
"Ang ating REYNA KULAMITA ay narito na. Magbigay puri at padaanin siya."
-___-
Wow. Ganda ng pambungad ng kapatid ko. Talagang diniin pa niya ang tawag niya sa'kin. Reyna Kulamita. Saang lupalop kaya ng bahay napulot yang salitang yan. Kung hindi ko lang siguro kapatid yan matagal ko ng tinapalan ng masking tape ang bibig niya pero syempre hindi pwede. Haha!
"Hoy! sampid magsaing ka na nga!" Utos niya. Pero hindi ko pinansin. Beastmode na nga ako tapos ganyan pa yung makakasalamuha ko. Alam ko namang sampid lang ako.
"Bakit kaya hindi ikaw ang magsaing. Kababaeng tao ang tamad." Bulong ko habang nakatingin sa kabilang direksyon. Baka magsumbong yan kapag nagsalita ako ng pabara. Huhu. Wala pakong pera para mabuhay.
Kapalit ng pagtira ko dito ay maglinis, maglaba, magluto, lahat na. Pero hindi ako choosy. Mula sanggol ako dito na ako lumaki. Kasabay nun ay ang pagpapa-aral nila sa'kin.
"May sinasabi ka MAGANDANG MANGKUKULAM?!" Sigaw niya. Inirapan ko na lang at dumeretso sa kwarto ko.Hindi naman kalakihan tong bahay namin. Eksakto lang. Si Shy pala kabitbahay lang namin. Hindi pa pala ako nakakabili ng vitamins ko. Kailangan ko yun para hindi ako mapagod. Syempre gagamitin ko ang allowance ko. Tiningnan ko ang cellphone kong may keypad. Di ko alam kung anong unit ne'to. Napulot ko lang 2 weeks ago. Swerte ko di'ba. Haha. Pasado alas-7 na pala.
Baka nasa baba na sina Mama. Mamaya nako magbabasa. Mahaba pa naman ang oras. Bumaba nako at dumeretso sa sala.
"Reng, iha, pwede bang pakihanda yung lutong ulam na nabili ng sa ganon makakain na kami." Utos ni mama. Habang nasa labas kasama yung pamilya niya. I'm not included. :)
"Opo ma." Sigaw ko sa labas. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng mga plato. Inayos kona lahat. Nilagay ko na rin yung ulam na binili ni mama. Letchong paksiw. Yung favorite ko. Buti nakapagsaing na'ko.
"Ready na po yung pagkain." Sigaw ko sa labas. Kumuha ako ng tubig sa ref nasa pitcher at nilagay na rin sa table. Sabay-sabay silang umupo at sumabay na rin ako.
"Ma. Parang di masarap." Sabi ni Lalaine habang nakaupo sa tabi ni Papa. "Sino bang naghanda nito?!" Sabay tingin niya sa'kin.
"Ako." Mahinahong sagot ko.
"Nawalan na'ko ng gana." Tumayo siya bigla.
"Hmm. Reng, pwede bang umakyat ka muna sa taas? Mamaya ka na lang kumain. Pagtitra ka nalang namin." Alanganin akong tumango at ngumiti. Napalingon ako kay Lalaine na parang ngumiti. Smile with a victory.
"Okay, po ma." Tumayo na'ko at nagmartsa paalis sa dining room. Parang mabigat sa kalooban ko na umalis sa dining table pero kailangan.
BINABASA MO ANG
My Life'll Always Be A Fantasy
Fiksi RemajaIf ever na magkatagpo ang mangkukulam at ang isang prinsipe. Anong kahihitnan nito?