•Hyacinth•

6 0 0
                                    


*******

"Oh? Bakit ganyan yang mukha mo?"bungad ni Sophie pagbaba ko.

Hindi ko lang sya pinansin at saka dumiretso sa kusina upang mag-toast ng bread.

"Hoy! Hyacinth, ang aga-aga naka-busangot ka. May problema ba?"sinundan nya pala ako. Hinarap ko sya.

"Si Gifter," sabi ko. At umupo habang hinihintay yung tinapay ko.

"Si Gifter? Bakit ? Anonh problema kay Gifter?"

"Eh kasi naman kagabi. Nag-text sya,"

"Oh, nag-text lang naman pala. Ano problema dun?"

"Hindi na kasi sya nag-reply sa text ko. Yung reply pa naman din nya anh hinihintay ko,"

Oo, yan ang dahilan bakit naka-busangot ako.

Paano ba naman, pagka-gising ko. Yung cellphone ko agad ang tinignan ko kung ano ang ni-reply nya.

Pero... ni isa, WALA. Masama talaga ang sobrang expectation.

"Grabe ka huh. Hindi lang na-replyan  magkaka-ganyan na. Tsk! Nga pala, kailan daw tayo bibili ng mga gamit, tanong ni Tita,"

*TING!*

Tumunog na ang toaster. Kukunin ko muna yung bread ko.

"Hindi ko alam. When do you want to buy?"

"Ikaw nga dyan tinatanong ko eh. Kailan mo gusto?"

"Siguro, I think it's better kung sa maka-lawa,"

"Sige,"







********

"Yung isa! Ayaw ko nyan!"-Sophie.

"Huh? Maganda naman toh, matibay ah,"-ako.

"Ah! Basta! Yung isa,"

"Teka nga, bakit mo ba pinipilit yung isa. Hindi naman ikaw ang gagamit,"sabi ko.

Nandito kasi kami sa National Bookstore. Bumibili na ng mga gamit. Eh, nagde-debate kami kung anong mas magandang Notebook.

Yung gusto kasi nya yung spring notebook. Hindi ko naman yun gusto kasi madaling mapunit yung papel, yung gusto yung yarn. Kasi yun hindi agad madaling mapunit.

"Ah! Basta ito yung gusto ko,"

"Eh di yan ang gusto mo. Yan ang bilhin mo,"tinalikuran ko na sya para tumingin sa ibang supplies na kailangan ko.

Napunta ako sa shelf ng mga book ng may ma-pansin akong lalaking nakatalikod na sa tingin ko ay nagbabasa may-headset. He looks familiar.

Binalik ko nalang yung pansin ko sa mga libro.

"BeautiFool Girl?"yan kasi yung title ng book na nakuha ko sa mataas na bahagi ng shelf. Nakakatawa naman.

Bigla namang may nahulog na libro sa gilid ko, pupulutin ko na sana kaso naunahan ako nung lalaking.

Nagulat ng biglang napatingin yung lalaki sa akin.

"Gi-Gifter?!"nauutal kong sabi.

Sa sobrang lapit ng mga mukha namin, hindi ko mapigilan ang puso ko. Dahil parang may mga kabayo sa loob nito na sobrang bilis tumakbo.

Pero tinignan nya lang ako siguro mga 5 seconds, para maalala ng kung sino ako. Pero agad din naman nyang binalik sa shelf yung libro at tumalikod na agad.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon