•Hyacinth•

6 0 0
                                    


Hyacinth's Point of View

*******

"Woaw! I just can't imagine na magkakagusto si Arah kay Gifter!"hindi makapaniwalang sigaw ni Sophie.

Nandito kami sa kwarto ko and we're just talking about kay Arah na may gusto rin kay Gifter.

"Oo nga eh, nagulat nga rin ako. Alam mo ba, yung time na mismong pagsabi ni Arah na crush nya si Gifter nabagsak ko ang kutsyara ko,"sabi ko.

"Really? Hahahaha. So? May karibal ka na pala kay Gifter. What's your plan then?"tanong nya. Nahiga naman ako.

"Di ko alam. Crush lang naman eh, siguro hindi na lalalim pa yun. Knowing Arah, mabilis magpalit ng mga nagugustuhang mga lalaki,"sagot ko.

"Sabagay, si Arah minsan ganun.Pero what if malaman ni Arah na may gusto ka rin Gifter?"

Oo nga nuh? Ano kaya ang mangyayari kung malalaman ni Arah.

"I think it's going to be awkward for the both of us,"

"Iisa nga lang naman ang lalaking gusto nyo,"saad nya at saka bumangon na at lalabas na sana ng kwarto ko.

"Good night couz! Huwag mo nalang masyadong isipin na may ibang may gusto kay Gifter. Isipin mo nalang na sayo lang sya ! Hahahaha"sabi nya sabay kindat at lumabas na ng tuluyan.

"Baliw ka talaga Sophie!!"sigaw ko sa kanya. Alam kong narinig nya yun.

Haaayyy. I can't believe na isa sa mga Bestfriends ko ay magkakagusto rin sa lalaking gusto ko rin.

*sigh* Makatulog na nga lang. Nakakapagod ang first day ang daming iniisip.




*******

"Ang famous pala ni Gifter ano?! Alam nyo ba, ang dami nyang followers sa twitter. Even sa facebook ang dami rin nyang likers!"sabik na sabik na sabi sa amin ni Arah, habang nandito kami sa Cafeteria.

Medyo hindi ako nagsasalita ngayong araw, di ko kasi feel ang magsalita.

"Talaga?! Arah? As in?"sinasakyan nalang lamang ni Sophie ang lahat ng kwento ni Arah. Para daw hindi masyadong awkward sa akin.

"Yep! Alam mo ba—"

"Heeeep! Tama na Tamarah!"putol ni Jolliana kay Arah.

"Bakit ba? Nagkwe-kwento lang naman ako, ah,"reklamo ni Arah.

"Buong lunch mo nalang kini-kwento si Gifter sa amin. Puro sya nalang ang laman ng bibig mo, aside dyan sa kinakain mong pagkain."Inis na sabi ni Jolliana.

"Eh, anong bang problema? Bakit ka ba nagrereklamo? Sila Sophie at Arah naman hindi nagrerekalmo ah?!"

Nagkatinginan naman kami ni Sophie. Saka binalik ang tingin namin sa dalawang nagbabangayan, na ngayon atmy nakatingin sa amin.

"Ahmm... the truth Arah. Eh.. kasi,"nahihiyang saad ko sa kanya.

"Kasi... Arah nagsisimula na kaming marindi sa mga pinagsasabi mo,"dugtong nalang ni Sophie.

Napatigil naman bigla si Arah. Parang ngayon lang nya na-realize na, ganun na pala ang nararamdaman namin.

Umupo naman sya ng maayos at agad na pinagtuunan ng pansin nag pagkain nya.

Wala ni isa sa aming tatlo ang may magtangkang bumasag sa katahimikan na nababalot sa aming apat. Itinuon nalang din namin ang aming pansin sa aming mga pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon