Breaking Winter
An original work by unimproving
All rights reserved
Your feedbacks are much appreciated. Thank you. xx**
P R O L O G U E
"May tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat, mga bibe.."
Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad. Ang ganda lang ng umaga ko dahil natakasan ko na yung mga humahabol sakin. Nahiwalay pa tuloy ako dun sa bestfriend ko. Nasan na kaya yon? Pag naman kasi magkasama kami, hindi kami nilalapitan ng mga aso-- este manliligaw pala namin.
Makabili nga muna ng pagkain bago pumasok sa klase. Late naman na ako eh, edi umabsent nalang. Bakit ka pa magmamadali kung late ka naman na diba? Ah basta, nagugutom nanaman yung mga alaga ko sa tiyan kaya kailangan ko na silang pakainin.
Maya-maya lang ay naramdaman kong may mga sumusunod nanaman sakin. Lumingon ako at ayun nga ang mga lalaki. Mga lalaking nanliligaw sakin.
"Alex sagutin mo na ako!"
"Mahal na mahal kita Alex!"
"Ikaw ang mundo ko!"
Letse. Ginawa pa akong planeta. Ulul. Napabuntong hininga ako at bumilang ng tatlo.
Isa..
Dalawa..
Tatlo..
At kumaripas na ako ng takbo. Ang bilis ko na ngang tumakbo paano ba naman simula grade 7 ay ganito na ang eksena. Minsan nga iniisip ko kung may nag-aakala na ba sakin na magnanakaw. Daig ko pa kasi yung mga tumatakbong magnanakaw sa divisoria eh.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nanliligaw at humahabol parin sila sakin. Lalaki na nga ako kung pumorma at umasta para lang tumigil na sila pero walangya, mas lalo atang dumami yung nanliligaw sakin.
Hindi ba nila maintindihan na ayoko? Ayoko. AYOKO! Nag-aaral sila sa University of the Elite pero simpleng sagot, hindi nila maintindihan.
Kakatakbo ko ay sumalpok tuloy ako sa pader. Putspa. Magkakabukol ata ako dito. Infairness mainit yung pader at tsaka.. mabango. May mabango palang pader? Ang sarap naman amuyin ng pader na to.
Napadilat ako at nagtaas ng tingin. Sumalubong sakin ang pares ng malalamig na mata. Poker face nanaman siya as usual.
Napigil ko ata yung paghinga ko. Itong lalaki lang naman na to ang dahilan kung bakit wala akong nakikitang iba. Si Winter Ice Kim na gwapo, mysterious, gwapo, talented, gwapo at kahit kailan ay hindi ako binigyang pansin. Asa pa naman ako. Sa dami ba naman ng may crush dito na mga sexy at magaganda, wala siyang pinansin eh. Ako pa kaya na kahit kailan ay hindi nagsuot ng pambabaeng damit?
Sa kanya ko nga lang sinasabi yung mga banat at pick-up lines ko pero di talaga tumatalab. Daig pa niya ang yelo sa sobrang tigas at lamig kung makitungo sa iba. Nakakainis nga kasi ang dami ko paring kaagaw sa kanya kahit na snob siya.
"Watch it, pabo."
Ang isa pa ay hindi to nagtatagalog at walang nakaka-alam kung bakit. Pero shocks narinig ko siyang magsalita! Kinausap niya ako! Yun lang ang sinabi niya at nilagpasan na niya ako.
Wait.. ano daw? Pabo? Mukha ba akong ibon?
BINABASA MO ANG
Breaking Winter (Amethyst Member #1)
Teen Fiction[NOT PROOFREAD! READ AT YOUR OWN RISK!] He is a type of person na hindi mo basta-basta mapapangiti. Mas malamig pa siya sa yelo at sobrang tigas.. ng puso. But she exists. Ang babaeng lubos ang pag-ibig sa taong yelo. Ang babaeng kahit na ilang be...