{ xii }

129 8 18
                                    


CHAPTER 12

"...now baby, grind on me. Relax your mind and take your time on me..."

Kanina pa kumakanta si Calvin sa tabi ko habang kumikindat sa bawat dumadaan na babae na matipuhan niya. Kahit mga college student ay kinikilig pa. Hinampas ko ang balikat niya. "Ang halay ng kanta mo!"

Tinawanan lang niya ako at laking pasalamat ko nang huminto na siya sa kinakanta niya. Buti na nga lang at wala si Summer dito, kundi, malamang ay pulang-pula na yon sa dami ng naririnig na kahalayan.

"Fuck this. Ang tagal ng awarding! Nagugutom na ako." Humaba ang nguso ni Calvin habang nagrereklamo.

He has a point. Matagal magsimula ang awarding ng Mr. & Ms. Elite kung saan kasali si Kara at ang boyfriend nitong si Ethan. Simula kasi ng malaman ng lahat na sila, mas napansin na nila ang tinatagong kagwapuhan ni Ethan. Kaya silang dalawa tuloyang naging representative ng high school ngayong foundation week.

"Kakatapos mo lang kumain ng dalawang 4-cheese Whopper at tatlong slice ng pizza, di ba?" Totoo siguro na malaki ang bituka ng mga lalaki. Maski kasi sila kuya ay parang di nabubusog.

"Kanina pa yon.Nadigest ko na at isa pa, nakakapagod kayang umupo!"

Inirapan ko nalang siya sa kaartehan niya. Di ko ba alam kung bakit ko 'to kasama.

Oh, right.

Gumagayak palang si Summer na siya naman pinuntahan ni Jared para daw sunduin. Seriously, di ko alam kung ano na ba ang talang mayroon sa dalawa na 'yon. Si Zeus ay papunta na, samantalang si Kurt ay sa celebration nalang daw pupunta. Napanaginipan daw kasi niya na nanalo si Kara at Ethan. Kay Winter naman, wala akong balita at nahihiya akong magtanong.

At dahil doon, kami nalang ni Calvin ang support kila Kara at Ethan. Ekis kasi yung iba eh. Joke!

"Ay teka may itatanong pala ako sayo," biglang sabi ni Calvin. Nagtaas baba ang dalawang kilay nito na parang nanunukso. "Kamusta naman kayo ni Winter?"

Bakit ba ang daldal ng brief na 'to?

Naalala ko nanaman nuong Intrams. Nuong araw na nag-sorry ako kay Winter (at nasaktan nanaman ako sa kanya), nakatanggap nanaman ako ng dalawang sulat.

This time, pareho ang envelope na nilalagyan, parehong printed ang letter, parehong pure English, pareho din ng tawag sa akin na Tiffany.

Kung nalilito ako dati, mas nalilito ako ngayon. Lalo na at halos pareho lang din ang nilalaman ng sulat.

O baka naman sadyang dalawa talaga ang pinapadala niya?

Pero ang nakakapagpakaba sa akin nang matanggap ko ang dalawang sulat ay ang iniwan nitong initials sa dulo na pareho din.

WIK

Simula nang nagpadala ang secret admirer ko ng dalawang sulat nuong Intrams ay palagi na itong nag-iiwan ng initials sa dulo. I was so sure na iisa lang ang nagpapadala ng sulat sa akin.

Di kaya?

No! Ayoko nang umasa pero ang utak ko ay puro pangalan niya ang sinasabi. Siya lang naman kasi ang kilala kong may ganoon na initials dahil common lang sa bansa nila na letter K ang last name. Just what if? Aasa nanaman ba ako?

"Earth to Alex!" Pumitik-pitik sa harap ng mukha ko si Calvin.

Hindi ko namalayang natulala na pala ako. "Ano na nga ulit yung tanong mo?"

Napa-iling ito. "Nevermind that. Kamusta na nga pala yung mga let—"

"Good evening everyone!"

Naputol ang sinasabi ni Calvin dahil sa boses ng MC sa stage. Magsisimula na ang awarding. Sabay naman na tumunog ang cellphone namin ni Calvin dahil sa mga nagtetext.

Breaking Winter (Amethyst Member #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon