A/N: Sorry delayed yung update ha? Sana magustuhan mo parin. Hihi.
Every vote and comment helps kasi you know prends, sobrang nakaka-inspire pag meron kahit isa lang yan or milyon same effect lang. Kaya go go go! Todo na 'to! HAHAHAHAHA
----------
CHAPTER 17
I stormed out of his office after that.
I have a lot to say but decided against it nang maramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi ako natapilok sa suot kong heels. Kundi, hindi magiging effective ang drama ko.
Huminto lang ako sa paglalakad nang makapasok ako ng elevator. I'm getting the hell out of this building, so help me.
Pero talagang minamalas ako ngayong araw. I took slow breaths nang kasunod kong pumasok ng elevator si Winter. I can feel the tension specially dahil kami lang dalawa ang tao. Makalipas ang ilang taon, ito ang unang beses na nakita ko siya sa personal at hindi sa TV.
Yes, I've changed a lot. From the way I dress to the way I talked. But so did him. I looked at him and saw that he's also facing the door kaya ang side view lang niya ang nakikita ko.
Ngayon ko lang napansin kung gaano siya tumangkad or maybe he's always been this tall. I have no idea. Nadepina ang katawan niya sa suot niyang suit lalo na't nakapamulsa pa siya. His hair's still messy but this time, it's like... like he just had a mind blowing sex. Mas nadepina ang panga niya and he has a... piercing. Three piercings on his right ear. Holy shit. He looks like a bad boy bachelor.
Muli kong naramdaman ang kalabog sa puso ko. Parang napapasong naalis ang tingin ko sa kanya. Shit. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ito. And it's still with him. Nang maisip ko iyon ay lalo akong napikon. Ano ba heart, akala ko ba nakalimutan mo na siya?
Biglang nag-ring ang messenger app sa cellphone ko. I unconsiously answered it without looking at the screen. Nagulat ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Baby girl, guess what?" Excited ang boses ni Isaac sa kabilang linya. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "I just arrived in Korea!"
Nakalimutan ko lahat ng inis ko nang marinig ko ang sinabi niya. Gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha ko. This means may kasama na akong maglibot right? "Omg baby, really? Nasaan ka ngayon?"
"Duh! Malamang nasa hotel mo. Wala naman akong ibang alam na lugar dito kundi ito. Puntahan mo ko dito at mag-lunch tayo sa resto niyo, bilis. Saka wag mo nga akong tawaging baby. Kadiri ka girl." Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sagot niya.
"Okay, pupunta na ako agad. I love you, baby," nang-aasar kong sabi. Pinatayan ko na siya nang tawag habang nagrereklamo siya. Sakto naman na bumukas na ang elevator door kaya walang lingon akong naglakad para makalayo doon.
Nilingon ko lang muli ang pinang-galingan ko nang papasara na ito. Nagsalubong ang tingin namin ni Winter na naiwan sa loob bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Gosh, he's looking at me this whole time? If only my face is capable of blushing, baka kulay ketchup na ako.
Paglabas ko nang building ng Shin Enterprises ay nandoon na si Yeong Jae. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse bago kami makapasok na dalawa. I told him to just drop me off our hotel and he's free for the day. We bid goodbye nang nakarating na kami.
Dumiretso nalang ako sa restaurant ng hotel namin. Isa ito sa branch ng restaurant na si kuya Adrian ang namamahala. Hindi na ako nagtaka nang makita ko doon si Isaac na tumitingin sa menu.
BINABASA MO ANG
Breaking Winter (Amethyst Member #1)
Teen Fiction[NOT PROOFREAD! READ AT YOUR OWN RISK!] He is a type of person na hindi mo basta-basta mapapangiti. Mas malamig pa siya sa yelo at sobrang tigas.. ng puso. But she exists. Ang babaeng lubos ang pag-ibig sa taong yelo. Ang babaeng kahit na ilang be...