"You must be new here, ngayon lang kita nakita dito." pagbubukas ng topic ni Martha.
Umabot ang pamilyar na mabangong amoy ni Brandon sa aking gawi kahit na katabi niya ang aking kaibigan. Napapikit ako.
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga taong nagdadaanan sa aming harapan at tahimik na nakikinig sa pag uusap nila Brandon.
Tumango siya, "Yeah, nagbakasyon lamang ako dito sa Cebu."
"Really? Taga saan ka ba?" pag uusisa ni Martha.
Dumating ang panibago kong order kaya inilabas ko ang aking wallet. Kumuha ako ng pera at ibinigay iyon sa waiter.
"I'm from manila.." nakita ko ang pagsulyap ni Brandon sa akin pero nagpanggap akong hindi ko iyong nakita.
"Naku! Ang layo pala. Kailan ang uwi mo? Ako nga pala si Martha! what's your name?"
"Bukas ng gabi ang uwi ko sa manila. I'm Brandon.."
Napatingin ako sakanilang dalawa at naabutan kong nakatingin nanaman sa akin si Brandon at mukhang nahalata iyon ni Martha.
"This is Ruby, by the way." masayang ani ni Martha.
"Nice to see you, Ruby Jules Medina.." matigas na ingles niyang sabi.
Nagulat kami sa pagbanggit niya sa aking full name.
"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Martha.
Agad namang umiling si Brandon bago pa ako makasagot, "It's her wallet.."
Tumingin kami ni Martha sa table kung saan nakalagay ang bukas kong wallet at kita ko doon ang aking i.d. Bumuhos ang aking buntong hininga.
"Ah! May kasama ka ba?"
Tumango si Brandon at tinawag ang isang lalaki.
Lumakad ang lalaki papalapit sa amin kaya tumayo kami ni Martha.
"This is my brother, Ramon Joshua Redfields."
"Ram for short." baritonong boses ang lumabas sa kanyang bibig.
Nilahad ko ang aking kamay para makamayan siya. Agad niya naman itong kinuha and to my surprise, he kissed my hand. Nang ngumiti siya ay lumabas ang kanyang malalim ng dimple.
Nasanay akong maglahad ng kamay sa tuwing may nakikilang tao, I used to do this when I'm at work pero nakalimutan kong nasa bar nga pala ako!
Nawala ang tingin sa akin ni Ram nang humarang ang kamay ni Brandon na may dalang whiskey at inaalok ito sa akin. His serious face is like giving me a warning to step back.
Wala sa ulirat kong tinanggap ang whiskey although I won't drink. I'll just pour some in their glasses.
Mabilis ding gumaya si Martha at ganoon din ang kanyang ginawa.
Mas matangkad si Ram kaysa sakanya. They both have the same features but Brandon's eyes were darker. Mas nadedepina ang kanyang mata dahil sa makapal niyang kilay at pilik mata. Naglalaban ang dugong pilipino at espanyol sakanilang anyo. Parehas na matangos ang ilong at kitang kita ang kanilang panga. Their dark brown eyes were always sparkling. At ang labi, kasing pula ng mansanas ni snow white. Na para bang kagagaling lamang sa matinding halik.
Nasa tama lang din ang kulay ng kanilang balat. Hindi maitim at hindi ganon kaputi. Mahaba ang buhok ni Ram at abot ito hanggang balikat at meron siyang dimples unlike Brandon, maiksi ang buhok at walang dimple ni isa.
Sa pangangatawan ay halos parehas lamang. Broad shoulders, muscles that doesn't need to be flexed, and abs that can be seen in their tight shirts. Walang mas lamang kung titignan. But I like Brandon better. Mas malinis syang tignan dahil sakanyang gupit.
![](https://img.wattpad.com/cover/71045620-288-k428880.jpg)
BINABASA MO ANG
Wrecked
RomanceSome parts may contain unecessary words and scenes not suitable for young readers. But if you insist, read at your own risk. Inspired by Jonaxx's stories ☺️