"Okay so... merong nag-invite sa school natin na manood sa PETA. Manonood ng El Fili sa 26 kaso may bayad 400 pesos kasama na yung transportation." Pagdidiscuss samin ni Sir Yap na Filipino teacher namin.
"Kasi diba much better kapag nakikita niyo talaga at hindi lang siya naiimagine." Dagdag pa nito.
"Kelan ba yung 26?" tanong ko kay justine.
"Next Wednesday na yun." Bulong naman niya sa'kin.
"Eh diba may music tayo nun? Pano na yan... hindi ko na makikita si sir FJ." Sabi ko naman.
"Oh, Miss. Reyes may problema ba?" tanong naman sa'kin ni Sir Yap. Nakita niya kasi kaming nagbubulungan.
"Aah—sir wala naman po." Sagot ko sa kanya habang tinititigan kaming dalawa ni justine.
"Eh sir hindi daw kasi niya makikita si sir FJ kapag nanood tayo ng PETA kasi Wednesday daw yon." Pagsabat ni justine.
Napaka sabatera talaga nitong kaibigan ko.
Nakita kong natawa nalang si sir yap bigla pero parang hindi mo mapapansin na balbas sarado siya kasi medyo chubby siya. Ang sarap pisilin!!
"Makakarating Miss Reyes." Sabi niya sa'kin habang natatawa.
Grabe sir! Wala naman pong ganyanan T-T
Natapos na ang klase namin sa Filipino at naalala ko Wednesday pala ngayon, at yung subject namin pagkatapos ng Filipino ay Music.
"Paalam na" sambit sa'min ni Sir Yap.
Tumayo ang lahat ng nasa klase at sinabing "Paalam na po Ginoong Yap."
Nakita ko din sa labas na naghihintay na si Sir. Hinihintay niya talaga ako. Dejk lang. Hinihintay niya lang naman lumabas yung teacher namin kanina.
BINABASA MO ANG
Sir, Pengeng Papel
Short StoryMeet Gian, ang girl na patay na patay sa kanyang Music teacher. Hanggang Kilig na nga lang ba o may mararamdaman kaya siya?