A/N: Hi sorry po dahil sobrang tagal kong magupdate XD btw,ito na po yung update ko at itatry ko ulit mamayang gabi hehehe enjoy reading!
Votes, Comments are highly appreciated! Spread the Love! :)
Chapter 4:
[Gian's POV]
"Gian... Gian gising na... favorite subject mo na.."
Pakshet narinig ko na yung boses at naramdaman ko yung pag uga ni Justine ng likuran ko.
NAKATULOG TALAGA AKO EH.
Hanggang ngayon naka head down pa din ako, Hindi ko alam kung ano yung ipapaliwanag ko kay Sir kung bakit ako natutulog kapag sinabi ko namang "Kasi sir pagod po ako" baka sabihin niya "bakit ako hindi ba?"
AAMININ KO NA ANG UNREASONABLE NAMAN KASI NG DAHILAN KO.
Pagod na ako.
Pero masama bang magpahinga?
hmm.. Ok so sige ganito nalang.Hindi nalang ako iimik tapos mag sosorry.
Hmm.. ok go!
1...2...3... at binangon ko na yung ulo ko.
For sure alam niyo naman na kung sino una kong nakita...
Si sir FJ na...
NASA HARAPAN KO MISMO AT nakataas yung isang kilay niya. Pero Kahit na mas matapang pa yung kilay niya kesa sa ugali ko okay lang, Grabe talaga feeling ko tinamaan na ako sa kanya T-T
Nakatawa lang siya sa akin at biglang sumimangot.
"Bakit ka natutulog sa klase ko??"
SABI NA NGA BA TATANUNGIN NIYA YAN SA'KIN.
Ang tagal kong di umimik. Di ko alam sasabihin ko kasi wala naman talagang dahilan yung pagtulog ko o kasi nasa harapan ko lang talaga siya.
"Uh.... sir kasi....po... uhm ano po talaga eh.. hmm ano.. " pautal utal na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Sir, Pengeng Papel
Historia CortaMeet Gian, ang girl na patay na patay sa kanyang Music teacher. Hanggang Kilig na nga lang ba o may mararamdaman kaya siya?