Pero lahat ng kasiyahan na 'yon may katapusan. Next school year, hindi na siya yung Music teacher dito sa school namin. Hindi ko na rin siya makikita. Kasi mas may malaking offer sa kanya sa ibang bansa. Naikwento niya sa amin yun. Yun ay ang maging singer siya. Natutuwa naman ako kasi ang swerte niya para magkaroon ng chance na ganon. Pero ang kinakalungkot ko lang, bakit kasi kaylangan malayo pa?
Last subject na namin sa kanya at last meeting na rin namin ngayong araw na ito. Kaya ayun, nagspeech siya. Natutuwa raw siya kasi nakilala niya kami. Kami pa nga raw ang pinaka bonded at solid na batch. Siguro close lang talaga yung batch namin kay sir FJ at palagi namin siyang nakakabiruan at nakakasama sa kahit anong event. Maituturin mong kuya/teacher/Kaibigan si Sir FJ. Mabait kasi at masasabihan mo pa ng sikreto. Lagi niyang sasakyan ang trip ng klase niyo. Masyado na raw mahirap ang mga lessons namin next school year kasi parang college na raw ang Senior High School. Nagulat nalang kami ng biglang may sumigaw sa likod at sinabing "Sir! Message naman kay Gian!" Tumingin siya sa akin noong mga segundong sinabi ng kaklase ko yun.
"Ah si Gian, ayun... alam ko naman na mabait ka na bata. Study hard and goodluck sa Senior High school mo. Minsan yung mga sinasabi mo sa akin na hindi mo kaya I know you can do it. Minsan sinabi mo sa akin na duwag ka, but hindi ako naniniwala don, I know you're a strong person." Sabi niya at nginitian niya ako.
Bago matapos ang klase sa subject niya, napaiyak nalang ako 'nun. Kasi ineffortan ko na. Ibinigay ko na yung kaya ko. Sinabi ko sa section ko na kapag dumating siya dito sa classroom kantahan ng Lost Stars ni Adam Levine. Isa daw kasi sa mga paborito niya 'yun. Gumawa rin ako ng video na para sa kanya. Yung video na may kasamang mga pictures namin at iba pang mga estudyante niya sa school namin. Habang nakikita ko siya na pinapanood ito, Unti unting pumapatak yung luha sa mga mata ko. Pero siya natatawa lang. Mamimiss niya daw kami pero ako Mamimiss ko siya ng sobra sobra. Tapos ayun, hinarana niya kami at nag group hug yung buong klase namin kasama na rin siya. Halos lahat ng kaklase ko niyakap siya, di ko nga alam kung totoong mamimiss nila si Sir o chumachansing lang eh. Tinanong ko siya kung kelan siya babalik ang sabi niya hindi pa raw niya alam. Pero kapag bumalik siya dito sa Pilipinas, bibisita pa rin siya dito sa school namin. Di ko rin alam kung kelan ko pa siya ulit makikita. Siguro pagdating ng panahon at kapag nakita ko na siya, Mas mature na ako 'non. Pwede na yung mga bagay na bawal ngayon. Pero sana kapag dumating yung araw na yon magkakaroon na ako ng papel sa buhay niya.
The End.
Reactions Guys! Sorry kung ganon kabilis. Anyway, magkakaroon naman 'to ng mas mahaba na version okay so don't worry. :)
Thanks for reading! Chikahan tayo sa twitter! tweet niyo lang ako ng reactions niyo din @jasmine_banaga :)
BINABASA MO ANG
Sir, Pengeng Papel
NouvellesMeet Gian, ang girl na patay na patay sa kanyang Music teacher. Hanggang Kilig na nga lang ba o may mararamdaman kaya siya?