CHAPTER 2: THE ALARAS

23 0 0
                                    

ROCKIESHA'S POV

*KRIIING.... KRIIING*

"Uggh ano ba!" Antok na antok pa ako kaya parang ayuko pa bumangon... Para bang may mga mabibigat na nakadag-an sakin... hindi naman dede ko ang mabigat, kasi flat chested naman ako..

Hay!!. May magagawa pa ba naman ako kundi ang bumangon.. eh malelate na ako.. first day pa naman, ayuko malate ako.

As usual.. bilang isang babae, kailangan malinis ako sa katawan. So, kapag umaga... hindi talaga pwedeng hindi ako maliligo, ang kati kaya at lagkit kapag hindi naligo! Sanay ako ng hindi kumakain ng breakfast, ayuko rin naman magluto ng maaga eh, baka masunog lang kasi aantok-antok pa ako..

"Haay! Ayos na lahat! Mabango na ako, nakabihis na, ichecheck ko na lang gamit ko." Chineck ko na lahat ng gamit ko, para sure ako na wala talaga akong makakalimutan kahit na lipstick ko... sanay na din akong kinakausap sarili ko, ewan ko... naging mannerism ko na ang pagkausap ko sa sarili ko eh..

Lumabas na ako ng condo... syempre diretso kotse na ako...

"Ayy! Wait! Nasan headset ko?" Hindi ko yata makakayanan pang mabuhay dito sa mundo kapag nawala headset ko.. kaya tiningnan ko sa bag ko kung nandun...

"Hayy! Salamat naman at nandito kang headset ka.." Palagi kong pinapakinggan yung mga kanta ni Taylor Swift.. ang gaganda kasi ng kanta nya eh, yung kapag pinakinggan mo ay tatagos hanggang sa buto at puso mo...

Sumakay na akong kotse, tapos diretso na ako papuntang SanBeda... Sana talaga may makasundo naman ako dun.. Haaay, bahala na nga.

~At SanBeda College~

Woow. Ang daming estudyante.. hindi pa naman pala ako late, di sana nakaiglip pa ako...

Papunta na akong first class ko...Hinahanap ko yung panyo ko sa bag ko tapos... tapos bigla na lamang.. MAY BUMANGGA SA AKIN!

Buti ba kung tumigil man lang at nagsorry.. eh hindi eh! Nagdire-diretso ang gago!

"HOY! LALAKENG MATANGKAD NA MAY HEADSET SA TENGA! HOOOY! HINDI MO BA AKO NARI-~" Ay. Narealize ko nakaheadset nga pala ang gago, hindi nya pala talaga ako maririnig.. nakatingin tuloy lahat sakin..

Hahabulin ko pa sana eh, para naman mabatukan ko ang gago... yung batok ba na halos tumalsik yung ulo nya sa sobrang lakas!. Kaso kay lumapit saking tatlong babae eh... tapos pinigilan ako..

"Don't even think to do that..." Sabi nung maputing babae na matangkad tapos straight ang buhok...

"Ha?! Eh bakit naman?" Tanong ko sa tatlo...

"We're just trying to save you girl..." sabi naman nung babaeng nasa gitna na medyo pandak pero maganda.

"Oo... baka kasi ipakidnap ka nung 'gagong' lalake na tinatawag mo..." dagdag naman nung babaeng kulot na kasama nung dalawa..

"Ha?! Teka lang... hindi kayo maintindihan eh... at saka sino ba kayo?"

"Haay. Siguro kakatransfer mo lang kaya hindi mo alam..." sabay-sabay na sabi nung tatlo.

"Oo. Tama, kakatransfer ko lang.. pero ano ba yung hindi ko pa alam na sinasabi nyo?" Tanong ko sa kanila na nagdududa na talaga...

"We're going to tell you that... pero hayaan mo muna kaming magpakilala... I'm Jesseri Alaras!" S'ya yung maputing babae na matangkad tapos may straight na buhok.

"And I'm Kenzie Alaras!" Sya naman yung pandak pero maganda.

"At Syempre! Ako si Anya Alaras!" Sya yung babaeng kulot na maganda din...

"Ahh. Ako naman Si Rockiesha Dela Fuente, HRM ako... at saka lahat kayo 'Alaras' ang apelyido? Magkakapatid ba kayo?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Noo. Magpipinsan kami. Magkakapatid ang mga daddy namin... that's why, we all have the same surname." Jusko! Maya't-maya ng nag-english itong si Jesseri..

"Ahh. Ehh. Bago pa lang ako eh.. pwede nyo bang ikwento sa akin yung mga sinasabi nyo na mga bagay na hindi ko pa alam." Request ko sa kanila...

"Oh dear! Pwedeng-pwede! Pero pwede umupo naman tayo? Kasi nangangalay na ako..." sabi naman ni Kenzie.

"Oo nga tara umupo tayo dun.. nangangalay na din ako eh.." Request din ni Anya... pati ako nangalay dun eh. Nakaheels ba naman lahat...

Sinimulan ni Jesseri yung pagkwekwento...

"Alam mo... yung lalake na nakabangga mo kanina... Yun si Ethan Mendoza..." Ha? Ethan? Parang pamilyar sakin ah...

"Oo girl! Halos lahat, takot sa kanya... well, merong hindi.. palaban kasi din yung BEDLAM GANG" Dagdag info naman nitong si Kenzie...

"Wait ito bang si Ethan Mendoza na ito ay member ng Tumult Gang?" Parang nagmamadali na tanong ko sa kanila...

"Oo nga. Paano mo nalaman?" Sabay-sabay nilang tanong sa akin..

"Eh kasi yun yung nakikipagbasag-ulo palagi kayna kuya Jonash..." Sagot ko sa kanila...

"Wait?! Whattt?! Kuya mo si Jonash?" Gulat na tanong ni Anya.

"Oo. Eh bakit ba parang nakakita ka ng multo sa tanong mo?" Tanong ko kay Anya.

"Eh kasi naman Rocky... yun yung ultimate crush nyang si Anya" sabi ni Kenzie sakin..

"OO GRABE!!! ANG GWAPO NYA KAYA!! MERON KA BANG PHONE NUMBER NYA? I'M SURE MERON KA! PWEDE MAHINGI!?" Halos magtatalon na itong si Anya..

"Oo sige ibibigay ko sayo.. wait lang kunin ko lang phone ko.." hinanap ko yung phone ko sa bag... nung nakita ko na, napatingin ako sa oras.. tapos...sh*t!---

Napatayo ako...

"Mga bes! Mamaya na lang ulit ha! Mamaya ko na lang bigay sayo Anya. Late na kasi ako eh!" Nagmamadali na ako nung sinabi ko yun..

"At saka salamat pala ha!" Dagdag ko na sabi sa kanila habang natakbo...

NAKU! PANO NA YAN?! LATE NA LATE NA AKO! SABI KO PA MAN DIN HINDI AKO MALELATE NG FIRST DAY EH!!

~end of chapter two~

(Hi guys!! What do you think about the chapter2 of #TTMG? Let me know, about commenting below.. thank you! Follow me para hindi na mahuli sa life story ni Rockiesha! Saturday ako mag-update!)

The Troublemaker's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon