Chapter 2: The Deal

577 8 0
                                    

Ace's POV.

3 days pa lang ako dito sa School na ito. St. Veda high school. May event na nangyayari. Math and Science Club event. Halfday lang kami. Nakasuot ako ng isang plain black na jeans at white shirt. Simple. Then habang naglalakad kami nila Blue at Luis. Nagtitinginan sa amin ang mga babae. Hindi ako komportable. Pinili kong magsuot ng plain para hindi mapansin pero mukhang hindi uubra.

"Bro. Lakas ng dating ah. Nakakabakla." Biglang sabi ni Blue.
"Kaso hindi mo talaga ako mapantayan. Mas gwapo parin ako sayo." Dagdag pa niya.

"Baliw. Manahimik ka nga." Plain lang ang suot ko. Anong kinalakas dating nito? Psshhh...

Naglalakad ako papunta sa classroom ko. Hindi kami magkakaklase. Section 3A ako.
4A naman sila. Mga pasaway kasi.

Umupo na ako sa armchair ko. Hinihintay kung kailan magsisimula yung event. Wala pa yung Maya. Solo ko yung dalawang armchair. Nilagay ko yung  bag ko sa kabilang armchair kung saan nakaupo si Maya. At nilagay ko yung headset ko sa tenga para hindi ko marinig yung mga bulungan nila.
.
.
.
.
.
.
.
.

"HOY! MR. NAKAHEADSET, PWEDE NIYO PO BANG ALISIN YUNG NAKABALANDRA NINYONG BAG PARA MAKAUPO NA AKO!"
Umalingawngaw ang sigaw niya sa room at narinig ko. Nagtitinginan ang mga tao sa room sa amin.

Hindi ko napansin agad na dumating na pala si Maya.

Tinanggal ko yung headset at inilagay sa leeg ko. Aba matapang to ah. Tumayo ako at humarap sa kanya. Pandak. Hanggang leeg ko lang siya .

"Eh anong gagawin mo kung ayaw ko."

"Aba siga ka ah. Pwes ako gagawa." Nilaglag niya yung bag ko at tsaka umupo. Pagkaupo niya inapakan niya yung bag ko... na parang basahan.

Shit... yung phone ko nasa loob.

Kinuha ko yung bag ko at tinignan ang phone ko...

Letse....

BASAG.

WARAK

SIRA

TIGOK.

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang Math teacher namin. Senyas na kailangan na bumaba.

"Mamaya ka sakin." Bulong ko sa kanya... umirap lang siya sakin at lumabas na kami. Ibang klaseng babae to. Hindi tao. Ano bang laban niya sakin?

Bumaba na kami at pumunta sa court kung saan magaganap ang event. Tss sira na ang isa kong phone. Hindi niya ba alam na mahal ang bili ko dito? Latest model sa mall to. Kainis hindi ko nga ginagamit para hindi masira tapos sisirain niya ng ganun ganun lang?.

Nagsiupo na yung iba ko pang kaklase kasama na rin ang iba pang section. Nauna ang boys sa girls na lumabas ng room. Aabangan ko si Maya. Humanda siya. Inilagay ko ang basag kong phone sa bulsa ko. At tinanggal pansamantala ang headset ko at nilagay ko iyon sa bag.

Nasa gilid ako ng building nagaabang. Nakita ko siya sa likod ng dalawang babaeng may hawak na teddybears. Naka white shirt din siya at gray na P.E jeans. Naka P.E siya.

Habang wala pang kumakausap sa kanya. Agad kong siyang hinila papunta sa likod ng building.












Mary Jane's POV

Aray aray. Sino ba ito. Ang sakit makahawak ah.

"Aray ko ano ba? Inaano ka ba? Sino-- Ace?"

Hawak hawak niya ako sa braso at isinandal niya ako sa pader.

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah."

My Fake Boyfriend...For Real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon