Mary Jane's POV
"Hoy Maya. Alam mo na ba yung balita?" Tanong ni Gab mula sa kabilang kama ng dorm namin. Nag aayos siya ng medyas.
"Anong balita naman yun?" Tanong ko habang inaayos yung gamit ko.
"Grabe, halos lahat alam yun. Ikaw nalang yata hindi updated." Tugon niya habang nakatingin sakin.
"Sabagay ayaw mo naman sa mga lalaki. Dahil nga MANHATER ka"
Bulong niya pa. Grabe. Pinagdiinan talaga yung manhater ha.Siguro gwapo nanaman ang paguusapan kaya ang bilis bilis maka chismis nito.
"E ano nga iyon?"
"May pogi na magtatransfer dito sa school na ito. Balita ko Ace daw ang pangalan. Kaso snobber daw e. Di daw marunong kumausap ng babae."
"Ang ikli naman. Siguro tipid masiyado ang mga magulang niyang maglagay ng pangalan kaya tinamad na dagdagan."
"Ay diyan ka nagkakamali."
"Huh?"
"Mayaman sa pangalan yang ai Ace."
"Paano mo naman nasabi?"
"Anthony Carlo Edison Smith"
"Yun yung complete name niya?"
"Yeah right."
"Sus. Hindi siya nakakaubos ng hangin ha."
"Haha. Pero wait. Anong oras na ba?"
Tumingin ako sa relo ko.
"Shit. Late na tayo!"
Tumakbo kami sa labas dala ang gamit namin. For sure papagalitan kami pag naabutan kami ng principal. Kainis. Ang daldal kasi eh.
Napatigil kami sa pagtakbo ng mapansin naming marami pang taong naglalakad.
"Ahh, guys, bakit kayo tumatakbo?" Tanong ni Nicole.
"Kasi akala namin malelate na kami."
"Baka nakakalimutan mong inadvance ko yung relo mo kahapon para maaga ang gising mo. Haha. Mga mukha niyo!"
"ANO?!" Sabay na sigaw namin ni Gab.
"Guys, teka easy lang 10 minuites pa naman." Hayy Nicole talaga.
"Oh ito may nagpadala nanaman oh galing sa sangkaterba mong secret admirer." Sabi ni Nicole sabay abot ng mga teddy bears at chocolate. Pero sa ngayon wala ng flowers. Tinatapon ko lang kasi agad. Malalanta lang.
"Tatlong teddy bears, at isang... oh my gosh. Baymax na stufftoy. Tsss ok na sana yung baymax eh napupudpud ng teddy bears ang kama ko sa dorm. Panahon na siguro para ipamigay na."
"Teka, teddy bears lang? Eh paano yung sangkaterbang chocolate mo?"
"Aba siyempre sakin lang yun."
"Tsss ang takaw mo talaga. Payatot naman."
"Maganda nga yun eh. Hindi ako nagmumukhang BABOY. Tsaka may kalayaan akong kumain ng isang buong ref ng tsokolate ng sexy parin."
"Tsss nangiinsulto pa." Bulong ni Gab.
"Sige guys mauna na ako. Mag tatime na kasi. Akyat na rin kayo baka tuluyan na kayong malate." Pagpapaalam ni Nicole samin.
"Two minuites nalang pala. Tara na. Late naman laging pumapasok yun si maam Rita eh"
"Late nga pumapasok araw araw namang iRita. Hahah"
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend...For Real?
TienerfictieIsang LOVE na nabuo mula sa isang Man hater at Woman hater na tao. Na nagkaroon ng deal upang tulungan ang isa't isa para tigilan ng mga taong nagkakagusto sa kanila. Paano kapag nainlove sila sa isa't isa... at maging ReaLationship ang mangyari sa...