Mary Jane's POV.
"MAYA! GUMISING KA NA. MALELATE NA TAYO." Sigaw ni Gab.
"Hindi ako papasok ngayon." Bulong ko.
"Tumahimik ka nga. " tugon niya.
Hindi ako sumagot. Dahil inaantok talaga ako. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa word na "Mamamatay ka ng dis oras" paulit ulit yung nagsisink sa utak ko.
PAAAKKKK!
"ARAY!" Sinampal ako ni Gab. Ang sakit. Shit... nanginig ang laman ko sa hampas niya.
"Sorry. Sorry. Kasi naman eh ayaw mong gumising."
"Hindi nga ako papasok."
"Oh sige. Wag kang pumasok. Pero may nagtext sayo na magkita daw kayo mamaya sa STC. Ngayon."
STC cafe. (Sweet treats cafe). Diyan ako nag tratrabaho. Shift ko tuwing sabado at linggo.
"Sino daw yun?"
"Ace?"
"HUH? PAANO NIYA NAKUHA ANG NUMBER KO? SINO NAGBIGAY?!"
Napabangon ako ng marinig ko yung pangalan ng impaktong yun.
"Tinanong niya ako kahapon. Hindi na ako makapalag kaya binigay ko"
"Gab naman."
"Sabi niya pa pag hindi ka daw pumunta siya daw mismo ang susundo sayo dito."
Hayy nakakainis talaga. Hindi ko siya pwedeng tanggihan.
Tumayo na ako at pumunta sa C.R para maligo. Hindi nga ako papasok eh.
After 25 minuites, natapos na akong maligo. Nakatapis pa ako ng biglang magring yung phone ko. Umalis na si Gab. Pumasok na siya...
Nasaan ka na ba? Naiinip na ako dito. Pag nagtagal ka pa diyan pupuntahan na kita.
Ace.
Hala.
Bainilisan ko pa ang pag bibihis at nagayos na ako ng mukha. Plain orange na jacket at short skirt ang sunuot ko. Dito na ako nasanay.
Paglabas ko ng dorm naabutan ako ng teacher na si Mr.Lourence sa hallway.
"O, Maya. Bakit nasa labas ka? Hindi ba may klase ka?"
"Uhm. Sir kasi, hindi po ako pumasok..." hala ano idadahilan ko.
"Bakit may problema ba?"
"A--a wala po. May mahalagang lakad lang po."
"Hm. O, sige Maya mahingat ka."
"Salamat po." Wheew. Muntik na ako dun.
Umalis na ako at iniwan na si Mr. Lourence sa hallway. Nagmamadali na ako kaya tumakbo na ako papalabas ng school.
Paglabas ko ng gate ng school, may isang lalaking bumungad sa akin. Nakasandal siya sa itim na kotse. Nagcecelphone at nakaheadset. As usual...
Si Ace.
Tinanggal niya ang headset ng makita ako at agad na nilagay sa leeg niya.
"Bakit ang tagal mo?"
"Bakit ka nandito?"
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend...For Real?
Novela JuvenilIsang LOVE na nabuo mula sa isang Man hater at Woman hater na tao. Na nagkaroon ng deal upang tulungan ang isa't isa para tigilan ng mga taong nagkakagusto sa kanila. Paano kapag nainlove sila sa isa't isa... at maging ReaLationship ang mangyari sa...
