Prologue

15 0 0
                                    

Naglakad ako paakyat ng rooftop ng isang abandonadong gusali. Pagkabukas ko ng pintuan, may lalaking nakatayo sa pinakagilid ng rooftop.

Ang amo ng hitsura niya sa kanyang itim na buhok na may pagkahaba. Sa lagitik ng pinto ay tumalikod siya. Nagtama ang aming mga mata.

Hindi ko siya kilala pero hindi rin siya pamilyar.

"Anong binabalak mo Anna?" kahit ang layo niya, malakas ang boses niya sa aking pandinig.

Hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong nakatayo't nakatitig.

Ano nga bang ginagawa ko dito?

Hindi ko maalala.

At saka paano niya alam ang pangalan ko?

Tatanungin ko sana kaso biglang umihip ang malakas na hangin at unti unti siyang naglalaho.

"Teka lang" tumakbo ako palapit sa kanya habang iniiabot ang aking kamay pero wala na.

Tuluyan na siyang naglaho.

Tumigil ako sa pagtakbo at nanatili sa kinaroonan ko.

Ano bang ginagawa ko?

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha pero



Bakit?

Dreaming Too MuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon