Chapter 1

18 0 0
                                    

Pawisan akong bumangon sa aking kama sabay ng pagtulo ng aking mga luha. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang aking damit.

Panaginip. ano yung panaginip ko? Hindi ko na maalala.

Tumayo nako't naligo para sa klase.

"Hi Anna" Sabi ng babaeng may makapal na make-up na si Cassie. "sabi ni Mr. Santos, dalhin mo raw ang mga ito sa storage room".

Iniabot niya ang isang box at dali-daling umalis. Naglakad na ako papunta sa storage room, pagpasok ko, and dilim kaya kinapa ko kung saan yung switch ng ilaw. Pagkabukas ng mga ilaw, biglang nagsara ang pinto.

Agad kong ibinababa ang kahon saka lumapit sa pintuan. Ayaw bumukas.

"Buksan niyo to!" sigaw ko. Naririnig ko ang tawa ng nasa labas. Yung babaeng makapal ang make-up, may mga kasama na siya.

"hoy!, buksan niyo to" Ang sikip dito, palabasin niyo ko dito. Sumigaw ako ng sumigaw pero hindi pa rin nila binubuksan.
Pinagpapawisan na'ko. Umupo ako sa sahig, bumibilis na ang paghinga ko, ipinikit ko ang mga mata ko.

*click*

Tumayo ako kaagad, hinila ang hawakan ng pinto pabukas.

Lumabas ako sa storage room at kumalma.
Wala na sila pero naririnig ko ang yabag ng kanilang paa.

"Okay ka lang?" Lumingon ako sa boses ng nagsalita. Isang babaeng hanggang sa balikat ang buhok.

Nakasuot din siya ng make-up pero hindi kakapalan. Ang ganda niya.

"oo, okay na, ikaw yung ?" sabay turo ko sa pinto.

Tumango siya. "nakita ko sina Cassie na tumatawa tapos bigla silang tumakbo nung nakita nila ako"

"ah, salamat"

"sige una na ako, may pupuntahan pa'ko" nakatingin lang siya sa relos niya habang naglalakad palayo.

Pagdating ko sa bahay, merong sapatos na nakakalat sa sahig. Lumabas ako at naglakad lakad.

May lalaki na naman siya.

Matapos siguro ang dalawang oras, bumalik na ako at wala na yung lalaki, nagtungo ako sa kusina at iniligpit ang mga boteng nakakalat at mga disposable na mga baso't pinggan.

Kinabukasan kumakain akong mag-isa nang lumapit na naman si Casie sa kinaroroonan ko, kasama ang dalawang bata niya.

May hawak siyang baso ng kung ano. Tumayo siya sa harap ko't ibinuhos yung orange juice sa ulo ko.

"Ganyan ang nababagay sa'yo" nakangiti niyang sabi.

"Wala akong ginagawa sa'yo, ano bang problema mo?" tinignan ko siya ng masama.

Sobra na kasi, palagi niya na lang akong pinakekealaman ni hindi ko nga siya pinapansin eh. Pagkatapos ng pagkulong niya sa'kin.

"aba, sumasabat ka na" nagpameywang siya. " Wala lang nakakinis kasi ang presensiya mo". Nakakainis na siya.

Mahigpit kong hinawakan ang tinidor na nasa lamesa saka ako dahan-dahang tumayo.

Linapitan ko siya at mabilis na inilapit ang tinidor sa leeg niya.

Nanlaki ang kanyang mata at ramdam na ramdam ko ang takot niya.

Ngumisi ako.

"tantanan mo na ako ha, kung hindi tutuluyan talaga kita" ibinalik ko sa lamesa ang tinidor.

Narinig ko ang mga singhap ng mga taong nanood pero di ko na pinansin. Ibinalik ko ang tinidor sa lamesa't kinuha na ang bag ko.

Nagpunta ako sa banyo para hugasan ang buhok ko. Ang lagkit.

Pati yung damit ko. Wala pang isang oras narinig ko na pangalan ko.

Pinapapunta na nila ako sa office. Hindi na ako nagtaka.

"Anong nangyari, Anna?" dahan-dahang tanong ni Mrs. Hera ang guidance counselor

"......."

"Paano kung umabot yun sa leeg niya?"

Nanatili akong tahimik sa kinauupuan ko. Nagtitigan kami ng ilang minuto hanggang sa nagbuntung hininga siya.

"huwag mo nang ulitin yun ah, sige pwede ka nang umuwi" tumango ako saka umalis.

Kinagabihan, naglog-in ako sa facebook ko.

Tsinek ko ang notification, at may mga letratong nakatag sa'kin. Yung sa cafeteria. Pinanood ko rin ang video at nagscroll sa comment section.

Grabeh naman siya, ngumiti pa oh.Katakot.

Ano ba yan, delikado yan.

Demonyo ba siya? Nakakatakot naman

Sobra naman yan.

Nice.Ang astig naman.

Totoo ba ito?

Takot na takot yung isang babae oh.hahahah

Isinara ko ang laptop para hindi ko maitapon sa sahig. umayos na ako sa kama at nagpahinga.

Dreaming Too MuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon