Chapter 2

18 0 0
                                    

"Nakita mo yung ginawa niya kahapon?"

"Oo nga eh. Nakakatakot"

"Yung tinidor...Casie"

"Ha? Talaga?"

"Balita ko baliw daw nanay niyan"

"Kaya pala"

"Prostitute rin daw"

"Ano yun prostitute na baliw?"

Ano ba talaga?

"Ano bang alam niyo sa'kin?" bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Parang wala ako dito. Nakakarindi sa tenga . Hinayaan ko nalang baka magkaroon na naman ng issue. Matapos ang klase,

naglakad ako ng naglakad. Hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng isang abandonadong gusali, pumasok ako at nagtungo sa pinakataas.

Nakatayo ako sa rooftop ng gusali, ang lakas ng hangin dito. Naglakad ako hanggang sa nasa ere ang kalahati ng sapatos ko. Dahan- dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Nagpatumba ako paharap.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko, hinila ako't niyakap ng napakahigpit.

Wala pang limang segundo agad siyang bumitaw. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumingin siya sa akin tapos sa kamay niya na parang hindi makapaniwala.

"Akala ko hindi gagana" bulong niya. Napatitig ako sa kawalan.

"Ang alin?" nagtataka kong tanong. "tsaka sino ka?"

"Ah eh" kinamot niya ang kanyang ulo. "Yun nga eh, hindi ko maalala" kinakabahang sabi niya. Naglakad ako papunta sa pinto, hindi ko na alam ang gagawin ko rito.

"Teka" narinig kong sabi niya. Humarap ako sa kanya "bakit?"

"Tulungan mo ako" dagdag niya.

"Pasensya na pero hindi ko yata kaya" nagmadali akong nagpunta sa hagdan pababa nang makauwi na.

"Sige na" bumuntot siya sa'kin hanggang sa tapat ng bahay namin habang sinusuyo akong tulungan siya. Wala naman siyang magagawa kundi ang umalis kapag pumasok ako.

"Pasensya na talaga" sabi ko at pumasok na ako sa loob. Nagtungo ako sa banyo't naghilamos.

Tinignan ko ang mukha sa salamin. Binalak ko ba talaga iyon? Sino ba yung lalakeng yun? Sinundan niya ba ako?Pero wala naman akong napansin na sumunod sa'kin sa gusaling iyon.ah. hindi ko alam. Hinila ko ang twulyang isinabit ko sa pihitan ng pintuan.

Lumabas ako habang pinupunasan ang aking mukha.

Pagkababa ko ng twulya. Pangalawang beses na ito.

Nakatalikod siyang nakatayo sa gilid ng higaan ko.

"Paano ka nakapasok dito?" Itinuro niya yung pintuan. At saka humarap sa'kin. Nakangiti siya.

"Ano ba? Sabing hindi kita kayang tulungan eh" inis na bulong ko. Baka marinig pa ako nina mama kung may kasama nga siya. Nagbuntung hininga siya.

"Bakit pala mag-isa nanay mong kumakain, bakit di mo sinabayan?"

"Nakita mo mama ko, hindi ka niya nakita?" umiling siya.

"Yun na nga, Anna kaya ikaw lang makakatulong sa akin" tumigil siya saglit "dahil ikaw lang nakakakita sa'kin"

"Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya kinatatayuan ko at itinaas ang kanyang kanang kamay sa mukha ko pero hindi ko naramdaman ang hawak niya. Hindi siya tao. Hinawakan ko din siya pero tumagos ang aking kamay.

Tinakpan ko ang biibig ko gamit ang aking dalawang kamay, pagpigil ng sigaw na gustong lumabas mula sa aking lalamunan

"Huwag kang mag-alala, hindi naman kita maano eh"

"Sa rooftop, paano?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ko rin maintindihan" mahinahong sabi niya. "Baka sadyang hindi mo pa oras para......"

Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreaming Too MuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon