Dedicated to my 3 BFFs:Jamae Ditablan, Allysa Mae Guieb and Aaron Blancada
Dj note: una sa lahat maraming salamat sa suporta sa aking istorya na halos inabot ng isang taon bago matapos okay lang kahit iilan lang yung mga boto at komento nyo pero ramdam ko yung init ng pagsuporta nyo sa story nina Quinn at Zac. Sana ay suportahan nyo ang ikalawang libro na iikot sa kanilang anak na si Zaileen at ang isa ko pang istorya na fan fiction na romance na may konting non-teen “Not Your Typical Snow White Love Story” at good news sa mga kating kating magkaroon ng soft copy gagawan ko na sya ng soft copy at please lang sana respeto po na wala sanangmagpost sa wattpad or other sites ng aking istorya okay lang kung gawan ng fan fiction pramis suportahan ko kayo plus endorser nyo pa ako. Sa ngayon Im looking forward na makagawa ako ng mahahabang chapters para makiuso sa mga nagpa-publish ng libro J enjoy the last chapter.
Chapter 39 – Final chapter
Quinn’s Point of Views
10:00 Am at kamumulat ko lang ng aking mga mata. Wala akong balak na pumasok sa trabaho dahil alam ko masasaktan lang ako. Sinadya ko na magpaka-lango sa alak kagabi upang kahit sagliw ay mawaglit ang sakit sa aking puso. Hindi pa alam nina Mama at Kevin ang nangyari sa amin ni Zac at ayokong ipaalam hangat maari dahil alam ko pati sila masasaktan.
Sinubukan kong aliwin ang sarili ko sa bahay kahit alam kong nagmumuka akong tanga. Kain ditto tulog doon walis ditto laba doon, lahat na ginawa ko. Sa totoo lang na miss ko ang mga gawaing ito. Masyado akong naka-focus sa amin ni Zac na miski simpleng family bonding kasama ang Mama at mga kapatid ko ay hindi ko nagagawa. Masyado akong nag-expect na si Zac na talaga habang buhay na sya na yung kukumpleto ng buhay ko. Hindi pala totoo yung salitang “You complete me.” Kung talagang mahal ako ni Zac tatangapin nya anu man ang lahat ng pagkukulang ko. Walang taong perpekto at hindi kami perpekto ni Zac kaya dapat ay pagsasamahin naming ang pagiging di-kumpleto namin para bumuo ng isang perpektong pagsasama, pero lahat ng iyon nawala na lang na parang isang bula na kahit anong ingay mo ay kusang puputok, lilipad sa mga palad mo at mawawala na.
¯Been hearing the whispers, they talking bout we’re over, baby that’s news to me.
Don’t like what I’m hearing and I don’t wanna listen but are you through with me?
They say the best there’s someone else has been taking all your time.
They say the best there’s someone else has been on your mind
. won’t you tell what is real are they right are you gonna let me go let me know let me know.¯
Hindi ko alam kung bakit nagpapaka senti ako sa kantang ito pero hindi ko maalis sa isip ko na gusto ko syang tanungin kung tapos naba talaga ang lahat sa amin? Masyado na akong desperado sa kanya na kung ayaw na nya sa akin bakit ko ba sya pipilitin? Kailangan ko naba syang kalimutan? Kailangan ko na basyang alisin sa buhay ko? Kailangan ko naba syang burahin sa puso ko? Ginugulo ako ng mga tanong na ito sa bawat oras na gumagawa ako ng desisyon ko. Naputol lamang ito ng puntahan ako ni Kevin sa kwarto ko at nagpapasama sila ni Shy sa boutique dahil sa ikakasal na din sila L.
BINABASA MO ANG
Two Pieces Of A Broken Heart(Book 2)[Title Changed]
General Fiction2nd half ng TPOBH [RESTRICTED] rated 18