Part 6: Crying Chockies?!

38 9 10
                                    




Ginjer POV


Sabi nila..

Crush is better than love. Why? Simply daw, because love makes you cry but crush makes you happy

Eh bat ganon? Bakit ganito nararamdaman ko. Crush ko pa naman si Gil na feeling ko ay yun ang tama. Bakit nakaramdam ako ng sakit? At bakit feeling ko natatakot ako na hindi ko alam kung saan banda ako natakot? Minsan nakaka gulo na, nakakagulo ko ano ba talaga ang feelings ko para sa kanya

*Feeling ko Diary ko si Gil dahil ayaw ko talagang makita siyang maagaw at Mahawakan ng iba... Simply lang kasi mahal ko siya, gusto ko ang makasama siya everytime and anytime*

Pinapatuloy ko parin sa pagbabasa ang work ni Huzzey na kahit alam kong labis nang sinasakal tong puso ko.. Kanina ko pa pilit na dinaramdam na natural lang yun sa kanila kasi sila naman talaga ang magka relasyon

Iniiyakan ko lang ang mga time na ang saya nila pareho sa kwento... Ang saya saya nila, nakaka inggit, lalo na pag naiisip o naiimagine mo ang pinagagagawa nila. Na, napapaliwanag ng maayos ni Huzzey kung ano talaga ang nangyari

Para bang lahat ng Nangyari ay sadyang pinapatama niya sa akin at gusto niyang iparating na ganito sila kasaya na ayaw na nilang magpagulo, ayaw niyang may umaagaw sa natatanging mahal niya

Hindi alam ni Huzzey ang nararamdaman ko about Gil . Wala siyang ka alam alam at ayaw ko nang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko

"If you love him, Tell him...wag mong hayaang masaktan yang puso mo pag nararamdaman mo siya na may ginagawang nakakasakit sayo" napalingon ako sa nagsalita at dali daling pinunasan ang luha ko and yeah, its Chockies

"Hindi naman siya ang nag gugumawa para saktan ako... Its his girlfriend" sabi ko at tumayo sa hinihigaaan kong kama at umalis sa kwarto ko. At sumunod naman si Chockies

Kahapon pa nag agree ang utak at puso ko na tapusin ang story ni Huzzey, which is the story, love story i mean of the two of them. Wala naman akong ikinatuwa sa story niya kundi ang umiyak sa mga times na nag p-pyesta ang kaligayahan sa pagmamahalan nilang dalawa

Mas nasiyahan naman ako sa mga Chapter na may pagtatampo at pag-aaway na naganap kahit di naman ganon kalalim.. But so bad, ang bilis lang nila magka sundo, magkabati kasi alam nilang maiintindihan ang isat-isa.. Yan naman ang oras ko para umiyak ulit

"Ayan kana naman, hindi kana natutu, gumawa ka nanaman ng ikasasakit ng puso mo wag' mo nga saktan sarili mo' " sabi ni Chockies habang tumabi sa kinauupuan ko

Nandito ako sa dining nagugutom ang puso ko.. Parang wala ng laman kasi unti unting kinuha ni Huzzey si Gil dito mismo sa puso ko. Ang sakit lang

"Hindi ko sinaktan Puso ko, alam kong alam mong kusang nasasaktan yan kapag may naramdaman yang sakit" pabulong na sabi ko kay Chockies.. At sinubo ang pagkain sa bibig ko

"Hoy! Ginjer! Gising! Bakit ba napaka bitterrr mo! " sigaw ni Chockies at dahil sa sigaw na yun nagising ang diwa ko para magulat at napalipad ang kutsara patungo sa ulo niya

"o-ouch " mahina niyang sabi at hinawakan ang natamaan.. Feeling ko ang sakit nun malakas kasi ang pagkakahagis.. At pagtama ng kutsara

Tulad ng tindi ng pagkahulog ko sa kanya.. Ang lakas lakas at ang tindi ng pagkahulog ko.. Hindi man lang nag-iisip na andyan ang nakapagsasaya sa kanya.. Nandyan sa tabi niya PALAGI ang girlfriend niya.. Na hindi pala alam na nakiki exist ako sa puso niya

Tiningnan ko si Chockies sa puntong yun seryoso ang mukha niya at masasabi mong nasaktan talaga siya.. Ikaw kaya matamaan ng Kutsara na may bigat masyado? Pero matapang yang si Chockies ever since were young until now pag may problema hindi niya talaga ito iniiyakan kahit gaano yan kasakit... Ganun siya katapang.. Pero naniwala talaga akong pag love ang pag-usapan yan na ang totoong kahinaan mo.. At for that, yan ang talagang kahinaan ni Chockies

Grant it, If You Dare (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon