Gabriel's Point of view
"Uy, kuya tama na yan... wag mo na syang iyakan..." Sabi ni Rovilyn, again, sya yung kapatid kong Tomboy. Tanggap ni tatay na Lesbie si sissy, at alam kong matatanggap din ako ni tatay kapag nagtapat ako dahil kami kami nalang naman ang magakakasama sa bahay at buhay. Wala na kasi ang nanay dahil sumama na sya sa ibang lalaki, maharot kasi katulad ko. Sampong taon na kaming ulila sa ina. At sampong taon naring ulila si tatay sa asawa.
Magagawa naman akong tanggapin ni tatay kung ganito talaga ako. Pero ayoko talagang pasamain ang loob nya. Naroroon parin kasi ang hinanakit ni tatay. Ikaw ba naman ang ipagpalit ng asawa mo sa bakla.
Si nanay ay sumama sa Baklang Chinese na iyon dahil mayaman sya at napilitan naman yung BC na yun na magpakasal sa kanya dahil nakafixed marriage sila ng aking ina.
"Hindi ko anak yan. Lumayo kayo. Mga baliw!" Yun ang huling mga salita na narinig ko sa aking ina, ay ina bang matatawag yun? Ang tawag dun ay traydor slash maharot slash denial na girl.
Pagkatapos ng trahedyang yun. Napansin kong sobra sobra ang pagkasuklam ng aking ama sa mga binabaeng katulad ko at walang lumipas na araw na hindi sya lasing. Kaya ililihim ko ang lahat hanggat makakaya dahil ayoko na talagang dagdagan ang mga iniisip ng aking ama.
Oh diba? Taray ng secret ng dyosa nyo
Nakabalik na ako sa realidad nang mapansin ko na parang lumapit si Rov sa tainga ko at bumulong...
"Uy... wag mo na kako syang iyakan eh.. dahil di pa sya patay... WAG KANG EXCITED!!"
Tinignan ko sya nang masama.
"Toh naman, jowk lang hahahaha.." sabi niya, at nag peace sign pa.
"Sinong jokla?" Narinig ko boses ni tatay.
"Si kuya po... este wala po!" Sabi ni Rovi
Nadulas pa! 'To talagang tomboy na 'to bumibingo na eh. Malapit nang maka jackpot.
"Akala ko may jokla dito eh... patay sakin yun" sabi ni tatay habang nag cha-chop-chop ng baboy na uulamin namin ngayong gabi.
Bawat hampas ng kutsilyo nya... nagkakapirapiraso at tumatalansik yung baboy.
Nakakatakot!
~♡♡♡~ salon
"Sigurado ka na ba na aalis ka na? " sabi ni Averson Ang Mother At Tunay na Dyosa ng Salon or AMAT(D)S. silent D para magandang pakinggan. Haha
"Opo... tutal naman. .. wala na si Joush..." sabi ko. Feeling ko tinakbuhan nya lang pero feeling ko lang yun. Haha feelingera kasi ako XD. Alam ko ang mga pinagdadaanan ni Joush kaya hindi ko sya pwedeng husgahan.
"Hm? Dahil kay Joush na naman? Eh sya na nga ang dahilan kung bakit hindi ka nakatapos ng pag aaral tapos eto pa! Ay naku girl! Ano bang mayroon ang Manami Jousha na yan at hindi mo malimot limutan? Mahal mo ba?" -Averson
Tumango ako
"Sinasabi ko na sayo ngayon palang, niloloko ka lang nun.. alam ko yung mga tipo ng ganyang mga lalaki..magsasabi ng mahal ka nila... pero pera mo lang pala ang minamahal.. ay, jusko day." -Averson
Binato ko sya ng nakakatindig-balahibong tingin. At sinabing.
"Di sya ganon" kase may matindi syang dahilan kung bakit nya ginagawa yun.
"Uy.. ano yang tingin na yan? Tigilan mo nga yan. tumataas mga balahibo ko eh" tsaka sya umakto na parang nagpapagpag .
Bigla kong naisip
BINABASA MO ANG
My Twisted Fate
Teen FictionSiya si Gabriel Salvatore, kamuntik muntikan na sana maging prinsipe, kaso aksidente yata syang nabagok ng doktor nang ipinanganak sya at pagkasilang na pagkasilang nya palang ay alam nya na sa sarili nya na binabae talaga sya. Si Jousha Bautista an...