Chapter One

54 7 2
                                    

Gabriel

Sa isang baranggay sa Pampanga may nabubuhay na isang nilalang na katangi tangi sa lahat Dyosa pag nakatalikod, Dyosabog pag humarap.

"Maganda na naman ang umaga, kaso mas maganda parin ako!" Naghilamos at nagtoothbrush ako ng tatlong beses. Tsaka nagbihis may date kasi kami ng boylet ko.

Lumabas na ako ng bahay para ipamalas ang aking natatagong kagandahan.

"Hi bakla!" Bati saken ni Averson. Mother dyosa sa salon. Nakabistida sya at naka roll on ang hair, fairness mayaman na siguro, utangan ko nga tong bruhang to'.

"Hi mother dyosa pautang naman oh, kailangang kailangan ko kasi ng peracles ngayon eh" pag mamakaawa ko.

"Huh? Hindi pwede" pagtanggi nya at nagcross arms pa tong bakulaw na baktitang to'.

"Sige na, babayaran ko ng doble" sabi ko

"Basta hindi" at nagpamaypay pa ang gaga, sarap ikamehamewave.

"Sige na may kasamang boylet ang bayad ko" pangungulit ko.

"Ay naku hindi...ko pwedeng tanggihan yan" hinagilap nya yung pera nya sa dibdib nya.

Ew..

Nakabra pa sya

"Eto oh bakla! Kailangan ko na yung bayards nyan sa makalawa ha?" bigay nya saken, gusto ko sanang tanungin sa kanya...

Madir magmemedyas ka pa ba kung walang ka namang paa? Tapos sasagot sya ng bakit, tapos sasabihin ko nagtataka lang kasi ako kung bakit ka pa nakabra. Kaso baka biglang bawiin yung inutang ko, seyeng nemen.

"Salamat ha" sabi ko, nakow pow! kailangan kong mag sanitizer baka kung anong bacteria ang nasa pera na galing sa bra nya.

Papaalis na sana ako nang may narinig akong familiar na voice.

"Briel!!" Tawag ni tatay

"Ay anak nyang bakla! " sigaw ko.

Inalis ko yung wig ko at dress at tsaka ibinigay kay mother dyosa. Mabuts nalang at sa ilalim ng dress ko naka polo ako na checkered, green and blue, at pantalon na brown.

Hays, purple pa naman yung gusto kong pantalon at polo. May class naman ako noh,  di ako tutulad sa ibang bekis na puro pink ang gusto.

"uy briel!" Kinalabit ako ni tatay.

"Tay, bakit po" tinigasan ko yun boses ko.

Ay nako umalis ka na tay abala ka sa beautiful face ko eh,

"San ba lakad mo? At nakabihis ka yata" akbay nya saaken na nakangiti

"Ah, tay, may kadate po akong lalake" sabi ko sabay takip sa bibig ko.

"Ha? Anong sabi mo" Napakunot ang noo nya na tila naguguluhan.

Hala! Paano na to'. Girl kaya mo yan palusot to da maaaxxx!! Buti nalang talaga at medyo bibingi bingi si tatay.

"Tatay naman oh, di na mabiro, syempre babae ahahaha,"

kadiri

"babae po ang date ko" muntikan na akong masuka sa sinasabi ko as in eeww bakit naman ako makikipagdate sa mga babaeng walang ginawa kung di puro magpacute sa mga lalaki, yuck. Ay, nagpapacute nga rin pala ako! Charr... Hahaha

"Ah ganun ba, siguraduhin mo lang na joke yan ha, kung hinde alam mo na haha..." tawa nya pa

"Hahaha opo" pekeng tawa ko

|| ♡♥♡♥♡♥♡ bar

"Hi pogi" kagat labi kong tinawag yung pogi. Naka shorts ako at naka crop top ngayon. ayan litaw ang kaseksihan ng lola nyo kaya todo rampa kapag lumalakad.

Hindi ako pinansin ni pogi.

Hindi mo lang alam. Naku! Marami nang lalaking dumaan saken! Nakatambay kasi ako. Hahahahaha

"Ayy, taray," sabi ko at nakita ko si Pogi na pumunta sa harap nung counter ng bar. Napatitig ako sa kungsinoman ang nagbukas ng pintuan. Ayan na... pumasok na sa bar ang date ko, ang gwapong gwapo at pinakamachong lalaki sa balat ng lupa.

"Hi Joush" bati ko sa kanya at niyakap ko sya

"Hello" ngumiti sya saken

"Ang gwapo talaga ng boyfriend ko" bulong ko habang nakapatong yung baba ko sa balikat nya, para syang kinilig kasi nagsisitaasan yung mga balahibo nya.

"Th-thank you" nautal sya at namula sya.

At humiwalay na sya sa pagkakayakap nya sakin at tinignan nya ako.. ulo hangang paa. Gosh!  at sinabing "ikaw naman mula ulo, mukhang paa" at ngumiti sya

"Ikaw ha kahit kailan palabiro ka" and I poke his nose.

yiiii landi mo bakla hahaha

"Bakit ka nga pala nakipagkita saken" pagkatanong ko yung ngiti nya napalitan ng pagkalungkot.

"Oh bakit" tanong ko

"Sorry, babe ha pero aalis ako papuntang China may nag alok kasi sakin ng trabaho, hindi na tayo mag kikita, forever yung kontrata ko dun eh" sabi nya

"Babe, may forever?" Tanong ko

"Oo, forever tayong mahal ni God" sabi nya nang nakangiti. Dyan ako nasisilaw eh sa mga ngiting ganyanan.

"Anong hindi na tayo magkikita anong ibig mong sabihin? Eh babe may Skype naman eh. May videocall din sa Messenger."

"Wala kasing Internet dun, mahina kaya hindi tayo pwedeng mag skype"-Manami

"Eh may an-"

"So paano, paalam na," -Jousha

Hindi ko na natapos yung saaabihin ko nang tumakbo na sya papalabas nung bar na para bang naiiyak aawww sweet talaga ni behbeh ko kasi naman eh, di naman mahina yung net sa China. Dun pa. Sosyaleras mga tao dun eh.

"Bye bye. Mahal na mahal kita to the moon and- ay backla!"

"Luh! Grabe ka naman kuya. Tomboy kaya ako." Sabi ni Rovilyn, kapatid kong twisted din ang kasarian. Sumunod pala 'tong bruhang tomboy na to eh. Pasulpot sulpot pang nalalaman.

"Ikaw ha! Ba't ka nandito?" Sigaw ko kay Rov

"Eh may date kami ni Arianna ko eh" -Rov

"Arianna? Arianna Grande?" Tanong ko. Ininom ko yung tequila na isinerve nung bartender.

"Si UmArianna ang pagiging bakla..ay! aray! Ano ba yun? Kadiri ka naman kuya" Sinadya kong ibuga sakanya yung alak nung sinabi nya yung salitang Bakla

"Wala kang karapatang sabihan ako ng bakla, Tangerines mo! ate ang itawag mo sakin." Dahan dahan kong sinabi and bawat salita para feel na feel nya. Tsaka ko sya kinatukan sa ulo.

"Aray ko! Nakakailan ka na ba?" -Rov

"Dalawa. Bakit gusto mo dagdagan ko pa?" Akmang babatukan ko na sana sya. Kung hindi lang sana dumaan yung pogi.

"Hi kuya, tara inuman tayo." tawag ko.

Jousha

"So paano, paalam na" sabi ko at tumakbo, nagtutubig yung mata ko dahil nasusuka na ako hindi ba sya naliligo!? At nakakakilabot pa, kapag tinatawag nya akong babe yak!

Pagkalabas ko sinalubong ako ni Denise, girlfriend ko sa tapat ng bar. Authentic na girlfriend ko.

"Hey Beb" sabay peck sa lips nya

"Hey beb" sabi nya

"Tara na" aya ko, dahil may flight kasi kami papuntang Manila at dadalhin ko na sya sa altar para mapabuti na ang buhay namin, kailangan ko nang magpropose kay taba

--------

Dapat ko pa bang ituloy? Baka ayaw nyo e. Dami kaseng racist sa BL XD

Pero pag gusto nyo sige continue ko, :D hehe

Bye lovlies :)

×TNT×

My Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon